A/N:
Sorry blueers kung natagalan na po ang ud ko. And for others information, once you read this story I already called you blueers. Sorry po talaga.
Matsimats!!!
—————————————————
Cattleya's Pov
Ibinalik ko ang tingin ko kay Lola. Paunti na rin ang mga nakakalaban niya kaya nakakampante na siya.
"Blythe? "
"Leya... Tara umalis na tayo. Please... "
I let out a heavy sigh and turn around. Pero paano kami makakalabas dito?
"Tara sa likod. Akong bahala. "
I nodded on what she said and walk to the direction she told me. As we step on our backyard, we try to continue walking and I was shocked when the barrier is gone. Nagpatuloy kami dahil pupunta kami sa gubat para makatakas.
Naalala ko si Lola. Tama ba na iwan ko siya? No... Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa bahay namin. Hindi tama na iwan ko si Lola, I need to save her. I run as fast as I could until I reach the front of our house. Thick smoke, booming sounds, crashing swords and——dust? Saan ito nanggaling?
Naramdaman ko na lang na may kumapit sa braso ko kaya lumingon ako at nakita ko si Lola na nakangiti na parang walang nangyari.
"Let's go? We need to escape, Cattleya Min. "
Tatango na sana ako ng may mapagtanto ako. Ca—Cattleya Min? Hindi pa ako tinawag ni minsan ni Lola na ganun... hindi siya si Lola. Mabilis kong hinawi ang kamay na nakahawak sa akin kaya napatingin siya.
"Hindi ikaw ang Lola ko. "
Nagsimula akong kabahan dahil sa biglaang pagngisi niya at hinablot ang braso. Mahigpit ito na parang gustong durugin ang buto ko. Napangiwi na lang ako sa sakit.
"Min! "
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko sa hindi kalayuan, si Lola. Napangiti ako pero agad ding nawala ng hinigit na naman nung kaharap ko ang braso ko. Marahas ako nitong hinila na parang wala lamang ang bigat ko para sa kanya.
"Let go of my arms! "
Sigaw lang ako nang sigaw pero parang wala siyang naririnig. Marahas ako nitong itinapon sa lupa dahilan para mapasubsob ako. I feel some scratches on every part of my skin. I touch my arm that the villain held awhile ago. I clenched in pain when I realize that it's bleeding and some dark veins are fastly running throughout my body. Anong nangyayari? Bakit? Ano ito?
"Anong kailangan mo? Bakit mo ginagawa ito? "
Malakas siyang tumawa na nakakapangilabot, tawang pang-demonyo. It sends shivers in my spine. Natatakot ako sa kaniya.
"Simple lang... Ang kapangyarihan na nasa iyo. "
Napakunot ang noo ko. Ano raw? Kapangyarihan? Nababaliw na ata ito. Ako? May kapangyarihan? The heck!
"A-Anong kapangyarihan ang pinagsasabi mo? "
"Sumama ka at—AAHH!!! "
Napasigaw siya dahil sa pagtagos sa katawan niya ng isang espada. Napaatras naman ako ng halos isang dangkal na lang ang layo niyon sa mukha ko. Bumagsak ang katawan niya sa lupa at nakita ko ang bulto ng isang lalaki sa harapan ko. Sino naman ito?
"Sino ka? "
Hindi siya sumagot bagkus ay humakbang siya palapit sa akin. Mabilis akong umatras habang nakaupo pa rin sa buhangin.
YOU ARE READING
THE MAGIC OF THE BLUE (PJIOBI SERIES #1)[Completed]
Fantasy© to the owner of the picture "When the right time comes,it'll gonna happen again on her like the way it happens from the past" -Prophecy