Chapter 8

459 44 8
                                    

"Kumain ka na ba iho?"

"Ahm honestly di pa po hahaha pero okay lang po kakain nalang po kami after mass"

"Wag mo muna dalhin sa altar yung anak ko ha saka na"

"Hahahaha Tita talaga"

Jusko naman to si Mama

"Kumain ka na muna bago kayo umalis kahit konti para hindi na kayo maabala"

"Sige po Tita thank you po"

"Kumain ka na din muna Nak"

Nag meryenda nalang muna kami ni Edward sa bahay saglit at umalis na din kami agad

Ayoko na din sya patagalin dun at baka kung ano anong ikwento ni Mama hahaha

"We'll go na po Tita para di na po kami gabihin masyado"

"Sige sige mag ingat kayo ha. Before 7"

"Opo Mama alis na po kami"

...
Tapos na ang mass and papunta na kami sa hide out namin hahaha

"Kamusta naman" tanong ko

"Paanong kamusta? About what? Hahaha"

"Kahit saan. Acads"

"Okay lang naman, medyo maraming projects and sa org may inaasikaso kami event"

"May event ulit ang school? Wala akong balita dun ah hahaha anong event event?" Tanong ko ulit

"Bawal pa sabihin eh besides, the plans are still pending"

"Ah basta balitaan mo ko jan ah! hahahaha"

"Sure! Hiw about you?"

"Ayon struggling pa din sa Physics. Ewan ko ba hirap ng subject na yun feeling major namin"

"What are friends are for? You can ask a help from me, that's one of my majors. And also, our buildings are just near, text me whenever you need something"

"Syempre baka busy ka din"

"Baliw hahaha it's okay!"

...

"Haaaay! Sobrang sarap tumambay dito!" Sabi ko habang nag uunat nang makarating kami sa bench

"I miss my mom... and I missed her" nakatingin lang sya sa langit

"Her?"

"My childhood bestfriend"

"Wala na din sya?"

"I don't know what happened to her after they left"

Her...

"She's with my Mom nung naaksidente sila. I can only remember that it's Mom who died. I don't remember if she survived from the accident or she also died like my Mom"

"Wala kang balita? Sa pamilya nya?"

"Actually meron. Last week when I knew she was still alive"

"N-nagkita na kayo?"

"Yes. I even brought her here"

"Ah"

"And I missed her so much! I remember when we're still kids, we made promise to each other na when we reached the right age, I'll marry her"

...

"Uhm okay lang bang umuwi na tayo? Baka kasi hanapin na ako ni Mama eh"

"Huh? It's just 6 pm, sabi naman ni Tita before 7"

"Tara na. Masama na din pakiramdam ko"

"Are you okay?"

"Okay lang pero gusto ko na talaga umuwi magpapahinga lang ako"

"Sure let's go"

...

"Uhm May!"

Nasa may gate na ako nung sumigaw sya

"I'll go ahead"

"Sige ingat"

...

"Oh Nak, nandito ka na. Asan si Edward?"

"Umuwi na po. Akyat na po ako Ma"

"Hindi ka na ba kakain?"

"Mauna na po kayo Ma wala pa po akong gana bababa nalang po ako mamaya para kumain. Sorry po"

Hindi na din naman nag tanong si Mama kaya umakyat na ako sa kwarto ko

Ewan ko ba bigla akong nawalan ng gana

Hindi ko alam kung dahil sa nakwento ni Edward about sa bestfriend nya

Pero bakit naman ako magseselos dun? Hahaha unang una wala naman kaming relasyon ni Edward

Hay nako kahit anong pilit kong wag maapektuhan napansin ko din talagang nawalan ako ng gana after nun

Hays ito na nga ba yung kinakatakutan ko eh

Wala na naramdaman ko na

Pumunta muna ako ng CR para mag hilamos at mag palit ng damit

After mga 30 minutes siguro nung lumabas na ako ng CR hahaha tagal no ganun talaga pag nag riritual sa CR hahahaha

Pag labas ko ng CR napansin ko yung white rose dun sa side table ko

Hindi ko sure kung kanina pa ito nandito though expected ko na nga to dahil isang linggo na

Baka hindi ko lang napansin

"Just wait for it My Love. You'll be surprised! ♡"

-BB

Sino ka ba?

Araw araw mo nalang akong pinagiisip kung sino ka at anong ibig sabihin ng mga nakasulat sa card ng binibigay mong mga rosas

TreffenWhere stories live. Discover now