Cattleya's Pov
Nagising na naman ako na kulay blue na kisame ang nakita ko. Pero hindi katulad kanina ay parang kwarto na ito saka 'di na masakit ang ulo ko. Mabilis akong bumangon at lumabas ng pinto. Anong lugar ito?
May nakita akong hallway pakaliwa at sa may bandang gitna ay may hagdan. Naglakad ako papunta sa hagdanan at bumaba. Pagbaba ko ay nakita ko may malaking chandelier sa kisame, blue na carpet, blue tables and chairs, and paintings of people wearing the same suit like others a while ago and robes. Nilibot ko ang tingin ko at napatigil ako sa isang painting. Si Lola...
Siya yung isang nakasuot nung gaya nung suot kanina. Kulay puti yung kanya tapos may diamond siya sa noo at may infinite symbol sa magkabilang side. Naglakad lang ako ng naglakad.
Cud's Pov
Tss... Walang mapaglilibangan kasi busy lahat sa ritual mamaya para kay Lady Bile. Bad trip! Pero alam ko na may kasamang babae sila nung dumating. Yeah, hindi ako sumama kasi napaka-boring kapag mahihina lang ang kalaban.
By the way, I'm Cud Methan, a Metal Majika User. Silver cloak, silver diamond and infinity symbol on the forehead. Silver hair na rin kasi nagpakulay ako.
Balita ko maganda raw yung babae. Jackpot!! *smirk*
Magiging interesado siguro kung siya yung mapagti-tripan ko mamaya... Ano kayang magandang gawin para masaya ako? Should I throw her in the Drah River? Should I bath her sauce?
Dapat masaya ang gawin ko sa kanya bilang binyag sa pagpunta rito sa World Of Majika. Pakialam ko naman kung maparusahan ako ni Reen eh epal lang naman yun sa training ground. Saka sure ako na hindi dun makikialam ang Pjioby kasi lagi silang nasa mission. Halos bihira nga lang yung mga yun na makita na manatili dito sa Majia Kingdom. Tss... Mahilig ako sa kasiyahan kaya gusto ko namang iparanas dun sa babae ang kaligayahan. Marami na rin akong napag-tripan na Majians at mortal lalo na kung bago pa lang sa lugar na ito.
Naglalakad ako sa training area namin. Sa World Of Majika ay walang school, walang dorms, walang headmaster, walang lessons. Yeah... Mukhang boring pero meron kaming Training Ground/Training Area. Doon tuturuan ang mga baguhan sa pakikipaglaban gamit ang Majika nilang tinataglay. Doon lang pwede ang paglalaban dahil ipapatapon ka o papatayin kapag sumuway ka sa mga patakaran dito.
Ang palasyo naman ay hindi kalayuan dito. Mas madali kang makakapunta kapag nag-teleport ka. Pero merong limitasyon ang mga Majika Users sa kanilang mga Majika. Kapag sumapit ang gulang nila ng isang libo ay maglalaho ang kanilang Majika. Para hindi ito mawala ay kailangang ipasa sa napili ni Goddess Crescini. Pero balita ko hindi din naman talaga si Goddess Crescini ang pumipili dahil meron pang isa talaga pero walang nakapagsasabi kung ano ito.
"Hey, Cud! Bakit ka nandito? Magti-training ka ba? "
Napataas ako ng tingin at nakita ko si Leah. Leah is a Tree Majika User, she can control trees, obviously. Brown and green diamond and so on like mine and others.
"Hindi. Nag-iisip lang ako ng pangbinyag dun sa bagong dating dito sa Majia Kingdom. "
Tumango lang siya saka lumapit sa akin at inaya akong maupo sa isang bench malapit sa amin.
"So, ano ng plano mo? Pwede kitang tulungan diyan. Hindi ko rin kasi gusto ang atensyon na nakukuha niya mula sa mga miyembro ng Pjioby. Dapat sa akin lang ang atensyon nila lalo na sina Hash at Neon."
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Basta Pjioby ang usapan napaka-possessive niya. Akala mo naman pag-aari niya si Hash at Neon. Haha!
Nag-isip muna ako ng plano pero wala talaga akong mapiga sa utak ko. Nagulat ako ng bigla na lang siyang sumigaw.
"Aha! Kung binyagan mo kaya ang treasure niya? Tiyak babalik yun sa Mortal World kaagad. Maganda naman siya kaya papasa yun sa taste mo. Kung mangyayari yun ay iisipin ng palasyo at Pjioby na hindi siya ligtas dito. Haha! "
Oo nga noh? Napangisi ako sa mga senaryong tumatakbo sa isip ko. Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Just wait... Umalis na kami sa Training Ground pagkatapos naming mag-usap.
"Needs:You always crave because what you have isn't enough"
A/N:
Ito lang po muna. Maiksi pero babawi po ako pagnag-pasok na si IDEA, lagi na lang absent sa klase ang utak ko eh.
Sorry sa bagal ng pag-update dahil sa pagre-review sa pre-final exam namin.
(Tologo bo? Nagre-review ka o natutulog? ")
Well, sa umaga natutulog hanggang tanghali tapos hapon magsusulat tapos gabi magre-review. Haha! 😂😂
And I'm happy that we celebrate about in this story.
Happy 51 reads and 18 votes BLUEERS!!
I love you all... Thank you!!
Matsimats!!!
*-*-*-
Annyeonghaseyo!
Thanks for reading! You've made it until here! Votes and comments are highly appreciated, if only you want!
Follow or add me on my social media accounts:
Facebook: Jasmin Rellermo
Instagram: itsyourapplejas
Tiktok: itsyourapplejas24
See you on the next chapter! Hope you continue reading!
Kamsahamnida! I purple you!💜
Matsimats!
*-applejas
YOU ARE READING
THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]
Fantasy© to the owner of the picture "When the right time comes,it'll gonna happen again on her like the way it happens from the past" -Prophecy