Edward's POV
Right after the mass, we decided na kumain muna somewhere
Dito kami kumakain as of the moment sa fast food chain na pinagkainan namin nung araw na nag kita ulit kami
"Love, naalala mo? Dito tayo kumain nung first time natin ulit magkita for a very long time?" Sabi ko habang sya kumakain lang
"Oo! Niblackmail mo pa ako na babayaran ko ng doble yung ticket na binenta ko sayo pag di kita sinamahan kumain" natatawa nya namang kwento
"Of course! Ilang taon yung hinintay ko ah nag isip talaga ako ng mabuti nun kung anong pwedeng ipangblackmail sayo para mas matagal pa tayong magkasama. At nakikiayon nga yung tadhana dahil wala ka pang dalang pera nun hahaha"
"Eh kahit naman may dala akong pera nun sasama pa din ako sayo dahil bukod sa gutom na gutom na talaga ako nun, hindi din naman ako papayag na bayaran ng doble yung ticket noh, napilitan nga akong samahan ka manuod dahil ayaw kong itapon mo yung ticket eh. Sayang kaya ang pera"
"That's my purpose too. Yung ipaparinig ko sayo na itatapon ko yung ticket. Dahil bata pa tayo alam ko na na ayaw mong nagsasayang ng pera. Ayaw mo nga magpalibre sa akin noon maski ice cream eh"
"Talaga? Hahaha" natatawa naman sya sa kwento ko
"And also, nung pauwi ka na nung araw na yun, kinuntsaba ko din yung mga tricycle drivers dun sa sakayan mo na sa iba muna mag park para wala kang masakyan at hindi totoo na may binili pa ako sa mall, sinadya kong medyo mahuli para masabay kita pauwi"
"Sira ka! Ang dami mong alam. Buti at napa payag mo yung mga driver?"
"Binayaran ko hehe"
"Nako naman! Grabe ka! Wag mo lang maulit yan nako! Nagsasayang lang ng pera ah. Paano kung hindi ako na lowbatt nung time na yun at nakapag book ako ng grab? Edi sayang yung binayad mo sa kanila?" Sermon nya sa akin
Seryoso sya hahaha the old Maymay...
"Sorry na. Masisisi mo ba ako kung gusto pa kitang makasama pa ng matagal nung araw na yun? Tsaka isa pa, ngayon pa lang nagsosorry na ako, kasi hindi ko mappromise na hindi ko na uulitin yun lalo na pag ikaw. Kahit isang milyon pa ang magastos ko, para sayo"
...
After we ate pumunta naman kami sa department store ng mall
"Nga pala Dong, sabi sa akin ni Juliana, bukas daw iaannounce na magkakaron tayo ng farewell ball sabi ng Papa nya"
"Papa nya?"
"Ay hindi ko pa pala nasasabi sayo, si Sir Gomez yung Papa ni Juliana, wag mo nalang mabanggit sa iba ha. Ayaw kasi ni Juls na maissue sa school pag may awards sya ganon, syempre principal yung Papa nya..."
"Yah yah gets. So nandito naman na tayo bili na tayo ng isusuot natin sa ball"
"Oo nga sige"
"Love, tingin ako dun sa men's section mas madami dun eh. Dito ka muna mabilis lang ako. Pili ka na din muna wait mo ko bago ka pumila sa cashier ako na mag bayad"
"Hindi!! Bahala ka ha. Ako magbabayad nito. Sige na bilhin mo na yung bibilhin mo"
Not a typical girl talaga...
"I'll be back. I love you!"
Maymay's POV
"San na kaya yun ang tagal..."
Nabayaran ko na yung mga binili ko at wala pa din si Edward
Nandito ako sa may upuan sa tapat ng dept store
After mga 10 minutes pa nakita ko na sya
"Dong!"
Nilingon nya naman ako agad
Pag lapit nya sa sakin kinuha nya agad yung mga binili ko
"Oh, bakit ang tagal mo? Tsaka hinihingal ka? Malayo ba pinagbilhan mo?"
"Ha? Oo medyo malayo hahaha nilagay ko na sa kasi sa kotse eh tinakbo ko na kasi baka naghihintay ka na"
Mayamaya naka sakay na kami sa kotse nya
"Hide out tayo saglit May?" Tanong nya sa akin habang nagmamaneho
"Sige. Text ko nalang si Mama"
...
Nandito na kami sa hide out namin
Bumalik lang saglit sa sasakyan si Edward may kukunin daw
Mayamaya may nagtakip sa mata ko mula sa likod
Amoy palang alam ko na...
"Patakip takip ka pa jan alam ko namang ikaw yan hahaha"
Narinig ko namang medyo natawa din sya
Pagharap ko sa kanya...
May hawak syang bouquet of red roses at nung iabot nya sakin yun tsaka ko lang napansin na may nagiisang white rose sa gitna nun
"You're the white amongst the reds Love. You're the highlight of my life..."
Uminit yung pisngi ko sa ginawa nya
Napangiti naman ako at niyakap sya ng matagal
"Ano namang meron hahaha" sabi ko habang magkayakap pa din kami
"Wala naman. Appreciation... of your presence... in my life..."
"Cheesy naman hahaha"
"But, hindi lang yun. Also, I wanted to ask you, since kakasabi mo lang kanina..."
"Ano?"
Nakatitig lang sya sa akin
"Will you be my date for the ball?"
WAH!!! KINILIG AKO BUSHAK BAKIT GANON?
Ang angelic na nga ng mukha sya tapos mas angelic pa yung pagkakasabi nya, ano to Lord pinapasundo nyo na po ba ako sa anghel?
"Oo naman!"
Niyakap nya ako at naupo na kaming parehas
Ilang minutong tahimik lang kami pareho
Lord, I think this is the time. Pinag pray ko na po sa inyo ito kanina...
"Dong?"
"Hmm?"
"Ahm... ano..."
"Ano?"
"Kasi... kanina ko pa to pinagiisipan..."
"Alin?"
"Ahm... nagdecide kasi ako na..."
"Love naman pabitin eh"
"Nagdecide ako na patigilin ka na sa pangliligaw..."
Nakita kong nag iba yung expression ng mukha nya
"Why? Love?"
Naiiyak na sya...
Di ko na to kaya...
"Wag ka nang umiyak jan! Patitigilin na kitang manligaw kasi sinasagot na kita!!!"
Nanlaki yung mata nya sa sinabi ko
Tuluyang tumulo yung luha nya tsaka sya tumayo at hinila ako para yakapin
"I love you Love. You don't know how you made me feel happy tonight!" Sabi nya tsaka ako hinalikan sa noo...
"I love you too... Love"
***
