BLUE 12:ALMOST

33 5 0
                                    

Cattleya's Pov

Hindi ko na alam kung nasaan na ako basta lakad lang ako ng lakad. May mga bahay naman akong nadadaanan pero ang pinagtataka ko lang ay lahat ay kulay blue. Marami ang napapatingin sa akin pero hindi ko na lang pinapansin. Ang sakit na ng paa ko kaya huminto na muna ako at naupo sa malapit na bench. Nandito ako ngayon sa isang malawak na lugar. Kung ikukumpara sa mundo na galing ako ay parang Arena.

Hayy... Gusto ko ng mahanap si Lola. Gusto ko siyang mayakap...

May isang butil ng luha ang namalisbis sa pisngi ko at nasundan pa ng iba.

Ang sakit-sakit... Kasi alam kong patay na si Lola pero hindi ko kayang tanggapin... Hindi ko kaya...

Nasapo ko ang mukha ko at sa mga palad ko ako umiyak. Nanatili ako sa ganoong posisyon ng ilang sandali lang dahil naramdaman kong may tumabi sa akin. Tinuyo ko ang luha sa mga pisngi ko at tinignan kung sino ang tumabi sa akin.

    "Hey... You okay? Here. "

Dinukot niya sa bulsa niya yung panyo at iniabot sa akin. Tinanggap ko naman iyon saka tinuloy ang pagpunas. Nang matapos na ako ay ibinalik ko na sa kanya.

    "Salamat. Alam mo ba kung nasaan ako? Anong lugar ba ito? At alam mo ba kung saan dinala si Lola? Hindi ko kasi siya mahanap. "

Nalungkot lalo ako sa sinabi ko. Kailangan ko ng mahanap si Lola. Sana alam niya...

    "Ahm... Sa tanong kung nasaan ka ngayon ay nasa training ground ka. Sa pangalawa naman kung anong lugar ito ay ito ang World Of Majika. Siguro bago ka lang dito kaya hindi mo alam. "

Sagot niya na nakangiti. Tama, bago lang ako rito. Wala akong kakilala. Wala akong kaibigan. Wala rin si Blythe sa tabi ko. Ngayon ko siya kailangan eh. Tumango na lang ako sa sinabi niya.

    "Eh yung panghuli kong tanong, Alam mo ba kung nasaan si Lola Jaeh? "

    "Jaeh? Sorry. Hindi ko kilala kung sino yang sinasabi mo. Gusto kitang tulungan pero hindi ko kasi kilala eh. "

Ngumiti na lang ako sa kanya ng pilit. Ayos lang naman na hindi niya alam eh. Siguro masyadong malaki itong lugar para may makakilala agad kay Lola.

    "It's okay. Atleast nasagot mo ying iba kong tanong. Thank you."

    "You're welcome. And by the way, ano nga pala name mo? "

Sasabihin ko ba? Sasabihin ko na nga tutal nasagot naman niya yung tanong ko.

    ''Ahm... Cattleya Min Cilbuper. Nice to meet you, you are? "

Nilahad ko yung palad ko para makipag-kamay sa kanya. Ngumiti muna siya bago sumagot.

    "Cud Methan. "

Tinanggap niya yung kamay ko. Ang ganda naman nung pangalan niya.

    "May tanong pa pala ako. Pwede? "

Tumango siya sa sinabi ko.

   "Sure. No problem. Meron din ako pero ikaw na muna. "

I let out a deep breath before asking. Kanina pa kasi siya gumugulo sa isip ko eh. Yung nangyari sa bahay. Yung mga nakita ko. Totoo kaya yun? Siya yata alam niya.

    "Ahm... Bakit kayo lahat nakasuot ng ganyan? Saka may powers ba kayo? "

Iba-iba ang napapansin ko kasi sa kanila eh. Iba-ibang kulay. May mga unique at may common.

THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]Where stories live. Discover now