Chapter 21 Meet My Father
Devour’s POV
“Bestfriend, mauna na kami.” Saad ni Cyrus na nagsukbit ng bag n'ya, hindi naman ako kumibo at tumango na lang. Bumaling sa akin si Zairen na nakasukbit na rin ang bag sa kanyang balikat. Kailangan ko muna sigurong mapag-isa.
“Mauna ka na rin siguro, Zai. May pupuntahan pa kasi ako eh.” Narinig ko s'yang bumuntong hininga dahil sa sinabi ko, hindi pa rin ako tumatayo sa kinauupuan ko. Kahit na alam kong mag-isa na lang ako kapag umalis na si Zairen. Wala ako sa mood umuwi ng maaga dahil alam kong didiretso sina Ace at Mikaella sa dorm naming apat.
“Uuwi ka naman ng dorm 'diba?” napaangat ako ng tingin sa kanya at nakangiting tumango. Wala din akong balak na umuwi sa hideout dahil maalala ko lang ang pinag-awayan naming ni Ace, bukod doon masyadong malayo sa MSU baka ma-late lang ako sa klase ko.
“Kailangan ko lang talaga ng time mag-isa kahit sandali lang.” hindi na s'ya muling kumibo at naglakad na papuntang pinto, sinundan ko na lang s:ya ng tingin hanggang sa matanaw ko rin si Ace sa labas. Ganoon pa rin ang porma nila ni Mikaella, nakakawit pa rin ang braso nito kay Ace. Ipinilig ko ang ulo ko at muling tumitig sa white board ng classroom namin.
Nakaisip na ako ng plano ko kaso oras na naman ang problema ko, masyado ring komplikado dahil limitado ang oras ko kapag pumunta ako sa lab ng resting hour. Hindi ako marunong mang-hack kaya isasama ko si Path doon, paano kaya ako makakakuha ng impormasyon at ebidensya sa lab ng may mahabang oras? Okay lang naman kung limited pa rin 'yung oras ko basta madagdagan lang 'yung three hours, kahit five hours lang okay na.
Napahawak ako sa magkabilang sentido ko, ilang minuto na akong nag-iisip ng paraan para mapahaba ang oras ko. Bakit kasi wala silang day off? Diba required iyon kapag magtatrabaho ka?
Sinimulan kong masahiin ang balikat at leeg ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito, napasulyap ako sa pinto at tiningnan ang kulay ng langit. Pagabi na pala makauwi na nga. Inayos ko na ang bag ko at tumayo na. Ako na ang nag-lock ng pingtuan ng classroom at naglakad na para kuhain ang bike na ginamit ko papunta rito kanina. Hindi pa gaano kadilim kaya marami-rami pa rin ang mga istudyanteng naglalakad papauwi.
Nangunot ang noo ko nang mapansin ko sina Cyrus na naglalakad galing sa north station, pero hindi iyon ang ikinakunot ng noo ko kun'di ang tila tao sa kanilang likuran. Malayo ito sa kanila pero alam kong pinagmamasdan sila nito. Papadilim na pero kitang-kita ko pa rin s'ya dahil sa kulay puti n'yang suit, sana lang nasa matinong pag-iisip si Mrs. Dellego. Kung ako ang mag-uutos na sundan sina Cyrus ang ipapasuot ko sa tauhan ko ay kulay itim para hindi naman halatang pinapasundan ko sila, at saka kung makaputi sila akala mo napaka linis nilang tao. Tss!
Napailing na lang ako at nagsimula na ulit magpedal.
“Dev!!!” rinig kong tawag sa akin ni Taiku, nagkunwari akong walang narinig at mas binilisan pa ang pagpedal ng bisikleta ko. Napag desisyonan ko na hindi muna dumiretso sa dorm, ayoko ko kasing magluto ngayon. Wala kasi ako sa mood kaya bibili na lang ako ng ready to eat na pagkain, bilhan ko na rin kaya si Zairen?
BINABASA MO ANG
President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)
Mystery / Thriller🥈The Disco Book Award 2020 🏅Mystery And Thriller At the year 2421, the current president of the Station GES (Death Station Period) proclaimed Male Child Policy. But the residence of this station protest about it and the time was come that the new...