"Thank you sa pag hatid ah! Pasensya na talaga sa abala! Yaan mo at babawi ako!"
"Wala yun! Sige na una na ko. Salamat din! Antayin ko yang bawi mo ah!"
"Oo sige hahaha ingat!"
...
"Mama nandito na po ako!""San ka galing Nak?"
"Nanuod lang po ng sine yung binigay na ticket ni Papa"
"Ah eh sino kasama mo? Diba't dalawa yun?"
"Ah opo Ma. Binenta ko po kasi wala naman akong makakasama sa panonood tapos nag meet up po kami nung bumili ng ticket, eh mag isa lang din po pala sya, binigay nya nalang yung isang ticket sakin kaya nanuod na din po ako hehe sayang naman po kasi ganda pa naman"
"Ah ganun ba? Oh sya sige kain ka na jan! Nakakain na kami ng Papa mo hindi ka na namin nahintay at gutom na kaming pareho ng Papa mo"
"Okay lang Ma busog pa naman po ako kumain na po kami kanina"
...
[Hello mga besh! Kamusta mga lakad nyo kanina?]
Nag message ako sa group chat naming apat
Viv: [Okay lang hahaha ikaw May? Sorry talaga hindi kita nasamahan ah :((]
Juls: [Oo nga May huhu sorry talagaaa! Buti nasamahan ka ni Loisa]
Loisa: [Huh? Hindi ko din nasamahan ni May eh may lakad din kami ni Ronnie kanina hindi pa nga kami nakaka uwi eh]
Viv: [Huh? Eh sino kasama nun kanina eh nag message pa sakin si Tita Lorns na baka kasama ko daw si May]
Juls: [@Marydale Entrata hey girl! Tell us who are you with kanina?]
Loisa: [Hala sheteee! Sorry talaga May! Kami yung mga kaibigan mo pero di ka namin nasamahan :((]
[Mga buang hahaha pasensya na naistorbo pa kayo ni Mama kanina. Binenta ko nalang kasi yung mga ticket kanina pero napanood na din hehe wala kasing kasama eh]
Viv: [Phew! Pinakaba mo kami! Basta sorry talaga haaa :(( Babawi kami sayo!]
[Ano ba kumalma nga kayo! Okay lang, okay? Napanood ko naman eh kaya okay na! Hehehe labyuuu]
Juls: You still didn't answer my question!!!! Who are you with? Baka pag wala kaming alam sa mga nakakasama mo kung saan saan mapatay kami ni Tita! Hahaha! Just kidding!]
[Hahahaha! Si Edward! Nagpasama na manuod. And don't worry naexplain ko na kay Mama. Na low batt ang phone ko kanina at wala akong masakyan, buti at nandun pa sya hinatid na nya ako dito sa bahay]
Loisa: [Ayyyy potek! Magkakalab layp na bff ko!!! Finally!]
Viv: [OMG! Kinilig ako ng very light!]
Juls: [Gosh girl! I'm happy for the both of youuuu!]
[HAHAHAHAHAHAHAHAHA JUSKO KAYOOO ANG DAMI NYO NANG NASABI! NAGPASAMA AT HINATID LANG EH! YUN LANG YUN! HAHAHAHA]