Chapter 13

408 37 0
                                    

"Laura! Bilisan mo na jan madami akong tanong sayo hahaha"

Tawag ko kay Laura na nasa banyo pa at di pa tapos maglinis ng katawan

Pagtapos namin mag kainan sa may garden nila ay nag prepare naman kami para matulog

Sabi ni Edward sa kwarto nalang ako ni Laura matulog

Pinahiram naman ako ni Laura ng pamalit pangtulog

Grabe! Ang galing lang kasi kung iba siguro yung nasa posisyon ko, baka hindi pa sila maniwala agad sa mga nalaman nila na yung katulad ng nangyari sa amin ni Edward, pero may iba kasi eh.

Kaya pala ang gaan ng loob ko sa pamilya na to.

Lalo na kay Laura, hindi ko sya maalala pero alam kong na miss ko sya.

"I'm done naaa!"

"Lika na bilis hahaha"

"So anong mga tanong mo?" Tanong nya din sakin pag upo nya sa kama nya

"Gaano ba tayo ka close dati?"

"Oh hahaha closest as naliligo ng sabay, we sleep together with Edward, like that!"

"Kwetuhan mo pa ako please huhu" pagmamakaawa ko sa kanya habang niyayakap sya

"Alam mo ba,we treat each other as soul sisters?"

...

Hating gabi na kami natapos sa kwentuhan ni Laura kagabi hahaha

At masasabi ko na kahit hindi ko na maalala lahat, base sa mga kwento nya, mas na absorb ko na lahat ng nangyayari.

4 am ako nagising, tulog pa si Laura at feeling ko tulog pa din ang lahat dito.

Bumangon ako para gumamit ng banyo, ang kaso naka lock yung banyo sa kwarto ni Laura.

Nagpasya nalang ako na lumabas ng kwarto nya para dun mag banyo sa baba

Pagtapos ko mag cr, nagulat ako kasi si Edward naka tayo na dun sa kitchen nila

"Ay bushak!"

Napalingon naman agad si Edward pag sigaw ko

"Shh baka magising sila"

"Ay sorry. Ikaw kasi eh nagulat ako sayo. Bakit ang aga mo?"

"Wala narinig ko kasing may gumagamit ng banyo and I assumed it was you, so lumabas ako to check on Laura's room"

"Oh ano naman kung ako nga?"

"Wag ka na maingay may pupuntahan tayo and Laura should not know muna dahil for sure sasama yun"

"Okay" sabi ko nalang dahil ayaw ko nang magtanong ng magtanong dito.

"Tara let's eat breakfast muna oh"

Dinala na ni Edward yung niluto nyang itlog at bacon.

Grabe ganon ba ako katagal sa banyo at naluto nya agad yon?

"Ito ba yung mga ginagamit nyo?" Turo ko dun sa nga plato sa may divider nila

"Yup"

Kumuha na ako ng dalawang plato at tig dalawang kutsara at tinidor tsaka ko dinala sa table

"Thanks. Kain na" sabi ni Edward

"Bakit nga pala naka lock yung banyo ni Laura?"

"Oh. Nung first month kasi namin dito may nakapasok na magnanakaw dun sa bintana ni Laura, buti at nagising agad sya kaya hindi natuloy yung pagnanakaw, kaya since that time pinalagyan na talaga ni Dad ng lock yung door nung CR nya"

"Ah kaya pala"

"Kamusta ang tulog?" Tanong nya nung nag start na akong kumain

"Ayun okay lang, kulang pag tulog ko haha"

"Why? Hindi ka ba nakatulog? Sana sinabi mo sakin para hinatid kita sa inyo kagabi"

"Chill Dong! Hahaha nagchikahan kasi kami ni Laura kaya ginabi na"

Edward's POV

[Yes! Magkaka POV na ang ibang characters hahaha]

"Chill Dong!..."

I was stunned

Namiss ko yun

Yung pagtawag nya sa akin ng Dong

I can't help it argh! My tears are escaping my eyes!

I've been longing for that for 10 years!

"Huy bakit ka umiiyak?"

She caressed my arms

I just missed everything about her

Her presence

"Wala hahaha ganto talaga ako pag umaga nagluluha yung mata ko haha kain ka na alis na tayo"

"Sigurado ka ha"

The day I found her, sabi ko sa sarili ko, wala na akong araw na sasayangin. Bawat araw if possible, I wanna see her.

I just stare at her habang kumakain sya

I didn't imagined this will happen.

Akala ko yun na lang yun. Akala ko parehas sila ni Mama na never ko na ulit makakasama.

But now here she is! My greatest gift!

Hindi ko napansin na napangiti na ako at natauhan nalang ako bigla paglapag nya ng baso

"Mag aayos lang ako ha para makaalis na tayo. Mag ayos ka na din Dong!"

I just love it when she says my name.

______

Sorry for the long wait po huhu been busy sa school. Now I understand yung ibang authors dito na student pa hahaha

Anyway, HAPPY 1K READS! Yaaay! (Actually 1.21K to be exact) Thank you po sa inyong lahat! Expect more works and improvements po hehehe

And maybe I will make a twitter account para makipag interact pa hehe but you can use the #TreffenMW now on your social media posts I'll try to keep updated po hahaha thank you po ulit!

#TreffenMW Spread the luv MayWards! ♥

TreffenWhere stories live. Discover now