Chapter 13 Zen's Return: Face Off

171 103 62
                                    

Chapter 13 Zen's Return: Face Off

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 13 Zen's Return: Face Off

“We need to know when no one is in charge in that secret laboratory.” wika ni tito Braineil. Nandito kami ngayon sa dining ng hide out para magpulong. They want more evidence if Mrs. Dellego have more illegal transactions.

“Para na rin mapabilis ang pagbagsak n'ya sa kasalukuyang posisyon.” pagsang-ayon ni tita Rouney Ann.

Kanina akala ko magsasayang lang kami ng oras dito hindi pala magpaplano rin pala kami.

“Baka may schedule sila at kailangan nating kunin iyon.” napatango sila sa sinabi ko.

“Magbo-volunteer na akong pumunta doon ngayon.” dugtong ko, nagulat sila sa sinabi ko.

“Hindi ako na.” saad ni mommy.

“Hindi mommy, ako na. Don't worry mag-iingat ako promise.” nagtaas pa ako ng kanang kamay ko.

“Oo nga naman Roszian, saka sasama naman ko eh.” nakangiting wika ni tita Rouney Ann. Bumuntong-hininga si mommy at tumango.

“Pero isasama n'yo si Path para naman may lalaki kayong back up.” parehas kaming nag-thumbs up ni tita.

Bago kami lumabas ng hide out binigyan muna nila kami ng black suit para hindi kami makita ka agad dahil madilim sa labas.

Nagdala kami ng mga armas na kaya naming dalhin dahil sabi nga nila kapag pupunta ka ng gera dapat may dala kang bala.

“Mag-iingat kayo.” muli akong niyakap ni mommy. Masyado naman tong maaalahanin, hindi n'ya ba alam na nagmana ako sa kanya na sobrang tapang?

“Mommy, don't worry okay? Uuwi ako ng walang kahit anong sugat at kung meron man hindi ako manghihingi ng lollipop sa loob ng isang araw.” nginiwian n'ya lang ako.

“Siguraduhin mo lang.” sumaludo muna ako sa kanila bago kami lumabas.

Pasado alas nuwebe palang ng gabi ngayon at paniguradong hindi pa tulog ang mga tao. Sabado bukas kaya malaya silang magpuyat at magsaya.

Tig-iisa kaming may motor ngayon at binabaybay na ang daan papuntang north station. Nang makarating kami sa pinaka-dead end na nadatnan ko rin noon ay hinanap ko kaagad ang code detector na nakita ko.

“Path, come here.” tawag ko sa kanya. May alam s'ya kung paano mang-hack ng code kaya makakapasok kami sa loob.

2 minuto lang s'yang nagpipindot at nagbukas na ang pader.

“Wait.” pinigilan ko silang maglakad muna dahil alam kong may mga invisible laser ang daan at baka mahuli pa kami. Inilibot ko ang paningin ko at may nakita ako umiilaw sa isang puno. Dumikit ako sa pader para mapuntahan ang puno na iyon. Sumunod sila sa akin at nang marating namin ang puno ay pinaakyat ko si Path para tingnan ang umiilaw na iyon.

President Who Can't Be Throned (Under Final Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon