Edward's POV
While we're having our lunch with Tita Lorna, I grabbed the opportunity to say sorry to her
"Ahm Tita, about my Lolo, I just wanna say sorry po if he get to the point na he treathened your family. I think he's too mad at that time kaya kung ano ano na po ang naiisip nya. But I promise po, mabait po si Lolo, mahal na mahal nya lang po talaga si Mama"
I apologetically explained
"Nako Iho, wag mo na isipin yun. Alam ko naman na mabait ang pamilya nyo. Lagi din nakkwento ni Cathy sa akin ang Lolo mo nung nasa Bulacan pa tayo. Tsaka may kasalanan din naman talaga ako. Pero hayaan na natin dahil ang importante ngayon, masaya na tayong lahat!"
I just smiled to her and Maymay
A few moments later after we finished eating...
"Tita ako na po mag huhugas" presinta ko
"Ay hindi! Ako na, jan na kayo ni May sa sala. Ako na ang bahala dito sige na"
Wala na akong nagawa kasi kinuha na nya yung mga plato sa mesa
"Okay lang yan. Sa susunod ka na magpa goodshot kay Mama hahaha" bulong ni May sakin habang papunta kami sa sala nila
"Yes Love, kailangan ko magpa goodshot sa Mama mo kasi kailangan ko pa din hingin yung blessing nila para sa marriage natin"
"Sira, tara na nood nalang ulit tayo movie" ugh whyyyy! She still feels awkward pag pinaguusapan namin yung marriage namin hahaha
I am willing to spent so much time and effort to win your trust and heart My Love
"Simba tayo bukas Love" sabi ko while she's looking for a movie to play
"Okii"
Maymay's POV
Magkatabi kami ni Edward sa upuan habang nanunuod ng movie. Medyo nasanay na din ako. Ewan ko ba. Siguro namiss ko talaga sya
Nasa kalagitnaan kami ng movie at nakaramdam na ako ng antok kaya sinandal ko na yung ulo ko sa balikat ni Edward
Naka palibot naman yung braso nya sa bewang ko
Mayamaya ay may kumatok sa pinto
Papunta palang si Mama sa pinto para buksan kung sino man yun pero pumasok na sya agad
Pagkakitang pagkakita palang namin sa kanya ni Edward, sabay kaming napabalikwas
Napaupo kami ng pormal sa sofa ng di oras
Nakakahiya!! Baka isipin ni Papa ang PDA namin!
Paglingon ko kay Edward, nakayuko lang sya, halatang kinakabahan
Nako po ito na nga ba ang sinasabi ko, nakatitig lang samin si Papa huhu
Lumapit na ako sa kanya
"Bless po Pa" pagkamano ko sa kanya binalikan nya ng titig si Edward
Hindi nya ba naaalala si Edward? Ang alam ko ako lang ang nagka amnesia eh
Mayamaya...
"Ihoooo!!!! Namiss kita! Bakit ngayon ka lang pumunta dito sa bahay?! Hahaha kamusta?"
???????
Teka lang!!!
Nilapitan ni Papa si Edward at niyakap nya ito
"Ah... hehe... o-okay lang po Tito. Hehe" tinitingnan ako ni Edward habang niyayapos sya ni Papa
Binigyan ko sya ng hindi-ko-din-alam-ang-mga-nangyayari look
Tiningnan ko naman si Mama pero ngumiti lang sya samin ni Edward
Mayamaya ay hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na si Papa
"Pa, hindi po kayo galit?"umupo pa ako sa tabi nya. Bali napagigitnaan namin sya ni Edward
"Ha? Bakit naman ako magagalit eh namiss ko nga itong batang to? Hindi mo na ba naaalala iho pinapasalubungan din kita ng laruan noon" naka akbay pa sya kay Edward
"Ah hehe nakalimutan ko na nga po. Bata pa po kasi ako nun eh. Tsaka baka po masyado lang ako nagfocus sa paghahanap sa anak nyo po kaya nakalimutan ko na yun hehe"
"Ayos lang hahaha ano? Tutuparin nyo na ba yung pangako nyo sa isat isa?" Tanong ni Papa at hinawakan pa yun kamay ko habang yung kabila ay naka akbay pa din kay Edward
"Ano pong pangako Pa?" Tanong ko
"Na magpapakasal kayo..."
***
Yey! Thank you po sa 1.80k+ reads!!
Maraming salamat po talaga! Ang ineexpect ko lang po ay may makabasa kahit na sampung tao pero sobra sobra pa yung blessings sa akin! Wag po kayong mag alala i-iimprove ko pa po ito hehe
Keep on reading and voting po. And let me know your thoughts in every chapter po hehe
All the luv MayWards! ♥