Cattleya's Pov
"Yan nga yun... Ang halaman na Evero. "
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa halaman nasa harapan ko. Kagaya kasi siya nung nakita ko sa panaginip ko nung bigyan ako ng clue ni Shion. Yung mga bulaklak na kumikinang na parang diyamante.
"Yan yung naki—— "
Biglang naputol yung sinasabi dahil kadiliman na naman ang bumalot sa paningin ko. Teka! Anong nangyayari? Bakit madilim na naman ang nakikita ko?
"Leya? May problema ba? Ano yung sasabihin mo? "
Narinig kong tanong ni Reen. Kahit papaano kasi ay nakilala ko na din sila base sa mga boses nila.
"Asan kayo? "
"Anong asan kami, Leya? Nandito lang kami kasama mo. "
Si Lida ang may sabi nun. Eh bakit di ko sila makita?
"Ano bang nangyayari sa iyo, girl? "
Si Raja naman yung nagsalita at kahit siya ay nagtataka na rin.
"Di ba may sasabihin ka, ano yun? "
Si Cina naman yun hanggang sa magsunod-sunod na sila sa pagtatanong kaya medyo naririndi ako. Masakit sa tenga yung sunod-sunod na tanong para sa akin. Parang nag-e-echo sila sa loob ng tenga ko at nagpapaulit-ulit sa utak ko.
"T-Tama na... "
"What's happening to you? "
Mabilis na tinakpan ko ang dalawang tenga ko at mariing ipinikit ang aking mga mata dahil sa mga tanong sila. Hindi ko alam... Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya dahan-dahan akong umatras kahit wala akong nakikita. Masakit... Nasasaktan ako dahil sa ingay na naririnig ko.
"Catt, san ka pupunta? "
Tanong naman ni Eo pero hindi ko magawang sumagot sa kanila. Nagpatuloy ako sa pag-atras at paghakbang patalikod at mas lalo pang idiniin ang pagkakatakip ng magkabila kong kamay sa aking mga tenga.
"Andito na yung lunas. Ano bang ginagawa mo, Leya? "
Tama na... Ayoko na... Bakit wala na naman akong makita?
"Leya? May problema ba? Ano yung sasabihin mo? "
"Anong asan kami, Leya? Nandito lang kami kasama mo. "
"Ano bang nangyayari sa iyo, girl? "
"Di ba may sasabihin ka, ano yun? "
"What's happening to you? "
"Catt, san ka pupunta? "
Tumigil na kayo please... Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa mga tanong at boses na naririnig ko.
"Andito na yung lunas. Ano bang ginagawa mo, Leya? "
"Argh! Tama na! Tama na... Hindi ko alam! Pakiusap tama na... Nasasaktan na ako! Tama na... Hindi ko alam ang sagot! Wala akong makita! Wala na naman akong makita... *sob* "
YOU ARE READING
THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]
Fantasy© to the owner of the picture "When the right time comes,it'll gonna happen again on her like the way it happens from the past" -Prophecy