Chapter 5

543 42 16
                                    

Nasa tricycle na ako papuntang school

Napangiti naman ako bigla

Naalala ko kasi paano nag react yung mga kaibigan ko sa kwento ko hahaha

...

Break time na namin at para sabihin ko sa inyo, kinukulit pa din ako ng mga bffs ko tungkol kay Edward

Ang kukulit!

Tinatawanan ko nalang sila without answering their questions hahahaha mas lalo silang kinikilig pag ginagawa ko yun

"OMG! Silence means yes!!"

Natawa nalang ako sa reaction ni Juliana nung tanungin nya ako kung may nararamdaman daw ba ako kay Edward, ngumiti lang ako kaya ayan! Mga nagsisipag ingay! HAHAHAHA sarap pag tripan ng mga to! Akala nila totoo

...

Pag uwi ko ng bahay kumain na kami ng gabihan nila Mama at Papa

Si Kuya ay umuwi muna daw ng Camiguin kasi gusto mag bakasyon, tama naman at masyado na syang nagpapaka stress sa trabaho nya

Matapos namin kumain...

"Ma, Pa akyat na po ako. Gagawa pa po ako ng assignments eh. Goodnight po!"

"Sige na. Goodnight Nak!" Kiniss ako ni Mama sa noo

"Good night Nak!" Si Papa

Pag pasok ko ng kwarto, nagulat ako dun sa white rose na nakapatong sa table ko malapit sa bintana

Pagtingin ko dito ay may card.

"Thank you! You made my valentine's day!"
-BB ♡

Nakasulat dun sa card

Sobrang ganda nitong rose! Favorite flower ko

Parang namelt naman yung puso ko dahil ngayon lang ako nakatanggap ng ganito sa tanang buhay ko

Pero sino si BB?

Lumabas ako ng kwarto para tanungin si Mama kung may nagpa abot nito sa kanya

"Ma may pumunta po ba dito kanina?" Tanong ko kay Mama ng medyo malakas kasi dumungaw lang ako sa may kusina para di na ako bumaba

"Wala naman Nak. Bakit?"

Winave ko kay Mama yung white rose

"Naks! May secret admirer na! Pero wala naman pumunta dito kanina, nandito lang naman ako buong araw eh"

"Okay po hehe good night Ma! Labyu!"

Ang saya ko at openminded si Mama sa lovelesslife ko. Yung ibang Mama kasi super strict sa anak nila kaya napipilitan magtago ng relationship.

Eh ako, wala naman itatago hahahaha

Malamang sa alamang, dito ito pinadaan sa bintana ko at baka hindi lang napansin ni Mama dahil likod naman na itong parte ng kwarto ko

Pinagpaliban ko muna ang pag aalala kung sino si BB at itinabi ko muna yung white rose dun sa vase na display dito sa kwarto ko para gawin yung mga assignments ko muna

...

Matutulog na sana ako nung tumunog yung phone ko

Pag check ko, si Edward, nag message

Edward: [Hi there! Nakuha mo ba?]

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit

Sya si BB?

Pero bakit? Paano? Saan banda?

[Ah... oo hehe... salamat Edward ha. And ganda nito]

Edward: [Huh? Anong maganda?]

[Itong rose hahaha alin pa ba]

Edward: [Oh god sorry you misunderstood. What I mean is nakuha mo ba yung message ko sayo earlier?]

Shoot! Epic Marydale! Epic!

[Ahhhh hehehe sorry akala ko sayo to galing hehehe hindi ko nareceive message mo eh haha. Tungkol san ba?]

Nakakahiya!!!

Edward: [Oh, I messaged you that you left your handkerchief in my car last day]

Fudge! Kaya pala pag uwi ko feeling ko may kulang!

Binuksan ko agad yung drawer ko at binilang yung mga panyo ko. Oo, alam ko kung ilan to lahat and sana hindi yun yung naiwan ko! Please!

Ghaaaad! Kung minamalas ka nga naman, yun nga yung naiwan ko shet yung favorite panyo! Hindi pwedeng hindi ko makuha yun!

[Hala oo nga ngayon ko lang napansin sorry. Pwede ko bang makuha? May sentimental value kasi yan sakin eh hehe]

Edward:[Sure! Kailan ka ba pwede? Meet up nalang ulit sana tayo?]

[Uhm bukas ng hapon okay lang ba?]

Edward: [That's fine with me. Same place ha]

[Okay! Thank you ulit! Pasensya sa abala]

Pheeew!!! Kahiya! Napagkamalan ko pang sya si BB!

Pero mabuti at hindi nawa yung favorite panyo ko

Ewan ko ba sa lahat ng naging panyo ko yun yung pinaka favorite ko at di ko alam kung bakit

At yun din yung panyo ko na laging muntik nang mawala sakin pero lagi ko din nakukuha or nababalik

TreffenWhere stories live. Discover now