"May wake up dito na tayo sa inyo"
"Uhh sorry"
Bumangon na ako ng mabilis at bumaba na sa kotse ni Edward
"Salamat sa pag hatid ah. Pati sa pag sama mo sakin dun!"
"No problem. Let's go there again soon huh"
"Sure! Sige na ingat ka ah salamat ulit!"
...
After namin mag dinner ni Mama nagpaalam na ako na matutulog na
Pag akyat ko sa kwarto ko nagulat ako kasi may white rose nanaman dun sa side table ko
Binasa ko yung card na nandun
"Since the day you left me, I didn't get tired to wait for this moment. I love you my love! ♡"
-BB
Fudge!! Ayoko ko lokohin sarili ko kinikilig ako!!!
Pero hanggang ngayon hindi ko pa din kilala si BB
At ayokong i assume na si Edward to. Bukod dun, imposible dahil kakakilala pa lang namin
Naguguluhan lang ako sa naka sulat.
Left?
Sino namang iniwan ko?
Wala akong maalala
...
Isang linggo na ang nakaka lipas
Ang bilis ng araw
Isang buwan nalang ay maghihiwa hiwalay na kami ng mga kaklase ko
At isang linggo na din na hindi ko pa din nalalaman kung sino yung nagbibigay ng white rose sakin
At isang linggo na din na araw araw kaming nagkikita ni Edward ng hindi inaasahan
Kung hindi ko sya makikita habang pauwi ako galing school ay sya naman ang nakakakita sa akin kaya ang ending, hinahatid na nya ako sa bahay
Umagang umaga ang dami kong iniisip
Mabuti at linggo ngayon walang pasok
Expected ko na ang isang text message galing kay Edward
[Goodmorning May!]
[Goodmorning din! Aga ah]
[Do you have something to do today?]
[Wala naman. Bakit?]
[Simba tayo then hide out]
[HAHAHA sige wala naman akong gagawin. Mga hapon nalang around 4 pm para maabutan ulit natin yung sunset hehe]
[Sure! See you later!]
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong meron sa amin ni Edward
Hindi ko alam sa sarili ko kung nagugustuhan ko na ba sya
Pero minsan naman ay kaibigan ang turing ko sa kanya. Bestfriend
Pero hindi, dapat ko muna itong pigilan dahil hindi ako sigurado kay Edward
Baka tulad ko minsan ay kaibigan lang ang tingin nya sakin
Mahirap na
Pero isang bagay pa ang bumabagabag sakin
Si BB
Hindi ko sya kilala pero sa araw araw nyang pag bibigay ng rose sakin
Sa tingin ko
Nahulog na ako
Oo higit pa sa nararamdaman ko kay Edward
Hindi ko alam. Ang weird na mas may nararamdaman ako sa taong hindi ko nakikita kesa sa taong araw araw ko nakakasama
Hay ewan ngayon ko lang kasi naranasan to eh
Hayy! Sana hindi iti maka apekto sakin.
...
"Oh nak! Gayak na gayak ka ah san punta mo?" Si Mama
"Alis lang po kami ni Edward ma balik din po ako bago mag 7 hehe"
Oo kilala na ni Mama si Edward
Isang beses kasi nung hinatid nya ako saktong nasa labas ng bahay si Mama kaya ayon nagpakilala na sya
Well wala naman masama dahil kilala naman ni Mama lahat ng kaibigan ko at isa na sya dun
"Napapadalas ang paglabas nyo ni Edward ah hmm baka..."
"Ma! Wag mo na ituloy hahaha kung ano man yun wala po yun. Magkaibigan lang kami"
"HAHAHAHA wala pa nga akong sinasabi eh nako guilty"
"Mama! Yun din naman ang gusto mong iparating eh!"
"Hahahaha oh sya sige na mag ingat kayo ha umuwi agad"
"Opo Ma bye po alis na po ako"
Nag kiss na ako kay Mama
Pag bukas ko ng pinto nagulat ako
"Oh kanina ka pa?"
"Hindi kararating ko lang hahaha"
"Hindi mo naman sinabi na susunduin mo ako dito sana pinapasok muna kita"
"Pwede pa naman ako pumasok diba?"
"Oo naman. Halika muna iho"
Paglingon ko si Mama, nasa likod ko pala
Hay nako si Mama talaga
"Ay thank you po Tita"
Wala na akong nagawa ang pinagbuksan na ng gate si Edward