Chapter 18 November 23, 2441 : The Explosion at the Dorm no.3
*Flashback*
November 23, 2441
Third Person's POV
Matamang pinagmasdan ng isang ina ang kanyang anak na nakatitig lang sa kawalan habang umaagos ang kanyang luha. Nasasaktang s'yang makita ang kanyang anak na gan'yan ang sitwasyon, naiinis s'ya sa sarili n'ya kung bakit walang s'yang magawa para aluhin ito. Kamamatay pa lamang ng panganay n'yang anak ganito na kaagad ang bumungad sa kanya, hindi pa nga siya tapos magdalamhati ito na naman ang pumalit sa kanya. Ayaw niyang mawalan pa siya ng isa pang anak, baka ikamatay na n'ya ito.
Lumapit s'ya sa kanyang anak at niyakap ito ng mahigpit kahit na hindi s'ya nito pinapansin, pinunasan n'ya ang mga luhang tumutulo sa pisngi nito. Kinakausap n'ya ngunit hindi sumasagot at panay lang ang hikbi. Inaya n'ya itong pumunta sa mga kaibigan nito dahil baka sakaling ito ang makatutulong sa kanya para bumalik sa reyalidad ang kanyang anak.
Binuhat n'ya ito at lumabas ng bahay, sumakay sila ng kotse at binaybay ang daang madilim patungo sa gitnang istasyon. Alas otso na ng gabi ngunit hindi iyon alinta sa kanya para lamang makasama at makausap ng kanyang anak ang mga kaibigan nito, ipinagdarasal na lamang n'ya na sana bumalik na ito sa dati nitong kinalalagyan. Sinisisi niya ang sarili kung bakit nagkakaganito ang anak n'ya, marahil hindi na n'ya ito napagtuan ng pansin at naalagaan dahil sa pagkamatay ng kanyang panganay na anak.
Nang makapasok s'ya sa isang kwarto sa ika-apat na palapag pinalibutan kaagad ang anak n'ya ng mga kaibigan nito. Kanya-kanyang kwento ngunit hindi ito kumikibo at nakatingin lang sa kawalan. Hindi alam ng mga kaibigan nito ang nangyayari sa sitwasyong iyon kaya hindi nila pansing iba na ang kilos ng kanilang kaibigan.
Naisipan ng mga kaibigan n'yang dalhin ito sa kusina kung saan lagi itong nandoroon. Naramdaman ng batang babae ang kakaibang aura sa loob ng kusina, madilim doon at walang kahit na anong ilaw ang makikita.
Tila naramdaman na naman ang takot na naramdaman n'ya noong nakaraang dalawang linggo, paulit-ulit na rumirehistro ang pangyayaring ayaw na n'yang balikan. Napaupo s'ya sa sahig at nagtakip ng tainga, para s'yang nabibingi sa isang tunog na ayaw n'yang marinig.
Agad na umalis ang mga kaibigan n'ya upang sabihin sa kanyang ina ang nangyari, ngunit ang batang babae ay may naramdamang kakaibang titig ng isang taong hindi n'ya nakikita. Mga matang nakamasid na lagi s'yang binabatayan at minamanmanan sa pang-araw-araw n'yang pamumuhay. Dahan-dahan s'yang lumapit sa bintanang nakasarado malapit sa lababo, isiniwang n'ya ito ng kaunti para makita kung may tao sa labas. Kahit na madilim sinikap n'yang aninagin ito.
BINABASA MO ANG
President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)
Mystery / Thriller🥈The Disco Book Award 2020 🏅Mystery And Thriller At the year 2421, the current president of the Station GES (Death Station Period) proclaimed Male Child Policy. But the residence of this station protest about it and the time was come that the new...