A/N:
Blueers ito na ang most awaiting part ko.
Thrill will appear in the remaining chapters. Pagpasensyahan na po ang mga grammatical errors and typos.
Matsimats!
——————————————————
Cattleya's Pov
Paggising ko ay nasa tabi ko na si Blythe na nakangiti at may dalang bed tray. Sobrang bait talaga niya at maalaga kaya minahal ko na siya bilang kaibigan at ayokong mawala siya. Hinawi niya ang buhok na nakatakip sa mukha ko at inipit sa likod ng aking tenga.
"Wake up, Leya... Mag-swimming tayo sa dagat. Masarap ang simoy ng hangin saka malamig ang tubig. "
Napahugot ako ng malalim na hininga dahil sa sinabi niya. Ano kayang pumasok sa isip niya at gusto niyang mag-swimming? Baka ayaw na mabulok sa tubig ng gripo. Natawa ako sa iniisip ko kaya napakunot naman ang noo niya.
"Bakit ka tumatawa? "
Ang cute niya tignan dahil sa mukha niya. Bumangon ako ng nakangiti at pinisil ang magkabila niyang pisngi.
"Wala lang yun. Subuan mo muna ako ng pagkain na dala mo. "
Nakangiti pa rin ako hanggang ngayon at pisil pa rin ang pisngi niya.
"Ohoh nah. Bitahwan mo na ang pishngi ko. Lehya, mashakit kahya. "
Ang cute niya talaga... Maglalambing ako sa kanya ngayon. Binitiwan ko ang pisngi niya at niyakap ng mahigpit.
"Anong sumapi sa iyo at naging ganyan ka ka-sweet ngayon? "
Hayst! Di ko alam ang isasagot ko pero ang alam ko lang ay parang huli ko na siyang makakasama ngayon. Ewan... Mahirap ipaliwanag tapos parang may masamang mangyayari ngayon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga iyon.
"Subuan mo na lang ako. Please, Blythe. "
Grabe, nahihiya ako sa ginagawa ko. Pero ayos lang naman kaya ngumanga ako para magpasubo.
"Ewan ko sa iyo. Bahala ka nga diyan, kung ano ano ginagawa mo. "
Tumawa siya habang isinusubo ang pagkain sa bibig ko. Nginuya ko ito at hinalikan siya sa pisngi niya. Ganyan talaga ako ka-sweet kapag natripan ko. Lalo lang siyang humagalpak ng tawa at humiga pa sa kama ko. Nilagay ko muna yung bed tray sa study table katabi ng kama. Humiga ako sa tabi niya at yumakap.
"Blythe? "
"Hmm? ''
"Mahuli sa dagat siyang kakain ng seaweed! "
Sabi ko at tinulak siya saka mabilis na tumakbo palabas ng bahay.
"Ang daya mo, Leya! "
Nakita ko pa nga si Lola na nanonood ng tv sa sala. Tumatawa pa nga ako at kumaway sa kanya saka mas binilisan pa ang pagtakbo dahil malapit na siya. Pagkatapak ko sa buhangin ay hinubad ko ang damit ko. Wag kayong mag-alala may suot naman akong sports bra at cycling shorts. Wala lang, natipuhan ko lang magsuot kagabi bago matulog.
"Blythe! Bilisan mo ang bagal mong tumakbo! Manang ka na! "
Natawa naman ako sa naging reaksyon ng mukha niya.
"Manahimik ka, Cattleya Min Cilbuper! "
Binilatan ko lang siya at tumawa pa habang tumatakbo. Pagkarating ko sa may malapit sa tubig ay tumigil ako at hinintay siya. Naghubad din siya ng damit at tumambad ang napakaganda niyang hubog ng katawan. Siya talaga ang sexy sa aming dalawa. Tama lang kasi sa katawan niya ang pagiging sexy niya saka medyo payat kasi ako.
