Chapter 14 Pleasure Before the War
Third Person's POV
Ilang kalalakihan ang pumasok sa isang silid at nakayukong humarap sa isang babaeng nakaupo sa gitnang silya. Kalmado lamang itong nakatingin sa mga tauhan habang hinihintay na magsalita ang isa sa kanila.
"Maam Eun, hindi po namin nakuha ang mga taong nagtangkang pumasok sa lab. " anas ng isang lalaki. Kung pagmamasdan ay puro sila pawisan at sugatan na katatapos lang sa isang laban ngunit hindi nila iniinda ang sakit na kanilang nararamdaman.
"Ano?! Ang dami-dami n'yo hindi man lang kayo nakahuli ng isa?! " pabalang na saad ng babae. Mataas ang tingin nila sa babae kaya hindi nila magawang tumingin ng diretso dito.
"May mga dala rin po silang armas at mukhang mas bihasa po sila sa pakikipaglaban. "
"Nakilala n'yo ba ang mga taong iyon? " muling tanong ng babae.
"Hindi po, may mga takip ang kanilang mukha. " mas lalong nainis ang babae sa kanila.
"Walang kwenta! Get out!!" nagmamadali namang umalis ang mga tauhan n'ya at mag-isa na lamang s'yang naglilibot sa napakalaking kwartong iyon na parte pa rin ng secret laboratory.
"Kapag nalaman ko kung sino kayo ako mismo ang malalagay sa inyo sa hukay. " mahinang n'yang saad sa sarili.
Hindi na s'ya nagdalawang isip pa at agad na upo sa kaninang silyang inuupuan n'ya. Pinanood n'ya ang cctv na walang anumang tao ang ipinapakita dahil sa smoke bomb. Hindi n'ya mawari kung sino ang taong nanghihimasok ngayon sa laboratory n'ya.
Devour's POV
Agad akong nagmulat ng mga mata nang maalala ko si Ace na katabi ko pa rin ngayon. Mahimbing ang tulog n'ya at nakayakap pa rin sa akin. Napangiti ako sa naisip ko at agad na kinapa ang cellphone ko. Nakailang shot ako sa kanya saka s'ya tinigilan.
Hindi ko na s'ya inabalang gisingin at tumayo na ako, pumunta ako ng banyo para maghilamos at mag-ayos. Nang makababa ako sa dining nadatnan ko lang doon si mommy, tito Brainiel at Mikaella.
"Maaga pa Dev, come on let's eat." aya sa akin ni tito at naupo naman ako sa tabi ni Mikaella. Kumakain pala sila ng sinangag at itlog.
Nagsimula na rin akong kumain at wala pa ang mga boys sabagay kahit sa dorm namin mga tulog mantika.
"Wala tayong discussion ngayon about kay Eunice. Let's enjoy our weekend before we fight for the rights." napatango kami ni Mikaella sa sinabi ni tito nang matapos kaming kumain.
"By the way, may bagong bukas na beverages malapit dito sa hideout. Wanna taste it? Here, my green card you can spend it all." napanganga kami ni Mikaella nang iaabot sa amin ni tito Braineil ang green card n'ya.
BINABASA MO ANG
President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)
Mystery / Thriller🥈The Disco Book Award 2020 🏅Mystery And Thriller At the year 2421, the current president of the Station GES (Death Station Period) proclaimed Male Child Policy. But the residence of this station protest about it and the time was come that the new...