After we spent our time talking about things we missed for each other, Maymay and I decided to come over their house. She said she want to talk to her Mom.
When we arrived, we saw Tita Lorna outside their house sweeping.
"Mama! Good morning po! Ang aga aga nag wawalis ka na jan!" Maymay greeted her Mom lively.
"Oh anak! Good morning! Ang aga nyo ah. Nag almusal na ba kayo?" Tita Lorna said habang nagmamano kami ni May
Maymay's POV
"Opo Ma nag almusal na po kami. Ikaw po?" Tanong ko kay Mama habang papasok kami ng bahay
"Nako kanina pa ako gising kaya nakapag almusal na ako"
Umupo naman kami ni Mama sa dining table
"Ma pwede po ba tayo mag usap?"
"Uhm May, Tita Lorna, sa labas lang po muna ako" nilingon ko si Edward na palabas palang ng pinto tsaka ko nginitian
"Tungkol saan Nak?"
"Ma sa totoo lang po nag tatampo ho ako sa inyo. Kasi kung hindi pa po sinabi nila Tito Kevin yung tungkol sa aksidente hindi nyo pa po pala sasabihin sakin. Ma akala ko po ba walang sikreto?" Hindi ako makatingin ng direcho kay Mama
Ayaw kong gawin to kasi ayokong nasasaktan sya. Pero gusto kong malaman yung dahilan nya para kahit papaano mabawasan yung sama ng loob ko.
"Anak. Sorry. Naduwag lang si Mama. At tsaka akala ko kasi hindi na ako mapapatawad nila Kevin eh kaya hindi ko na din sinabi sa'yo" paliwanag ni Mama
Masakit sakin na naririnig si Mama at nanginginig pa ang boses. Alam kong mahirap sa kanya.
"Pero Ma sana po naisip nyo kung anong pakiramdam ko na may hindi ako alam sa kabataan ko. Alam nyo naman po siguro na matalik kaming magkaibigan ni Edward at alam nyo po na mangungulila sya" naramdaman ko na yung pag patak ng luha ko na kanina ko pa pinipigil
"Alam ko May. Patawarin mo si Mama kung hindi ko inisip ang kapakan ng pagkakaibigan nyo ni Edward. Naisip kong wag ba sabihin sayo kasi ayokong mag hanap ka sa taong hindi mo na maalala. Ayokong mapahamak ka pa"
"Po? Mapahamak? Saan?"
"Yung Lolo ni Edward, ang tatay ng Mama nya, dahil sa galit nya sa akin sa pagkamatay ng anak nya ay binantaan nya ang pamilya natin na wag nang magpakita sa kanila habang buhay, kung hindi ay papahirapan daw niya tayo hanggang sa mamatay"
"Po?!"
"Oo anak, kaya ko nagawang itago sayo yung ng ilang taon"
"Alam po ba ni Edward to?"
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, kung ganoon ng pag babanta sa amin ng Lolo ni Edward, bakit parang walang alam sina Tito Kevin?
"Nung nakaraan ko lang nalaman na alam ni Edward ang tungkol dito. At wag ka na mag alala dahil sabi nya ay napatawad na tayo ni Lolo nya naintindihan na nila na aksidente ang nangyari. Naiintindihan ko din naman ang Lolo ni Edward dahil baka nadala sya ng galit sa pagkamatay ng anak nya"
Parang binunutan ako ng tinik sa dibdib sa narinig ko
Akala ko ay magkakahadlang pa pagkatapos naming magkita ulit ni Edward
Niyakap ko si Mama ng mahigpit.
"Sorry Mama" ang tanging lumabas na mga salita sa bibig ko
Hindi ko maiwasan na maiyak dahil sa hirap na dinanas ni Mama nang pagbantaan sya ng Lolo ni Edward tapos ngayon ay pinasama ko lang ang loob nya
"Tahan na Anak. Okay na diba! Ayos ayos na ulit tayo! Wag ka na malingkot jan! Uuwi ng maaga ang Papa mo ngayom dahil mag hahanda tayo para sa kanila. Ang Kuya mo din uuwi na"
"Talaga po? Huhu I love you Mama!" Niyakap ko na ulit sya ng mahigpit
Edward's POV
"Talaga po? Huhu I love you Mama!" I overheard inside
I think they're already fine
I walked towards the open door and knocked to confirm if I can go inside
I saw Maymay hugging her Mom already
Tita Lorna just nod to me
When Maymay saw me, she laughed a bit
"Ang drama noh hahaha tara dun muna tayo sa sala may gagawin pa daw si Mama"
...
Maymay's POV
Nakatapos na kami ng dalawang movies ni Edward nung bigla akong tawagin ni Mama
"May! Pasuyo naman nung sapatos ko, naiwan ko sa kwarto mo eh. Please, salamat Nak!"
Huh? Ano naman gagawin ni Mama at gusto agad ipakuha yung sapatos nya eh nagluluto lang naman
Pag may naiwan naman syang gamit sa kwarto ko ay kukuhain nya lang pag gagamitin na
Nagtataka akong tumayo para umkyat sa kwarto at kunin yung pinapakuha nya
"Wait lang Dong ha. Jan ka lang" iniwan ko sa sala si Edward habang pumipili sya ng bagong movie
"Sure, take you time"
Pag akyat ko, tiningnan ko sa may shoe rack kung nandun yung sapatos ni Mama pero wala
Tiningnan ko na din sa ilalim ng kama pero wala pa din
Maya maya ay may kumatok
"Pasok po!" Baka si Mama
Narinig ko na lumapit na sya sakin kaya nilingon ko na
"Ma wala naman p--"
Paglingon ko hindi si Mama!