Edward calling...
"Hello Edward! Sorry wait pataas na ko jan sorry"
"Sige sige dito lang ako sa tapat ng cinema"
...
"Shete sorry Edward ikaw pa nag hintay hinanap ko pa kasi yung phone ko na misplace ko sa bahay sorry"
"Okay lang"
"Kanina ka pa ba?"
"Sinunod ko lang yung usapan natin. 12 nandito na ko and it's 2 o'clock na medyo gutom na ko"
"Fuuuudge! Sorry talaga! Halika ka kain muna tayo libre ko na. Pasensya talaga huhu"
...
Hays naawa naman ako dito kanina pa pala
Halatang gutom sya at ang lakas kumain
"Edward sorry talaga ah"
"Stop saying sorry na okay lang hahaha don't worry!"
"Pero thank you at kinuha mo pa tong panyo ko ha"
"You're welcome! But I remembered something"
"Ano?"
"Bye Edward! Sorry sa abala babawi ako!" Ginaya pa yung boses ko
Nakaka irita pala boses ko HAHAHA
"Uuhh oo hahaha babawi ako wag ka mag alala"
"Pwede ko na bang masingil yon ngayon?"
"Ha? Sige ano pa ba gusto mo ako na oorder pili ka lang"
"Not that hehe"
"Eh ano?"
"Can you go with me somewhere?"
"Saan?"
"Basta you'll like it"
"Hindi naman ako makaka hindi eh nag promise ako"
"Yes! Thank you. Tara na?"
Di ko namalayan tapos na pala sya kumain
"Bilis ah hahaha tara na para di na tayo gabihin may pasok pa ako bukas"
...
"Malayo pa ba?"
"Don't worry malapit na"
Nagmamaneho sya papunta dun sa sinasabi nya
Tahimik lang kami parehas, nag phophone lang ako
Alam ko dapat akong kabahan dahil sumama ako sa taong dalawang araw ko palang namemeet pero kahit anong gawin ko wala, wala akong maramdamang kaba or takot
"May what time is it?"
"Uhm 5:30 na"
"Perfect"
Huh? Anong perfect sa 5:30?
...
"May wake up we're here na"
Hala hindi ko namalayan naka idlip na pala ako
"Anong oras na?"
"6 pm na"
Bumaba na sya sa driver's seat at tumakbo papunta sa may side ko
Lalabas na sana ako buti nakita kong tumakbo sya ang awkward nun kung binuksan ko agad tapos lumipat pa sya hahaha
"Thank you"
"Tara dun tayo"
Nauna sya pumunta dun sa may bench at umupo
Ang ganda dito
Mataas na lugar at kita ang buong syudad
"Ang gandaaaa!"
Palubog na yung araw
Ang paborito ko sa araw-araw
"Yes it is"
Hanggang mawala yung araw naka titig lang ako sa malayo
Tahimik kaming parehas
"Bakit mo naman ako sinama dito?"
"Nothing. Just want to unwind"
"Eh bakit nga kasama ako? Kasi ako pag gusto ko mag unwind gusto ko ako lang eh"
"Ayaw mo ba?"
"Hindi. Syempre gusto ang ganda nga ng sunset kanina eh hehe"
Ayun. A moment of silence
Dapat ko nang i-grab itong opportunity para itanong sa kanya to. Kanina pa ko hindi mapakali hahaha
"Uhm Edward"
"Hmm"
"Uh... pano mo nalaman yung palayaw ko? Hehe"
"Palayaw?"
"Ah nickname"
"Oh Maymay hahaha"
"Oo!! Pano mo nalaman?"
"Secret! Hahahaha"
"Ugghhh! Dali naaa"
"Hahaha"
"Bat ka ba tumatawa? Hmp!"
"HAHAHAH"
Tawa naman ng tawa to!
...
"Pero Edward ito seryoso na. May something kasi akong nafefeel. Parang sobrang halaga sayo ng lugar na to"
Tiningnan nya ako ng matagal
Tapos iniwas na nya agad yung tingin nya
Huminga pa sya ng malalim
Sabi na eh may something
"My mom used to bring me here when I was a kid... She said this is where She and my Dad met. Sabi nya sobrang special sa kanya ng lugar na to dahil walang ibang pumupunta kundi sila ni Papa. Pag may misunderstanding sila dito lang pupunta si Mama to unwind and refresh her mind. She said na whenever she comes back in here nareremind sya kung gano nya ka mahal ang Dad ko. And then there, pag uwi nya okay na sila ni Papa. Sabi ni Mama, the only thing she want for me is..."
Tapos tiningnan nya lang ako ulit
"Is?..."
"Nothing... hahaha I forgot sorry"
"Anubayun!"
"That's why I come here... Cause I miss her so much"
"Bakit nasan ba sya ngayon?"
"There"
Nagulat ako nung tinuro nya ang langit
Hindi sa nakikipamilya ako pero parang dinurog yung puso ko
Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan
"She's at rest now"
"Nakakainis ka naman eh! Naiiyak tuloy ako!"
Nagulat sya at nilingon nya ako galing sa pagkakayuko nya
"Hahahaha why are you crying?"
Nakita king nagingilid na din yung luha nya
"Syempre!"
"Hahahaha tara na nga gabi na baka hanapin ka pa ni Mama... mo"