Maymay's POV
Buong araw nasa bahay si Edward ngayon at natutuwa ako kasi nakikita ko kung gaano nya ka gustong mag spend ng quality time kasama ako lalo na't matagal kaming hindi nagkita
"Love, nag text si Mama. I need to go home muna may sasabihin daw si Dad?" Sabi nya
Nandito kami sa may garden ni Mama nakatambay
"Oo naman kanina ka pa kasi nandito di ka na umuwi eh hahaha"
"Paalam muna ako kanila Tita"
Pumasok na kami sa loob at pinuntahan si Mama sa kitchen
"Ma uwi na po muna si Dodong" sabi ko kay Mama na nag luluto ng ulam namin para sa hapunan
"Ganon ba? Sige. Dito ka na sana mag dinner kaso baka hinahanap ka na nila buong araw ka nandito hahaha"
"Okay lang po Tita next time po hehe" sabi naman ni Edward
"Hatid ko lang po sa gate Ma"
Lumabas na kami at hinatid ko sya sa kotse nya
"Mag text ka pag nakauwi ka na ha" bilin ko sa kanya bago sya pumasok sa sasakayan
"No. I'll call you okay?"
"Oo sige na. Mag gagabi na oh"
Hinalikan nya ako sa noo tsaka pumasok na sa kotse
"Bye Dong! Ingat haaa"
"I love youuu!"
"Tsumaa!" Tsaka ko sinara yung gate at pumasok na sa loob ng bahay
...
Kinabukasan maaga akong nagising
May naamoy agad akong pagkain. Ang aga mag luto ni Mama ah
Aghhh ang bangooo!
Bumangon na ako tsaka nag hilamos
Pag baba ko ay dumerecho agad ako sa kitchen para tingnan yung niluluto ni Mama
Bago pa ako makarating ng kitchen ay nadaanan ko na may nakapatong na white rose sa dining table namin
Para akong si The Flash sa bilis nung sinilip ko kung sino yung nasa kitchen dahil parang alam ko na
At tama ako!!!
"Goodmorning!" Bati ko sa kanya
Hindi nya ako agad napansin dahil busy sya sa niluluto nya
Nagulat naman sya at tsaka ako nilingon
"Oh! Goodmorning my love!" Hinila nya yung kamay ko tsaka hinalikan yun habang tuloy pa din sya sa pag luluto
"Bakit wala nang card to?" Pagtukoy ko sa white rose na bigay nya
"Because I can now say it to you personally"
"Tsuma!" Nag hug naman ako sa kanya
"I love you too hahaha how's your sleep?"
"Okay lang naman. Bakit ang aga mo ha? Baka tumakas ka nanaman sa inyo. At alam ba ni Mama na nandito ka at nagluluto?" Diredirecho kong tanong sa kanya
"Woah. One at a time love hahaha. Una, hindi po ako tumakas nagpaalam po ako kanila Mom and Dad. Second, alam ni Tita ito okay? Chill hahaha. Ito luto na let's eat na" prinepare na nya yung niluto nyang sinangag at kung ano ano pang pagkain
"Kain na!" Sabi nya
Tumayo ako para sana tawagin si Mama para sumabay sa amin dahil alam kong gising na yun
"San ka pupunta?" Tanong ni Edward
"Tawagin ko lang si Mama kumain"
"Wala sila hahaha"
"Ha? Nasaan sila?" Umupo na ako
"Actually, Tita texted me kagabi na mag sisimba daw sila ng maaga ni Tito ngayon, kung gusto daw ba natin sumama"
"Bakit ang hilig kang itext ni Mama? At bakit hindi nalang ako yung sabihan? Yung totoo? Ikaw yata yung totong anak ni Mama eh" biro ko sa kanya tsaka ako nag start na kumain at sumunod naman sya
Natawa naman sya
"Sabi ko hapon pa tayo mag sisimba kaya ayun nag volunteer nalang ako na pumunta ng maaga dito para ipagluto ka ng breakfast at pumayag naman si Tita"
"Kaloka yung volunteer ha hahaha. Kasama nila si Kuya?"
"No. Sila lang daw ni Tito"
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nung lumabas na ng kwarto si Kuya
"Oh Kuya kain na sabay ka na di pa naman kami tapos" yaya ko kay Kuya
"Ayos tong manliligaw mo kapatid ah, ang aga! Hahaha"
"Nagpapa goodshot yan eh hahaha" asar ko kay Edward
Natawa naman silang pareho
***
Hello readers! Sorry po naipon yung drafts ko hehe ilang araw po wala kaming matinong internet hahahaSo there you go, 3 chapters agad agad!
#WTTPDTreffenMW