Hera's POV
Nandito na kami ngayon sa apartment at pag-uusapan na namin 'yung tungkol sa mission na binigay sa amin ni King. Pero may gumugulo sa akin ngayon. Bago kasi kami tuluyang umalis sa mansion, may sinabi muna si King. He told us that his name is Cronus Deville. His last name is Deville and Gray's last name is Deville too. Magkamag-anak kaya sila or is it possible that King is Gray's father? Hindi naman sa imposibleng mangyari pero kasi—
"Megami, are you listening?"
My thoughts were cut off when I heard Gray's voice. Napatingin ako kaagad sa kanya na mukhang kakainin na ako ng buhay. Ngumiti na lang ako kaya napailing na lang sila Owen at Abby at natawa. Mukhang may sariling mundo naman si Senji kaya hindi ko na siya pinansin.
"Obviously, you are not listening," dagdag pa niya. Napakagat labi na lang ako at mag-iiwas na sana ng tingin pero nauna na siya. I frowned when I noticed that he gulped hard.
"Ano bang iniisip mo, Meg?" tanong ni Owen kaya napatingin ako sa kanya.
I sighed. "I'm just wondering. Deville kasi ang last name ni King and Gray's last name is Deville too, so I am–"
"You are right," sabi ni Owen na hindi man lang ako pinatapos. Napakurap-kurap naman ako at tumango siya. "King is Gray's father."
Abby gasped in shock while I just nodded. Hindi na ako masyadong nagulat. That's my conclusion after all.
"What?! Ikaw pala iyon, Gray!" Abby happily exclaimed so we all looked at her.
"What do you mean, "siya pala 'yon"?" tanong ni Senji na akala ko hindi nakikinig. Mukhang nagbalik na yata siya sa totoong mundo.
"Ang totoo n'yan, bago pa ako sumali sa Underground Battle, marami na akong alam tungkol sa Evil Gods pero hindi naman gano'n kadami."
Napatango naman kami sa sinabi niya. Well, noong first meet namin ni Abby bago magsimula ang battle, marami na siyang nasabi sa akin. Just like the cursed batch and the last survivor of that batch fourteen years ago.
"I am also wondering why you idolize our mafia very much," sabi naman ni Owen.
"Why? Because they saved us. Noong araw na pabagsak na ang mafia namin at muntik ng mamatay ang mga magulang ko, EG rescued us. They saved my parents and our mafia. Ang sabi sa akin ni mama, inutos daw ng king na tulungan kami at iniutos niya ito sa isa sa mga magagaling niyang general noon. I really want to meet that general but unluckily, she's already dead. They said that she died fourteen years ago. Pero bukod naman sa kanya, iniidolo ko din ang king."
I mentally frowned. She? A former general of EG who died fourteen years ago? I-Is it possible that it's Mama? Napahinga ako ng malalim at napailing-iling sa mga bagay na pumapasok sa isipan ko. I just bit my lower lip when those thoughts continued running inside my head.
"At isa pa, bali-balita sa amin na magaling daw talaga ang anak ng king na ngayon ay general. At hindi ko akalaing ikaw 'yun Gray!" sabi ni Abby. Napatingin naman kami kay Gray na biglang nag-iwas ng tingin.
I mentally tsk-ed. I want to be happy for the stories I heard from Abby. But instead of being happy for her, my anger suddenly arose. They rescued them? They saved their mafia? That's funny. It's so funny it's giving me the urge to smash their heads. Shit.
"M-Meg, are you okay?"
Napatingin ako kaagad kay Owen nang magtanong siya. Then I saw them looking in my hands which are now in fists. Tinago ko na lang iyon sa bulsa ko at mahinang natawa. But my laugh sounded very bitter so I stopped and sighed.
BINABASA MO ANG
Last Wish
ActionShe's strong... She's smart... She's fearless... She's like a princess protected by a king... Pero anong mangyayari sa oras na mamatay ang hari? Makayanan niya kayang mag-isa? At anong gagawin niya kung may hiniling ang kanyang ama sa kanya pero ala...