BLUE 16: FEELING

24 3 0
                                    

Cattleya's Pov

Inilibot nila ako sa lahat ng lugar na pwede naming puntahan. Lakad dito, lakad doon, kwento dito, kwento doon. Yan ang ang ginawa namin buong maghapon dito sa Majia Kingdom. Hinahatid na nila ako papunta dun sa kwarto na pinanggalingan namin kanina. Pagod, gutom, sakit at kaunting saya lang ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Until now, I was just wondering where is Lola Jaeh because I badly wants to see her. I want to lay beside her and pretend that she is just sleeping but she's listening to my stories because I know that deep down on me it isn't true, it will never gonna happen again. On this time, I wanted to cry out and scream to make the pain away from me. I want to be happy again, I want to move forward but I can't even take a single step without looking back where Lola is still alive. I can't even understand what is going on, I am just going with the flow where my feet will take and lead me. Naalala ko rin si Blythe, nag-aalala na talaga ako sa kanya at umaasa akong buhay pa siya. Kasi kung buhay pa siya, siya na lang ang tanging pag-asa at kasama ko. Pero di ko rin maiaalis ang posibilidad na pwedeng patay na rin siya, wag naman sana...Please sana buhay pa siya... Di ko alam anb gagawin ko kung pati siya ay malalaman kong namatay na rin...

I didn't notice that we are already in front of the door we came out. And the worst thing is, they are looking at me, confused. Tumikhim muna ako bago tumango na lamang saka dumiretso na papasok at sinara na ang pintuan. Nakarinig muna ako ng tatlong mahinang katok bago may nagsalita.

    "Girl... If you need anything just come to me, okay? Don't hesitate to ask anyone where I am. I'll be there if you ask me to be there with you. Wag ka ma-fall girl! Subukan mo lang at baka mapatulan kita. Biro lang baka magkatoto! "

Napangiti naman ako dahil kay Raja at sa mga kalokohan niya. Maging mga kaibigan niya sa labas ay narinig kong tumawa dahil sa mga pinagsasasabi niya.

Kumatok naman muna ako ng tatlong mahihinang katok bago nagsalita.

   "Sige, Raja. Magpahinga na rin kayo dahil lahat naman tayo napagod sa paglilibot. Salamat sa panahon niyo. Ayos lang ako. "

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nila kasabay ng unti-unting paghina ng mga yabag na aking naririnig. Napabuntong-hininga na lamang rin ako at humakbang na pahiga sa kama. Napatitig ako bigla sa kisame habang inaalala lahat ng masasayang pangyayari habang kasama ko ba sila Lola at Blythe.

    "Leya, kapag ikaw nagka- boyfriend siguraduhin mong mamahalin ka niya at iingatan. Dapat protektahan ka rin niya dahil ang pagmamahal ay may palaging magsasakripisyo. "

Napatawa na lamang ako kay Lola dahil dun sa mga sinabi niya. Tinuloy ni Lola na suklayin ang hanggang bewang kong buhok habang nakaharap kami sa isang full length mirror sa kwarto ko.

    "Lola... Paano po ako magkaka-boyfriend eh wala nga nanliligaw sa akin eh. Saka syempre po Lola, mas prayoridad ko ang pag-aaral po muna bago ang love life kasi ang mga lalaki nandyan lang yan pero yung pagkakataon na makapag-aral hindi lahat napagbibigyan. "

THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]Where stories live. Discover now