Cattleya's Pov
Nagsanay kaming lahat para sa nalalapit na labanan. Walang sinasayang na mga oras at panahon. Kanya-kanyang ensayo ang mga Majians, mga Rae, mga bihnu, mga wedfy, ang mga miyembro ng Pjiobi at maging ang hariat reyna. Lahat ay determinadong manalo at magsakripisyo upang tapusinang kaguluhang sinimulan ng kabilang panig.
Maraming daw ang nagbago sa akin mula ng araw na iyon, sabi ng nakararami ngunit wala akong pakialam. Nawalan na ako ng pakialam sa mundo at ang tanging nais ko lamang ay makapaghiganti. Uhaw... Uhaw sa hustisyang aking nais makamit. Galit... Galit sa mga taong pumatay sa mga mahal ko sa buhay. Sari-saring emosyong nagsasama-sama sa aking kalooban. Naiipon, namumuo at lumalago hanggang sa nauwi ito sa pagkasuklam.
"Nakakatakot ang itinakda. Naapektuhan ng labis ang kanyang pagkatao dahil sa mga nangyari. Galit ang sumusupil sa kanyang damdamin magpasa-hanggang ngayon. "
"Nakakabahala ang kanyang pagbabago. Ang dating masiyahing tao ay naging malungkutin ngunit ikinukubli niya ito sa pagpapakita ng kalmadong ekspresyon. "
Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko ngunit hindi ko na lamang ito iniintindi. Mas tinututukan ko ang pagsasanay at pag-iisip ng paraan kung paano maghihiganti. Kung paano ko papatayin ang mga taong sumira at pumatay sa mga mahal ko sa buhay.
"Girl, hindi ka pa nakakapagpahinga ng maayos pero nandito ka na naman. "
Sabi ni Raja na sinang-ayunan naman ng iba pa. Nagsalita rin si Rod.
"Kanina ka lang na madaling araw natapos magsanay ngunit isang oras lamang ang lumipas ay nandito ka na naman at nagsasanay. "
Tama yung sinabi niya, hindi ako tumigil sa pagsasanay at bumalik lamang ako sandali sa palasyo dahil naligo muna ako at kumain.
"Leya, magpahinga ka na muna. Wala ka pa atang tulog simula pa kahapon. "
Kailangan... Dahil matinding pagsasanay ang susi sa aking paghihiganti, Lida.
"Maayos lang ako, 'wag kayong mag-alala. "
Paniniguro ko sa kanila upang hindi na nila punain ang mga ginagawa ko. Hindi ko hahayaang maging hadlang sila sa aking plano. At lalong hindi ko hahayaang madamay sila sa aking gagawin. Tumango na lang sila at bumalik sa pagsasanay. Patawad...
NAKARINIG AKO ng malakas na pagsabog kaya napalabas ako sa sa aking silid. Dali-dali akong tumakbo kung saan iyon nanggaling at nakita ko ang ilang Majians na nakikipaglaban. Mukhang nagsimula na ang digmaan. Malamig akong napangiti sa isiping makakapaghiganti na ako.
Maghintay ka lang... Maghintay lang kayo... Pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo!
Nakita kong may papasugod na limang nakacloak na itim sa akin kaya hinanda ko ang sarili. I closed my eyes as I summoned my weapon. I opened my eyes as I darted my gaze upon them. It's five versus one but I'll make sure that I'll win against them.
Nang malapit na sila ay hinawakan ko ng mahigpit ang espada ko sa magkabilang kamay. Yung isang may dagger ang naunang sumugod sa akin. I flipped myself midair and I landed at his back then I sliced my sword against his back. His body turned black and fall into black ashes. Easy...
Pagkatapos ko mapatay yung isa ay pinalibutan naman ako nung apat. Isa sa harap, isa sa likod at dalawa sa magkabilang gilid ko. I tightened my gripped on my sword when the Asdertian in front of me attacked. He's also holding a sword so it's a sword fight. He pierce it to my chest but I was able to block it and I push him using my sword then I dig the tip right into his heart. His body turned black and fall into black ashes.
Naramdaman kong sumugod yung nasa likod ko kaya hinarap ko ito at sinalag ang atake niya. Yumuko ako at sinipa ang tuhod niya kaya napahiga siya atnabitawan ang hawak niyang dagger. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para sipain iyon palayo at itusok sa puso niya yung espada ko. Napalingon ako dun sa dalawa na sabay na sumugod sa akin. Pareho silang may hawak na espada kaya inihanda ko ang sarili ko. I blocked their sword and kick the one on her stomach so she moved away. I move my free hand holding the sword to slash her stomach. Yun isa naman na napalayo ang hinarap ko.
"Dark wind blow! "
Bigla niyang sigaw at nagulat ako na gumamit siya ng Majika. Lumakas ang hangin pero nanatili akong nakatayo sa harapan niya.
"Wind absorber tornado! "
My attacked absorb her wind blow and it vanished in the air. Halatang nagulat siya kaya mabils akong tumakbo papalapit sa kanya at umikot papunta sa likod niya. I slash her back and cut her neck, later on, she turned into black ashes.
May mga bahid ng dugo ang suot at espada ko. Hinihingal akong tumayo ng ayos at tiningnan ang mga abong nagkalat sa lupa. Ito ang unang beses kong pumatay ngunit wala akong makapang konsensya. Marahil ay nararapat lamang iyon sa kanila. Tumakbo akong muli papasok sa palasyo upang protektahan ang hari at reyna. Hahanapin ko rin ang mga kasamahan ko. Maraming naglalaban sa paligid ko at yung ibang humaharang sa daraanan ko ay pinapatay ko. Crashing swords. Cry of pain. Scream of thy agony. And ashes.
Papasok na sana ako ng mapatigil ako sa pagtakbo dahip biglang may dumaang bolang itim sa harapan ko. Napalingon ako kung saan iyon galing at nakita ko ang prinsesa ng Kingdom of Asderty. Naramdaman kong parang kumulo ang dugo ko kaya napahigpit ang kapit ko sa aking espada. Isa siya sa dahilan kung bakit nawala ang mga mahal ko sa buhay. At ngayong nakita ko ang isa sa kanila, sisiguraduhin pagbabayaran niya ang ginawa niya sa lalaking mahal ko.
"Muntikan na doon, sayang naman di ka pa natamaan. "
Cherry smirked at me with her mocking tone of voice.
"Sablay kasi tumira yung may gawa. "
I also smirked at her. I made my expression emotionless but my eyes is glaring and flaring fire. Nagbago ang emosyon niya dahil sa sinabi ko. Bigla namang may lumapit sa kanya at nakita ko ang hari ng Kindom of Asderty. Nandito na ang dalawang magbabayad sa kanilang ginawa. Ngunit napatigalgal ako ng makita ko kung sino pa ang kasama nila.
"Ms. Tadilo... "
My jaw clenched as I stared at them. I glared at the person who taught me how to control and enhance my Majika.
You're included also Ms. Tadilo. You fucking TRAITOR!
"Traitor: Sometimes this is the least person you wouldn't expect and sometimes this is the person who are somehow close to you"
*-applejas
YOU ARE READING
THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]
Fantasy© to the owner of the picture "When the right time comes,it'll gonna happen again on her like the way it happens from the past" -Prophecy