Palabas na kami ng sinehan nung narinig ko na natawa si Edward
"Bat ka tumatawa?" Nilingon ko pa sya kasi medyo nauuna ako sa kanya
"Pati buhok mo kumakain ng pop corn hahahaha"
"Hoy bakit hindi mo sinabi!! Baka madami na nakakitaaaa" sabay hampas ko sa braso nya ng mahina
"HAHAHAHAHA Hindi naman madami ang nakakita sayo noh" sabay turo sa mga taong maglalabasan na napapatingin nga samin
"Aaarrghhh kainis namaaaan!"
"Hahahaha"
...
"Ahm Edward mauna na ako ha. Salamat sa libreng ticket!"
"Alam kong kumain ka na ng pop corn pero hindi naman nakaka busog yon. Hindi ka ba nagugutom?"
Sa totoo lang gutom na gutom na ako kaya gusto ko nang umuwiiiii
"Okay lang!"
"No! I insist tara na kain muna tayo nagugutom na din ako eh"
"Nako wag na! Sa bahay na ako kakain malapit lang naman kami dito eh sige na kumain ka na"
"Sige ka sisingilin kita ng doble dun sa ticket na binigay ko sayo"
Shet!
"Oh san mo ba gusto kumain? Tara na tagal mo nagugutom na ko eh"
"HAHAHAHAHAHHAA"
Tawang tawa naman tong kano na to
Nang makarating kami sa isang fastfood chain...
"Sasama ka din pala dami mo pang sinabi"
"Eh syempre sisingilin mo pa ako eh wala na nga akong dinalang ibang pera"
"Hahahaha sige na order ka na"
"Itong chicken fillet lang sakin" turo ko sa menu
"Yaan lang?"
"Hay nako Edward kung may dala lang akong pera baka inorder ko yan lahat"
"Fine. Waiter!"
"Yes Sir?"
May binulong lang sya dun sa waiter at umalis na ito.
Medyo matagal ang serving dito ah. Konti lang naman inorder ko at panigurado hindi naman madami ang inorder ni Edward kasi mabilis lang yung bulong nya sa waiter.
Pabulong bulong pa
Hayszt tagal!!!
After 20 minutes sinerve na yung order ko pati yung kay Edward
"Pa eto lang eto lang ka pa kanina ganto din pala oorderin mo" asar ko sa kanya
Maya maya ay bumalik nanaman ang waiter at sunod sunod na nag serve ng ibat ibang pagkain sa mesa namin
Hala ang damiiii
Bawat pagkain daladalawa
"Hey! Hindi ka mabubusog sa pag titig sa mga yan!"
"A-ah... Bat ang dami?"
"Gusto mo yan lahat diba sabi mo?"
"Eh sabi ko kung dala ko lang pera ko. Eh 351 nalang itong dala ko!"
"Kumain ka nalang May at baka bawiin ko lahat yan. Libre ko na nga eh"
O.O
Literal na nanlaki yung mga mata ko!!
Yaman amp! Ang dami nito!!
At wait! Tinawag nya akong May! Paano nya nalaman palayaw ko?!
"Ano ipapabalot ko nalang ba to?"
"Ha-a hindi ito nga oh sarap!" Sabay subo ko ng fries
Natawa nanaman si kano oh
...
After namin kumain naglalakad na kami papalabas ng Mall
"Huy payat san ka ba nakatira? Hatid na kita may dala naman akong sasakyan"
"Haaa wag na huy nakaka hiya na okay lang ako!"
"Sige ikaw bahala! Mauna na ako ha. Ingat!"
"Sige ingat din! Salamat sa libre!"
Tumawid na ako at nag hihintay ng tricycle
Tagal naman ng mga tricycle. Kadalasan may pila dito papunta samin eh bakit kaya wala?
30 minutes na akong nag hihintay dito wala pa din tricycle. Wala naman akong ibang alam na pwedeng sakyan!!
Huhu naiiyak na ko pahapon naaaa
Imemessage ko na dapat si Papa para magpa sundo kaso low batt na pala phone ko peste!
Malapit lang ito samin pero masyadong malayo para lakarin!! Huhu paano na tooo! Hindi naman ako makapag book dahil nga sa phone kong low batt
Kamalas naman May!!!!
Naluluha na ako ng biglang mag bumusina
"Nandito ka pa? Sabi ko sayo sabay ka na eh. Tara na wag na mag pumilit!"
Nahihiya na ako pero wala na akong choice!
Naka yuko akong pumasok sa shotgun seat ng sasakyan nya.
Yayamanin talaga to. Wala akong alam sa mga kotse pero mukhang mamahalin to
"S-salamat Edward ah pasensya sa abala"
"It's fine. Bakit nga pala hindi ka pa nakakauwi?"
"Ah wala kasi yung mga tricycle dun sa paradahan eh hindi ko alam kung lumipat na. Magpapasundo sana ako sa Papa ko kaso low batt na din pala phone ko. Hays malas"
"Ayaw pa kasing sumabay kanina. Good thing I went back to buy something"
