Cattleya's Pov
Nakatayo na ako sa isang madilim na paligid. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Nasaan ako? At bakit madilim dito? Brownout ba o wala silang generator? Nagsimula akong maglakad sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.
Hinayaan ko muna ang sarili kong dalhin at maglakad sa kung saan mang direksyon. Tumigil ang mga ito sa isang bahay. Bahay na sobrang kilala ko, ang bahay namin ni Lola. Pero teka, bakit parang di ata ginamit ni Lola ang generator dito? Ang alam ko mayroon kami noon, siguro mamaya ko na lang bubuksan.
When I open the door... I was shock of what I've seen. Black men surrounding Lola Jaeh. I tried to walk towards her direction but my body and feet couldn't move. WTH?! Baka patayin nila si Lola. Sino ba sila? Anong kaylangan nila kay Lola? Nanatili na lamang ako nakatitig sa kanila dahil sa panghihina.
"Where is the chosen? "
Boses ng lalaki. Teka, sinong chosen? Chosen... Bakit nila tinatanong si Lola?
"Hindi ko alam ang sinasabi niyo. Sinong chosen ang tinatanong niyo sa akin? "
"Wag kang magmaang-maangan, Bile. Alam kong alam mo kung sino ang tinatanong namin kaya sabihin mo na. Wag mo na siyang itago. "
Bile... Sino yun? Nagtaka ako ng tinawag nilang Bile si lola, ang alam ko kasi ay Jaeh ang pangalan ng lola ko.
"Wala na siya rito. "
Ha? Sinong wala na rito? Wala naman akong natatandaan na may kasama pa kami. Sino kaya yun?
"Nasan na siya? "
"Hindi ko sasabihin sa inyo. Pabayaan niyo na siya! "
"Sabihin mo kung ayaw mong mapatay ka namin. "
F*ck! Dun na ako nagpumiglas at pinilit na gumalaw pero walang nangyayari. Bakit hindi ako makagalaw?
"Hindi ko sasabihin kahit magkamatayan tayo rito! "
Lola! Isipin mo naman ako, please... Wag mo akong iwan Lola...
A tear suddenly escaped from my eye. Lola, ikaw na lang ang pamilya ko wag mo kong iwan...
Sabay-sabay nilang sinugod si Lola. Walang siyang laban sa kanila... How could they do this? Killing without mercy?
Ilang sandali pa ay nakita kong natumba na si Lola na puno ng dugo. Napahagulhol na ako.
"LOLA!!! "
*-*-*-
"LOLA!!! "
Mabilis akong napabangon sa higaan. Nanginginig ang aking mga kamay dahil sa panaginip ko. May luha rin na naramdaman kong dumausdos sa magkabila kong pisngi. Mabilis ko itong pinunasan. Panaginip... I let out a heavy sigh as I stood from the bed.
Bumaba na agad ako sa hagdan at dumiretso sa kitchen. Naabutan ko pa nga si Lola na nag-aayos ng mga gagamitin sa almusal kaya tinulungan ko na siya. Nung isa na lang ang natitira nagkasabay pa kami ni Lola na kunin kaya nahawakan ko ang kamay niya. Parang may biglang kumurot sa puso ko ng hindi ko alam kung ano basta bigla na lang sumakit. Napabitiw ako sa kamay niya.
Tumitig ako sa mukha niya habang hinahanda yung panghuli plato. What's going on? Anong ibig sabihin noon? Tumayo ako ng ayos pero biglang nanghina ang tuhod ko, buti na lang at nakahawak agad ako sa lamesa.
YOU ARE READING
THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]
Fantasy© to the owner of the picture "When the right time comes,it'll gonna happen again on her like the way it happens from the past" -Prophecy