Hera's POV
When the car stopped, I also stopped my motor. Inalis ko ang helmet na suot ko at bumaba. Bumaba na din mula sa kotse sila Abby. Kinuha ko naman 'yung katana ko mula sa bewang ko at nilagay iyon sa loob ng kotse. Sinuot ko na din 'yung jacket na inabot sa akin ni Abby dahil may ilang bahid ng dugo ang damit ko.
Pumasok na kami sa restaurant at naghanap ng mauupuan. Napagdesisyunan kasi naming kumain bago tuluyang umuwi dahil gutom na din naman kami. Hindi ko nga alam kung anong dahilan at gutom sila. Wala naman silang ginawa eh.Umupo kaming lima sa isang table na malapit sa bintana. Sakto lang para sa lima 'yung mga upuan. Sa tabi ko si Abby, sa tapat naman namin sila Owen at Senji at sa gitna naman namin, si Gray. Pansin ko lang na palagi siyang umuupo sa mga pang single na upuan. Pati ba naman sa seating arrangement may positions?
Nilibot ko na lang sa paligid ang mga mata ko. The restaurant's interior is a combination of fine dining restaurants and fast food chains. Pero halata naman sa itsurang mayayamang tao ang kumakain dito.
May lumapit sa aming babae kaya sa kanya naman ako napatingin. Naka-stripes na shirt siya na may kulay na red at white. Tapos naka-skirt naman siya ng red. Medyo may kaiksihan ang pangbaba niya at maganda din ang hubog ng katawan niya kaya hindi na ako nagtaka nang makita ang malawak na ngisi ni Senji.
Inabutan niya kami ng menu na kaagad naman naming tinignan. Maliban lang kay Senji na parang naka-glue na 'yung mga mata sa kanya. After taking our orders and listing it down, tumingin naman siya kay Senji. We also looked at him dahil siya na lang ang hindi nag-o-order.
"Three kisses, five hugs and one night," sabi ni Senji sa kanya. He even winked at her. Napasapo na lang si Owen sa noo niya habang napailing-iling ako. Seriously? Mukhang lahat yata ng babae lalandiin nito. Siguro pag sinuotan ng palda at bra 'yung kawayan pati 'yun popormahan niya.
Naramdaman ko namang parang may gumalaw sa ilalim ng mesa kaya napakunot ang noo ko. Maging si Gray na kanina pa nakatingin sa labas ay biglang napatingin sa amin.
"Aray! Masakit 'yun ha! Anong problema mo?" tanong ni Senji kay Abby. I just nodded my head when I realized what happened. Mukhang sinipa siya ni Abby sa ilalim ng mesa. Serves you right, pervert.
Abby ignored him and looked at the waitress. "Sorry, ha? May pagkukulang kasi sa utak 'yang lalaking 'yan," sabi ni Abby at nginitian 'yung babae. Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya habang tumango-tango pa si Owen bilang pagsang-ayon.
"Okay lang po. Gwapo naman eh," sabi naman no'ng babae na mukhang nahihiya pang tumingin kaya Senji. Bahagya na lang akong napangiwi dahil mukhang may kaharutan din pala 'to.
"I'm hungry," biglang sabi ni Gray kaya natahimik kami. Kaagad namang umalis 'yung babae na mukhang natakot dahil hindi pa din siya umaalis kahit na nakuha na niya ang order namin. Nagreklamo naman si Senji na hindi pa daw siya nakaka-order pero sinabi ni Owen na nag-order na daw siya para sa kanya.
"Alam ko kasing lalandi ka kaya para sa dalawang tao ang sinabi ko."
"Grabe ka naman sa akin!"
I just shrugged while hearing their noise. I think I need to be used to these kind of noises from now on. At syempre, kailangan ko na ding masanay sa presensya nila dahil mukhang sila ang makakasama ko simula ngayon. I just hope that they won't be a hindrance in my future plans.
After few minutes, dumating na din ang mga order namin kaya nagsimula na kaming kumain. Napatango-tango na lang ako. Kahit medyo may kaibahan ang kinakain namin sa Thailand, masasabi kong masarap ang pagkain nila dito. Mukhang nasarapan din sila kaya tahimik kami for a few minutes. Pero mukhang may isa talagang hindi kayang manahimik kahit ilang minuto lang.
BINABASA MO ANG
Last Wish
AçãoShe's strong... She's smart... She's fearless... She's like a princess protected by a king... Pero anong mangyayari sa oras na mamatay ang hari? Makayanan niya kayang mag-isa? At anong gagawin niya kung may hiniling ang kanyang ama sa kanya pero ala...