BLUE 1:INTRODUCEMENT

153 8 6
                                    

Cattleya's Pov

    "Lola, pwede po bang lumabas muna para magpahangin? "

Magalang na tanong ko kay lola. Nagluluto siya ng kakainin namin ngayong gabi.

    "O, sige, hija, basta bumalik ka rin agad at gabi na. "

Agad naman siyang pumayag at lagi niyang pinapaalala sa akin tuwing lalabas ako ng gabi na bumalik agad. Marahil ay nag-aalala siya sa akin. Siguro nasanay na siyang lumalabas ako tuwing gabi at maaliwalas ang langit.

    "Babalik din po ako, lola. Nang buo at ligtas. "

Sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit bago lumabas ng bahay.

I'm Cattleya Min Cilbuper, eighteen years young. Living together with my grandmother in a simple pink house near the sea. We choose to live here because it is so peaceful and all are natural.

Ang ganda na naman ng langit. Tanaw na tanaw mo ang lawak ng langit na sinamahan ng lawak ng karagatan. Mga bituing nagniningning, hanging nakikisabay sa pagsayaw ng buhok ko na hanggang baywang, pagaspas ng alon sa dalampasigan, huni ng ibon sa kagubatan at buong buwan sa malawak na kalangitan. Sana lahat ay nakikita ang kagandahan ng paligid... Sana payapa na lang...

Naglalakad ako ngayon sa dalampasigan habang suot ang mahabang bestidang pantulog. Always like this when it comes the night and with the clear sky. Patuloy lang ako sa paglakad ng marinig akong kaluskos mula sa puno ng gubat.

Nilingon ko ito at may nakitang anino. Pakiramdam ko kanina pa siya nakamasid at binabantayan ang galaw ko. I hate this feeling that my heart beats so fast without any valid reason.

    "Show yourself. Face me. "

I commanded. Mukhang ayaw lumabas kung sino o ano man siya kaya pinabayaan ko na lang at nagdesisyong bumalik na. Naglakad na lang ako pabalik sa bahay namin ng lola ko. Kami na lang dalawa ang magkasama, namatay na kasi si lolo tatlong taon na ang nakalilipas. Silang dalawa na ang tumayong mga magulang ko simula  pagkabata. But I wonder why  I can't remember my childhood, all I knew is when I'm with lolo and lola.

Andito na ako sa tapat ng bahay ng may mapansin akong kakaiba. Parang may mabigat na enerhiya sa loob ng bahay. Di ako makahinga... Bakit parang nauubos na ang hanging dito samantalang kanina lang ay ang lakas pa? Teka... Si lola! Mabilis akong tumakbo papasok kahit nahihirapan akong huminga.

    "Lola! Lola! Lola! "

Paulit-ulit kong tawag habang hinahanap siya sa buong bahay pero walang kahit anong bakas na nagsasabing nandito siya. Nawawalan na ako ng pag-asa na makita siya, na makasama pa siya. Naramdaman kong nanghihina na ang mga  tuhod ko. Di ko na kaya... I sat on the floor and now I can feel a single tear escaped from my eyes and continue to flow like a river.

Wala na si lolo. Wala na rin si lola. Wala na akong pamilya. Wala na lahat... Umiikot na ang aking paningin at nanlalabo na rin. Nanghihina na ang katawan ko dahil sa pinagsama-samang emosyon at parang wala akong malanghap na hangin.

Matatapos na ba lahat? Pwede ko pang makasama sila, di ba? Napangiti na lang ako dahil alam kong makakasama ko pang muli sila. Lolo, Lola hintayin niyo po ako... Nararamdaman ko nang unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko.Tapos na...

Someone's Pov

Kanina pa siya diyan naglalakad sa tabing dagat. Kanina ko pa rin siya binabantayan at sinusundan para masigurong ligtas siya. Pero muntikan na akong mahuli dahil aksidente kong natapakan yung dahon dahilan para mapatingin siya kung saan ako nagtatago.

THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]Where stories live. Discover now