Nagsimula akong maglakad papunta malapit sa dulo ng cliff. Pagdating ko doon ay agad akong nag-dive sa tubig.
Neon's Pov
Nagpapahinga ako sa taas ng puno at kumakain nang dala ni Lady Bile na pagkain. Siguro alam na niya ang iniutos sa akin ng reyna. Mamayang gabi na ang pagsisimula ng pagbilang kaya mas lalo kong binabantayan ang itinakda. Nasa akto na ako ng pagsubo nang mapatigil ako. Nakita ko siya na tumatakbo habang tumatawa. Hinahabol naman siya ng kaibigan niya na lagi niyang kasama. Pareho na sila ngayong naka-sports bra at shorts kaya napaiwan ako ng tingin. Napansin ko rin patungo siya dun sa may talampas. Agad akong naalerto dahil baka bigla siyang tumalon at mamatay siya.
Teka! Bakit ganyan ang suot niya? Anong gagawin niya doon? Tatayo na sana ako ng may humawak sa balikat ko. Sino yun? Lumingon ako at nakita si Lady Bile, humarap ako sa kanya at yumuko.
"Bantayan mo ang apo ko, Neon... Alam kong kumilos na sila. "
Lady Bile/Lola Jaeh's Pov
"Bantayan mo ang apo ko Neon... Alam kong kumilos na sila. "
Pagkatapos kong sabihin yun ay bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha. Alam ko na matagal na silang kumilos. Alam ko rin na ang Blythe na nakatira sa bahay ay peke. I visited their house before I went to the meeting. I knew that the real Blythe Gorostiza died two years ago. Pero hindi ko alam ang tunay niyang katauhan. Nararamdaman ko lang na kaylangan siyang iwasan.
"Lady Bile, pangako po babantayan ko po ang apo niyo. Palagi ko siyang poprotektahan kahit kapalit pa ang buhay ko. "
Napangiti ako sa sinabi niya. Huli na ito... Kaylangang umayon sa plano ko ang lahat. Kaylangan na magawa ko yun para sa kanya... at sa lahat.
"Alagaan mo siya at damayan, ha? Dahil kaylangan kong magsakripisyo. "
Halos naging pabulong na lang ang huli kong mga kataga na nagpakunot ng noo niya. Ngumiti na lang ako sa kanya at sinabi ang dapat kong gawin.
"Ako na munang bahala sa itinakda. Magpahinga ka na muna at bumalik sa Mundo ng Majika. Dalawin mo ang mga miyembro mo. I take your responsibility for tonight only and be sure that you're here at exactly twelve in the midnight. "
"Masusunod po, Lady Bile. Mauna na po ako at pakisabi po sa apo niyo na 'wag siyang magpakamatay. Tatalon po kasi—— f*ck! Nakalimutan ko, baka mamatay siya! "
Napatawa na lang ako sa kanya. Baka akala niyang mamamatay si Min kapag tumalon sa talampas, ang babagsakan naman niya ay tubig. Grabe... napaka-inosente niya para sa mundong ito.
"Wag kang mag-alala hindi siya mamamatay. Lalangoy lang yan sa dagat. Pumunta ka na sa Mundo ng Majika. "
"Paalam, Lady Bile. "
"Paalam din. Mag-iingat ka. "
Tumalikod na siya at naglakad na papalayo.
"Sacrifice:You leave with no choice but to accept it or become worst than it commit. "
*-*-*-
Annyeonghaseyo!
Thanks for reading! You've made it until here! Votes and comments are highly appreciated, if only you want!
Follow or add me on my social media accounts:
Facebook: Jasmin Rellermo
Instagram: itsyourapplejas
Tiktok: itsyourapplejas24
See you on the next chapter! Hope you continue reading!
Kamsahamnida! I purple you!💜
Matsimats!
*-applejas
YOU ARE READING
THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]
Fantasy© to the owner of the picture "When the right time comes,it'll gonna happen again on her like the way it happens from the past" -Prophecy