BLUE 15:WE MEET AGAIN... dedicated to:coffeekara

24 4 0
                                    

Goddess Crescini's Pov

"Maligayang pagbalik! Dyosa ng Buwan! "

Pagpasok namin sa palasyo ay sabay-sabay na bumati ang iba pang Rae. Pupuntahan muna namin ang reyna't hari ng Majia Kingdom. Pumasok kami sa palasyo at dumiretso kung nasaan sila.

"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo? Mabuti at napadalaw kayo sa aming kaharian. Ikinagagalak po naming pumunta uli kayo sa aming kaharian. Maligayang pagdating Goddess Crescini. "

Sabi ng reyna habang bahagyang nakayuko ngunit tumayo rin ng tuwid kaagad. Nginitian ko muna sila bago nagsalita.

"Nagagalak rin ako't nakita ko kayong muli. At masaya ako na nakababa ako rito, mahal na hari't reyna. Kumusta ang chosen? "

May pag-aalangan pa sila na sagutin ang tanong ko. Magsasalita sana ang reyna pero naunahan na siya ng hari.

"Kasama niya ang Pjiobi. Pinababantayan namin siyang maigi dahil ayaw na naming mangyari muli ang nangyari nung nakaraan lamang. Ano nga pala ang sadya niyo rito Dyosa Crescini? "

Ang kaninang medyo may bulungan ay natahimik at nag-aabang na malaman ang pakay ko sa Majia Kingdom. Napatikim muna ako bago sumagot.

"May kakausapin lang ako sa Lexipseton. Andyan na ba si God Samts? "

Tumango ang reyna't hari. Nagpasalamat ako sa kanila saka nagsimulang maglakad papunta sa Lexipseton. Bawat madadaanan namin ay nagugulat ngunit bumabati din kapagkuwan.

Marahil ay nakakagulat nga naman na nandito ako gayong wala namang pagdiriwang. Bihira lang kasi ako bumaba mula sa buwan. Mga mahahalagang pagdiriwang lamang ang dahilan ko sa pagbaba ngunit ngayo'y kaiba sa mga iyon. Ako'y bumaba sa buwan upang makipagkita.

Napatigil ako ng mapansing nakatigil din ang mga kasamahan ko at nakayuko. Nangunot ang noo ko at nagtanong.

"Bakit kayo yumuyukod? "

Pinaghalong pagkabahala at pagkatakot ang nakita ko mula sa mga mata ni Pape.

"Ah... Si--"

"Goddess Crescini, we meet again. It's nice to see you again... "

Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na yun. Napakapamilyar niyon sa aking pandinig. Matagal na rin mula ng marinig ko ang tinig na iyon. Ang tinig na iyon mula sa taong halos iaalay ko ang lahat at sa tuwing maririnig ko ang boses na iyon ay napapangiti ako ngunit sa huli'y wala rin namang saysay at halaga, lalo na at ang boses na iyon, sa tuwing naririnig ko ay napupuno ang pighati't kalungkutan ang aking puso.

Inayos ko ang aking sarili saka dahan-dahang humarap na walang anumang makikitang emosyon mula sa akin.

Tanging tango lamang ang nagawa ko at sinenyasan sila na magpatuloy na sa paglalakad. Hindi naman dahil apektado ako o ano. Ayaw ko lang kasing humaba ang usapan namin. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ang nagagawa namin ng magsalita siyang muli.

"Cresci, pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lamang. "

Hinarap kong muli siya saka naglabas ng mga salitang matagal ko nang kinimkim.

"Una, kung ikaw natutuwang makita akong muli, ako hindi dahil kahit kailan hindi ako natuwang makita ka.Pangalawa, wag mo akong tawaging Cresci dahil wala kang karapatang sabihin yan. Pangatlo, ayokong makausap ka dahil hindi ko kayang makipag-usap sa taong kinokontrol ang isip para sa sariling kagustuhan. "

Natahimik siya sandali. Tumitig siya sa aking mga mata. Guilt is visible in his eyes but that guilt cannot change anything now. That guilt cannot take back the time where everything is fine. That guilt cannot restore anything to it's original form. And that guilt cannot give back the fake love I gave to him eversince.

THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]Where stories live. Discover now