Cattleya's Pov
Naglalaban naman kami ni Neon ngayon. Atake kung atake, sangga kung sangga, depensa kung depensa at sugod kung sugod. Lahat ng itinuro niya ay ginagamit ko kasama nung iba kong ala-ala nung bata pa ako. Nakita kong may paparating na kamao sa akin kaya mabilis na umiwas at yumuko ako pagkatapos ay naupo sa mga paa ko saka ini-slide yung kanan kong paa para patikin si Neon. Nagtagumpay naman ako dahil ngayon ay mas mabilis na ang galaw ko. Napatumba siya sa lupa. Ilang sandali ay lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siyang tumayo. Inilahad ko yung kaliwa kong kamay at inabot niya naman ito habang nakangiti sa akin.
"Naisahan mo ako dun, Catt. Nice, pero di ko hahayaang manalo ka ulit this time. "
Sabi niya pagkatapos ko siyang hatakin patayo. I shrugged my shoulders as a response on his words. I saw him smile and by the look in his eyes, I knew that he is proud of me. I smile at him, too. Not minding the stares of my other co-trainees. They are wearing a smile and happiness is visible on their face by seeing us this close again.
"Staring is rude, guys. I bet you should start to continue fighting than minding us. "
Natawa naman kaming lahat saka nagsimula na silang bumalik sa paglalaban.
"Hayaan mo na kasi, Catt. So, let's start? "
I nodded my head and position myself away from him, just keeping some distance. Di muna kami gumalaw o sumugod, tila pinapakiramdaman ang isa't isa kung ano ang magiging sunod na galaw. Nagulat ako ng bigla na lang siyang sumugod ng mabilis at papatamain sana sa leeg ko ang kamay niya pero sinalag ko ito ng kaliwa kong kamay sabay pinatama ko ng malakas sa dibdib niya ang kanan ko namang palad. Napaatras siya at kinuha ko ang pagkakataon na yun para magpalipad ng sipa patama sa leeg niya pero nakaiwas siya kaya napaikot ako. Pagharap ko ay di ko siya agad nakita at naramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso sa leeg ko.
"As I have said, I will not let you win this time, Catt. "
Inapakan ko naman yung paa niya at siniko siya sa tiyan kaya lumuwag yung hawak niya sa akin dahilan nakawala ako sa kapit niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa leeg ko kanina saka mabilis na umikot papunta sa likod niya at pinilipit ang braso saka inapakan sa balikat dahilan para mapasubsob siya sa lupa.
"Paano ba yan, Eo? Di ka na naman nanalo sa akin. "
Pang-aasar ko sa kanya saka tumawa pa. Bumangon naman agad siya at pumiwesto kaya naghanda na ulit ako. Ako ang unang sumugod ng mabilis at balak paulanan siya ng suntok pero biglang may tila liwanag pumitik sa harapan ko na sobrang liwanag kaya napatigil ako.
Di agad ako nakagalaw sa pagkagulat. Ano yun? Nawala din naman iyon sa paningin ko kaya pinagpatuloy ko ang pagsugod. Di ko napansin ang isang bato kaya natisod ako at nahila ko sa Neon kaya bumagsak kami pareho. Nakapaibabaw ako sa kanya ngayon at napatitig sa mga mata niya. Napalunok naman ako nang ma-realize kung ano ang posisyon namin. Tumayo ako pero agad ding muntikan ng mapatumba ng maramdaman ko ang sakit sa paa ko. Buti na lang naalalayan agad ako ni Eo kaya di ako napasubsob uli.
"Ayos ka lang ba, Catt? "
"Sumakit yung kanang paa ko. Pakiramdam ko ay na-sprain ako. "
Tumango siya saka humiling na tapusin na ang pagsasanay. Nagkaroon din daw ng emergency kaya bukas ay sa controlling na lang kami.
KINABUKASAN, nakabenda ang paa ko at iika-ika akong maglakad buti na lang ay sa kwarto pa rin ni Neon ako pinatulog. Pumunta kami sa Lexipseton sa di ko malamang dahilan. Madali kaming bumalik sa palasyo at naligo bago nagpasyang bumalik sa training ground para magsanay naman sa controlling.
YOU ARE READING
THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]
Fantasy© to the owner of the picture "When the right time comes,it'll gonna happen again on her like the way it happens from the past" -Prophecy