Chapter 12 The Two Microchips That Involved About Me

167 106 44
                                    

Chapter 12 The Two Microchips That Involved About Me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 12 The Two Microchips That Involved About Me

Azer's POV

Nandito kami ngayon sa dining area inaalo pa rin nina Zairen at Michael si Mikaella dahil sa mga nalaman nito. Kahit ako hindi rin ako makapaniwala pero napahanga ako ni Devour sa husay n'ya na mag-imbestiga. Ni halos wala nga kaming itinulong para makahanap ng ebidensya pero s'ya na ordinaryong tao 24 hours lang ginawa.

Siguro nga ay hindi na n'ya kami kailangan para makuha ang dapat n'yang makuha. Masyado nga lang nakakagimbal 'yung mga nalaman n'ya tungkol kay tita Eunice. Hindi ko rin alam kung saan ako lugar ngayon, matagal na naming kilala si tita Eunice dahil mommy s'ya nina Mikaella at kuya Michael pero meron pala s'yang tinatago sa amin lalo na sa mga anak n'ya.

"Azer, kain na." tumango ako at napalingon sa gawing kwarto ni Devour, kanina pa s'ya hindi lumalabas ng kwarto n'ya at paniguradong gutom na iyon.

"Don't worry hahatiran ko na lang s'ya ng pagkain mamaya." saad ni Cyrus, ang maalalahaning bestfriend ni Devour. Bumuntong-hininga ako at kumain na.

Nang matapos ang kainan hinandaan na ni Cyrus si Devour ng makakain nito at tinakpan sa lamesa tinext na lamang n'ya ito dahil ayaw n'yang maabala. Napagkasunduan rin namin na mag-inom ngayong gabi dahil na rin siguro sa samutsaring nalaman namin na hindi namin kaagad mai-process ng maayos sa utak namin.

Nag-iinom nga kami ngayon pero wala kahit sino sa amin ang nagtatangkang magsalita dahil pare-parehas kaming may iniisip na pwedeng maging solusyon.

Napatingin ako sa gawi ng magkapatid at marami-rami na rin ang naiinom nilang beer kumpara sa amin apat. Mas dinaramdam nila ang reyalidad dahil sangkot ang ina nila dito.

Napagawi naman ako kay Taiku, ngayong gabi lang ata s'ya hindi ngumiti at tumawa. Madalas s'yang magbiro at manloko pero ngayon kitang-kita ko na sineseryoso n'ya ang mga bagay na dapat lang seryosohin.

Si Cyrus naman ay nakatingin sa cellphone n'ya habang umiinom hinihintay n'ya sigurong mag-reply si Devour sa kanya.

*Sigh* mabilis kong inubos ang laman ng ikatlong lata ng beer at nagbukas ulit ng panibago.

***

Pasado alas diyes na ng gabi ngayon at medyo hilong-hilo na ako pero ayoko ko pang matulog. Para hindi ako makatulog kaagad ay nagpaalam ako kay Cyrus na manonood sa kwarto n'ya.

Umiikot ang paningin ko nang makarating ako sa kwarto n'ya at bumagsak sa kama, muli kong nilabanan ang antok at may kinuhang dalawang chip sa bulsa ko. Ang isa ay pagmamay-ari ko at ang isa naman ay kay Devour.

"Nashaan ba ang akin disyo?" sa sobrang hilo ko ay parang apat na chip ang nakikita ko. Kinuha ko na lang ang isa at isinalpak ito sa hologram ni Cyrus, habang hinihintay kong mag-process ang video ay nahiga ako.

President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon