Chapter 9: New Identity

133 7 0
                                    

Hera's POV

"Wait! Are you sure about that?" Tanong ni Rome ng ipakita ko sa kanya iyong sketch ng tattoo na nakita ko doom sa leeg ng lalaking pumatay kay papa.

"Yeah. Kahit medyo hindi ko maaninag dahil malayo siya, I'm sure ganyan ang itsura ng tattoo niya." Sagot ko. Nakita ko kasi ang tattoo na ito dun sa leeg no'ng lalaking iyon. It's a cross with an infinite sign in its lower part. Ang weird nga eh, ang pangit no'ng tattoo niya at ang simple.

Nagtaka naman ako ng biglang matahimik si Rome at parang may malalim na iniisip.

"Huy! Ano na? Gagawin mo ba o hindi?" Tanong ko. Inuutusan ko kasi siyang alamin lahat ng bagay na nakaugnay sa tattoo na 'yon, since iyon palang naman ang lead ko sa ngayon.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong tignan ng seryoso.

"W-what is it?" I asked. Bigla akong kinabahan sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya ako nautal.

"This tattoo, I know what it means." He said. Nagulat naman ako dahil hindi ko inakalang alam niya pala ang tattoo na ito. It looks like, hindi na niya kailangan pang mag-research.

"Ano?"

"This is the tattoo of the Evil Gods." Sambit niya dahilan para mapakunot noo ako. Evil Gods? Kahit kailan ay hindi ko pa naririnig ang tungkol doon. Is it a mafia? A gang? "It is the most powerful mafia in the whole word." I gasped when he said that. I already expected that it's a mafia dahil pangalan pa lang, medyo kakaiba na. Pero hindi ko naman inakalang sila ang pinakamalakas ngayon sa buong mundo.

"Y-You mean..." Hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil sa pagkabigla. If they are the strongest mafia, bakit nila papatayin ang mga magulang ko? May interes kaya sila sa mafia namin? May kasalanan ba sa kanila ang mga magulang ko? I fucking need answers. I took a deep breath as I seriously looked at him. "Tell me everything you know about the Evil Gods, Rome."

"T-teka, a-anong binabalak mo?" Tanong niya at parang kinakabahan pa sa nga bagay na tumatakbo sa loob ng isipan ko.

"Just tell me." I said in authority.

"I don't want what you're thinking right now, Hera. You don't need to know anything about them." Matigas na sabi niya. Napakagat labi naman ako at nakapagmura sa loob ng isipan ko. I need to know the people behind that mafia. Malakas ang kutob kong may koneksyon sila sa pagkamatay ni mama at papa.

"Tell me everything you know. Please, this is the only lead I have to bring my parents' death to justice." I almost pleades. I am desperate. Iyong tattoo na iyon lang ang pwede naming maging lead kaya kailangan niyang sabihin sa akin lahat ng alam niya. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga 'tsaka siya umupo sa gilid ng kama dito sa kwarto. Dito ko kasi siya kinausap dahil hindi ko gustong malaman ni tita Carol ang ilan sa mga plano ko pero kahit naman pigilan nila ako, hindi ako papayag.

"What do you want to know?" He asked. Tumabi naman ako sa kanya.

"Anything."

"Okay. Gaya nga ng sinabi ko, sila ngayon ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihang mafia sa buong mundo. Kinakatakutan sila ng ibang mafia dahil brutal sila kung makipaglaban at sa oras na banggain mo sila, hindi sila magdadalawang isip na patayin ka." Seryosong sabi niya na saglit na nagpatahimik sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan dahil sa tono niya sa huling dalawang salita na binanggit niya. Para kasing nag-iba ang boses niya doon banda o baka guni-guni ko lang iyon. "Sa pagkakaalam ko, may tatlong posisyon ang tattoo ng Evil Gods."

"Position?" Nagtataka kong tanong.

"Yeah. If your tattoo is located in your wrist, you're just a knight. If it is in your neck, your position is a general. At kapag nasa bandang puso mo naman ang tattoo, your position is a King." He said. Natahimik ako at inaalala ang lalaking iyon. His tattoo is in his neck so it only means one thing, the person who killed my parents is one of the King's general.

Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon