Chapter 26

341 29 2
                                    

Maymay's POV

Sobrang swerte ko sa taong to

Ang swerte ko na bestfriend ko sya tapos ngayon, mahal ko na sya

"Thank you" sabi ko habang nakatingin lang sya sa malayo

"For?"

"Sa lahat. Kasi hindi ka sumuko kahit ka suko suko na yung sitwasyon. Samantalang ako, walang alam na may tao palang hinahanap ako. Kung alam ko lang sana..."

"Shh okay lang Love. Besides, worth it lahat ng effort ko. Nakita kita! At mas naging worth it pa yung hayaan mo akong mahalin ka. May bonus pa!"

"Anong bonus?" Tanong ko

"Yung mahalin mo din ako!" Hinalikan nya naman yung noo ko

"Ayseees!! I love you" niyakap ko naman sya

...

Nagising na ako sa alarm ko

Pag bukas ko ng phone nakita ko agad yung text ni Edward

[Goodmorning mahal ko! Don't forget to take your breakfast ha. I'll call you later. I love you!]

Hayyy ang sarap sa pakiramdam nito

Yung may aabangan ka araw araw

"Thank you Loooord!" Sabay unat ko

Bumaba din ako agad

"Goodmorning Mama! Bakit ang dami pong pagkain? Anong meron po?" Tanong ko kay Mama habang pababa ako ng hagdan

"May bisita tayo Nak. Uuwi din ng maaga ang Papa mo pati si Kuya Vince uuwi maya maya" sabi naman ni Mama habang tuloy tuloy pa din sa pag pprepare ng mga pagkain

"Breakfast muna po tayo Ma"

Habang kumakain kami ni Mama nangingiti sya

"Saya mo Ma? Sino po bang bisita natin mamaya?"

Natawa naman sya

"Wala Nak. Masaya lang ako na okay na ang lahat. Masaya ako na masaya ka na."

Matapos namin mag agahan ni Mama umakyat din ako sa kwarto ko para maligo na

Sinabihan din ako ni Mama na mag ayos

Nagtataka na talaga ako kung anong meron?

Agad na akong lumabas ng kwarto nung matapos ako mag ayos ng sarili

"Goodmorning Love!"

"Ay bushak!!" Napaatras pa ako sa gulat

"Bwisit ka nagulat ako hoy!"

"Hahhaha sorry na gusto lang kita isurprise" inabot nya naman sa akin yung white rose na dala nya

"Nasurprise talaga ako literal hahaha infairness ha consistent! Thank you Love!"

"Wala bang pa goodmorning kiss jan?" Nilapit pa nya yung lips nya

"Hoy abuso haa"

"Awww" bumagsak naman yung shoulders nya tsaka nag sad face

Ano ba to ang hirap i resist!!

Bago sya tumalikod kiniss ko sya bigla sa cheeks

Nagulat naman sya at natawa

"Yan muna!"

"Wag palagiin baka magkasawaan kayo nyan! Hahaha" Nagulat kami kay Mama

"Sorry po hehe" sabi ni Edward habang nagmamano kay Mama

"Nag agahan ka na ba iho?"

"Opo Tita salamat po"

Niyaya ko muna sya sa sala

"Ganda!"

"Bolero!"

...

Manananghalian na nung biglang may nagdoor bell at ako na yung pinagbukas ni Mama ng pinto at naiwan si Edward para tulungan si Mama mag handa ng mga pagkain

"Goodmorning Mayyyyy!"

Si Laura, kasama sina Tito Kevin at Tita Cathy!

"Hala! Goodmorning po! Pasok po kayo!"

"Ma nandito po sila Tito Kevin!"

Nakapasok na kami sa bahay at nakipag beso na si Mama sa mga bisita namin

"Dalaga ka iha ah! Ang ganda mo lalo!" Bati ni Mama kay Laura

"Ay di naman po Tita hahaha I missed you po!!" Niyakap naman ni Laura si Mama

"Long time no see Lorna! We missed you!" Sabi ni Tito Kevin kay Mama

"Oo nga namiss ko din kayo! Ang tagal na noh"

"Anyway, this is Cathy, my wife. Cathy, this is Lorna, Tina's bestfriend"

"Magandang umaga! Nag asawa ka na pala ulit Kevin hahaha" sabi ni Mama ng nakangiti kay Tita Cathy

Nilapitan naman ako ni Edward habang busy silang nag uusap usap

"Im so happy to see our family happy" bulong nya at hinawakan yung kamay ko

"Hello love birds! Pasingit naman!" Natatawa naman sumingit sa gitna namin si Laura

"Uhh!! Epal ka talaga! Why don't you get a boyfriend na din para di mo kami istorbohin?" Sabay kiliti naman ni Edward sa kapatid

"Weh you're more epal!"

Nag aasaran yung magkapatid nang biglang may nag doorbell nanaman

Baka si Kuya or Papa na

Pag bukas ko tama nga ako pero magkasama na sila

Nagmano lang ako kay Papa at pumasok na sya tsaka nag simulang makipag batian sa mga bisita namin, habang si Kuya naman ay inakbayan lang ako at inabot sa akin ang isang paper bag.

"Miss you Bunso! Oh gift ko!"

"Miss you Kuya! Anong meron at may pa gift ka?"

"Wala lang bawal ba?"

Tsaka ko binuksan agad yung paper bag at may laman yung sapatos

"Ah!!! Thank you Kuya huhuhu ang gandaaaaaaa labyuuu!" Tsaka ko sya niyakap

"Welcome bunsoooo basta pagbutihin ang pag aaral ha konti nalang mag wowork ka na din"

"Opo hehehehe"

Nung makarating na kami sa may sala...

"Hey Viiiiiiiiince!!!!! I missed you so much!" Nagulat kaming lahat dahil si Laura biglang tumakbo papunta kay Laura at sinalubong ng yakap

Nagtawan naman sila sa ginawa ni Laura

"Hala ikaw na ba yan? Tumaba ka ah!" Asar ni Kuya kay Laura

Ayan umandar nanaman ang imagination ko kung paano sila nung mga bata pa kami

"I told you Sis! HAHHAHA" Sabat naman nitong katabi ko siniko ko nga

"Ahhhhh! Dad oh pinagtutulungan nanaman nila ako!" Sumbong ni Laura kay Tito Kevin

"Tama na nga yan. Mga batang to ganyan pa din kayo mga dalaga't binata na eh. Tara na nga at kumain na tayo" saway sa amin ni Mama

....

#WTTPDTreffenMW

TreffenWhere stories live. Discover now