Chapter 19 The First Wave : ConditionMikaella's POV
“Psst!” tawag ko kay kuya na kasalukuyang may sinusulat sa isang papel, lumingon naman kaagad s'ya sa akin. Lumingon muna ako sa labas ng kwartong kinatatayuan ko at pumasok na.
Alas onse pa lang pero parang tahimik na ang buong secret lab, isang oras na lang at resting hour na namin. Nabuo na namin ang map ng secret lab pero ang problema namin ngayon hindi kami pwedeng lumabas ng laboratory hour, kung ala una namin ibibigay kay Dev ang map siguradong mauubusan kami ng oras dahil babiyahe pa kami patungo sa east station.
Pero mayroon akong naisip na paraan para kahit nandito kami sa lab ay maipada na namin sa kanila ang sketch, paliit na ng paliit ang oras kailangan na naming kumilos.
“Paano natin ito ipapadala?” tanong sa akin ni kuya nang maupo ako sa tabi n'ya. Lumapit ako sa kanya para ibulong ang sasabihin ko.
“Meron akong nakitang hologram decoder doon, malapit sa silya elektrika. Pwede kang gumawa ng data sketch ng mapa at pwede mo sa kanila iyong ipadala. Kukunin ko kay Dev ang location ng hologram nila habang gumagawa ka ng data sketch.” tumango s'ya sa akin at tinupi ng maayos ang papel. Sabay kaming tumayo at lumabas ng 3rd room. Hindi ko alam kung bakit tahimik ang lab ngayong oras, nitong mga nakaraang araw kasi ay laging nakakalat ang mga tauhan ni mommy sa buong lab na parang rumorondang pulis sa isang barangay. Ngayon para kaming nasa isang mansyon na kami lang dalawa ang nakatira. Sa sobrang tahimik, kinakabahan ako.
“Diba merong isa pang pinto sa lethal injection room? Mas mabilis tayong makakapunta sa decoder kung doon tayo dadaan.” saad n'ya kaya napahinto ako sa paglalakad, tumango ako sa kanya kaya bumalik kami sa 3rd room at pumasok sa lethal injection room, 'yun 'yung maraming glass tubes. Dumiretso kaagad kami sa isa pang pintuan kung saan nasa kabilang hallway na kami ng lab. Sumulyap muna ano sa kanang bahagi ng hallway at baka may dumating na mga tauhan ni mommy.
Nakakapagtaka rin minsan na parang may nakakahalata na sa amin ni kuya kaya siguro minsan nararamdaman kong may sumusunod sa akin. Masyado silang observant sa amin ni kuya, kaya nakakatakot gumalaw mag-isa. Baka hindi namin alam, gumagawa na rin sila ng hakbang para mapatumba kami.
“Clear.” wika namin sa isa't isa ng wala kaming makita sa magkabilang direksyon ng hallway. Lumabas kami at lumiko sa kaliwang bahagi, matatanaw kaagad dito ang isang kwarto na walang door knob at mayroon lamang chip detector. Ang mga tao lang sa lab ang pwedeng makapasok roon kaya meron kami ni kuya, kaso ang problema namin ngayon mare-record sa office ni mommy ang pumunta sa kwartong iyon. Maaaring mahuli kami kung nakaupo ngayon si mommy sa office n'ya pero nakita ko s'yang lumabas kaninang alas diyes, hindi ko alam kung dumating na ba s'ya.
Sa kanang bahagi nito ay may pintuan rin pero hindi na chip detector ang nakalagay, dito sa kwartong ito nalalagay ang hologram decoder. Pumasok kami doon at naupo sa magkatabing hologram, hindi ko alam kung anong ginagawa ng mga tauhan ni mommy dito. Masyado kasi silang maraming ginagawa na hindi ko maintindihan, ni hindi nga namin sila nakakasama sa iisang kwarto.
BINABASA MO ANG
President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)
Mystery / Thriller🥈The Disco Book Award 2020 🏅Mystery And Thriller At the year 2421, the current president of the Station GES (Death Station Period) proclaimed Male Child Policy. But the residence of this station protest about it and the time was come that the new...