Chapter 12

431 41 5
                                    

Habang nag iihaw ako ng barbeque tumunog yung phone ko

Pag check ko nagtext si Mama

Shoot! 9 pm na lagot!

Pag open ko ng message ni Mama...

Mama ♡: [Nak mag enjoy ka jan kanila Tito Kevin mo ha panigurado ay namiss ka nila. Hindi pa kami nagkakausap ng Tito Kevin mo kaya sa susunod tayo naman ang maghahanda dito nang magsama sama ulit tayo. Ikamusta mo ako kay Laura ha namimiss ko na yang batang yan! At wag ka mag alala, ipinag paalam ka na ni Edward sakin kaninang umaga na maghahanda nga daw sila kaya baka gabihin ka kaya ipinagpaalam ka na din nya na jan ka na matulog at delikado na sa daan. Tumabi ka nalang daw kay Laura pag tulog para naman makapagkwetuhan pa kayo. I love you Nak! Goodnight!]

Alam na nga din pala ni Mama

After ko mag reply kay Mama ay saktong luto na itong iniihaw ko kaya nilagay ko na sa table

Nakita ko si Edward na mag isa dun sa may swing sa gilid kaya kumuha ako ng barbeque at pinuntahan ko sya

"Huy! Hindi ka ba kakaain? Ito oh, ako nag ihaw nyan!"

"Oh thanks. Dito ka"

Pinaupo nya ako sa tabi nya

"Bakit ka naman napagiisa dito? Ayaw mo bang makibonding sa pamilya mo? Umuwi na sila dito oh kelan ba ang balik nila sa ibang bansa?"

"Okay lang and besides they actually went here from Germany for you"

"Hah? Ako? Bakit?"

"Dad and Laura wanted to meet you again badly and it happened na free naman sila this month"

"Hala grabe... pero Edward thank you talaga ha. Sobrang sarap sa pakiramdam na may kaibigan pala ako ng katulad mo, ng pamilya mo"

"Basta ako May sobrang saya ko lang ngayon na nagkita na tayo ulit"

"Grabe noh? Hindi natin alam, pero nasa iisang school at lugar lang pala tayo"

"Yeah. God is really good"

"Ngayon alam ko na kung paano mo nalaman yung palayaw ko hahaha ikaw ha iisahan mo pa ako huh!"

"Hahahaha Maymayyyy"

"Daya. Ikaw? Anong tawag ko sayo dati?"

"You wanna know?"

"Oo"

"Really?"

"Oo ngaaa"

"Tell me muna one thing na I told you about you nung hindi mo pa alam na ikaw yung bestfriend ko"

"Aaghh Edward naman eh! Pahirapan mo pa ako hmp"

"Sige wag na... basta that's a proooomise"

Promise?
Promise.

"Naalala ko na! Sabi mo, nag promise kayo ng bestfriend mo na pag nasa tamang edad na kayo pareho ay... magpapakasal... kayo... tayo..."

Natigilan ako dun ah

Pag kasabi ko nun, he just stared at me...

Hindi ko din mabitawan yung tingin ko sa kanya

"Dodong..." bulong nya

"Ano?!"

"My nickname"

"HAHAHAHAH bakit Dodong?"

"Ewan ko sayo. Ikaw unang tumawag sakin nun eh"

"Hahaha cute Dodong!"

"I missed you so damn much! Now that I have given another chance, hindi ko na sasayangin to. I want to spent each day with you to fulfill lahat ng hindi natin nagawa nung nawala ka"

"Oo ba! Hahaha"

"And May I have to tell you something..."

"Ano?"

"But promise me you won't get mad at me"

"Dipende... ano nga kasi?"

"Everything na nangyari sayo na kasama ako... is planned..."

"Ha? Paano? Alin dun?"

"Lahat yun!"

"Pinlano mo din ba yung unang pag sabay ko sayo pauwi?"

"That's one"

"Baliw ka talaga! Alam mo bang naiiyak na ako nun?"

"Hahaha swerte ko nga eh kasi my original plan is bayaran ko yung mga tricycle drivers dun sa sinasakyan mo para umalis sila dun at wala kang masakyan pero hindi ko naisip na may phone ka at pwede ka palang magpasundo or mag book. Pero umaayon ang tadhana satin eh nilow bat nya yung phone mo hahaha"

"Grabe kaaaa!!"

"Well nag work naman diba? Hahaha"

"Alam mo... gusto ko makilala yung Edward na naiwan ko nun..."

"Then let's spent our everydays together para mas makilala mo pa ako"

TreffenWhere stories live. Discover now