Chapter 19: Encounter

101 3 0
                                    

Hera's POV

Maaga na naman kaming nagising ni Abby ngayon ahil nangbulabog na naman si Senji. Pero this time, nag-doorbell na siya. Kaso nga lang, sumisigaw pa din siya na parang manok habang tuloy-tuloy ang pagpindot ng doorbell. Kaya ang ending, nagrambulan sila ni Abby. Tawang-tawa nga ako ng inuntog siya ni Abby sa pinto at mangiyak-ngiyak siya dahil doon. Ang cute nila.

Ang sabi ni Senji, mag-ayos na kami at kumain bago pumunta sa unit nila. We just nodded because we think that we have another case to solve for today. Hindi na din kami nagreklamo na nagising kami ng maaga. Ang kinabwisit lang naman namin kanina ay iyong ingay ni Senji. I also made a mental reminder to wake up early everyday.

Ako naman ang nagluto ngayon dahil okay na ako. Pinagsaluhan namin ni Abby ang niluto ko at mukhang nasarapan naman siya. Sabi pa nga niya na mas magaling daw akong magluto. Bigla ko namang naisip 'yung tatlo sa kabil. Mukha naman kasing walang marunong magluto sa kanila at lamon lang ang alam nilang gawin.

Pagkatapos kumain, naligona kami at nagpalit ng damit. Natapos kami ng eksaktong seven o'clock. Kinabahan pa nga ako kasi medyo nagtagal kami pero naalala kong wala na mang sinet na time limit si Gray, unlike the first time.

We went outside our unit and stopped in front of their unit's door. Abby pressed the doorbell and the door immediately opened. Bumungad sa amin si Owen na kaagad na ngumiti ng makita kami.

"Good morning."

"Good morning," sabi naman ni Abby. Sandali pang naningkit ang mga mata ko habang nakikita ang malawak na ngiti ni Abby.

Pumasok na kami at naabutan sila Gray at Senji sa dati pa rin nilang pwesto. Napailing-iling na lang ako habang pinipigilan ang sariling matawa habang nakikita si Senji na sapo-sapo ang noo niyang medyo namumula pa. When he saw us, kaagad niyang sinamaan ng tingin si Abby.

We sat down in the same positions. Nang mapansin naman ni Abby na nakatingin pa din sa kanya si Senji, tinaasan niya ito ng kilay. "Tinitingin-tingin mo?"

"Humanda ka talaga sa akin! Inuntog mo 'yung gwapo kong mukha! Tignan mo ngayon, namumula!" pagmamaktol ni Senji. Napansin ko naman ang pagngiwi ni Owen pero 'di kalauna'y natawa na din.

"Kasalanan ko pa? