Chapter 26 (Last Chapter)

488 45 11
                                    

Maymay's POV

Ilang araw ang lumipas

Maasasabi ko na kung masaya ako sa buhay ko noon kahit may mga nawala sa alala ala ko, mas masaya ako ngayon.

Natumbasan yung ilang taon na nalimutan ko nung araw na minahal ko sya

Sya yung nagparamdam sa akin na mas importante yung buhay ngayon.

Pero hindi nya pinaramdam na may naiwan akong ala ala.

Ginawa nya ang lahat para matumbasan yung mga masasayang ala ala ko noon na nalimutan ko na

At masasabi kong hindi nya natumbasan yun. Dahil nahigitan pa nya

Alam kong hindi dapat kwestyunin ang Panginoon sa mga plano nya sa bawat isa sa atin. Pero hindi ko maiwasan

Simula nung minahal nya ako, gabi gabi ay hindi ko maiwasang itanong sa Panginoon. 'Ano pong ginawa ko at biniyayaan nyo ako ng gantong pagkakataon. Gantong tao. This is more than what I deserve'

Mali ako. Hindi ko dapat kinekwestyon yung biyaya mo sa akin. Dapat ay magpasalamat ako.

Hindi lang masayang pagkakataon ang binigay mo sa akin Panginoon, pati ang Anghel ko ay ipinagkaloob mo sa akin




"Huy May! Nginingiti mo jan?" Si Vivoree

Hindi ko namalayan ay natulala na pala ako ng nakangiti habang nasa pila

"Wala hahaha"

Bigla naman dumating si Mama sa tabi ko

"Nasa loob na ang Papa at Kuya Vince mo. Sina Edward ba wala pa?"

"Hindi ko nga po alam eh. Mauuna po kasi kami mag martsa sa kanila. Hindi ko din po mahanap kung san po banda yung pila nila. Tsaka hindi pa din po nag rereply o sumasagot sa tawag at text ko eh"

"Hayaan mo at baka busy sila. Panigurado at nanjan na yun hindi lang natin makita"

Maya maya ay nag simula nang magmartsa papasok sa gymnasium ng school kung saan gaganapin ang graduation namin

Nag aalala na ako dahil nakapila na ako para umakyat sa stage at tumanggap ng diploma pero hindi ko pa din sigurado kung nandito na si Edward dahil hindi ko pa sila nakikita

"Entrata, Marydale C."

Lutang na akong naglalakad papunta sa mismong harap at gitna ng stage nung...

"Wooh! That's my girl!"

Nakita ko na sya

Tumayo pa sa kinauupuan at ang lakas ng palakpak

Natatawa naman ako pababa ng stage dahil narinig ko din yung iba't ibang expression nung teachers sa stage sa kilig hahaha

Naglalakad na ako papunta sa upuan ko at naka tingin pa din si Edward sa akin kaya nag flying kiss ako sa kanya

Ilang minuto lang ay sya naman ang paakyat ng stage

Natatawa lang ako dahil kinakantyawan ako nina Vivoree na gawin din daw yung ginawa ng boyfriend ko

Hayy kahit hindi nyo ako sabihan hahahaha

"Congrats Love!"

Alam kong inabangan nya din yun

Dahil malapit yung kinauupuan namin ng classmates ko sa stage at nadadaanan ng lahat ng graduates pagbaba ng stage ay hinintay ko din na makadaan si Edward

Maya maya ay nanjan na nga sya at autimatic na lumapit akin

Akala ko ay may sasabihin lang

"Kiss ko?" Lumapit pa sya lalo sa akin at nakipag siksikan dun sa row namin

TreffenWhere stories live. Discover now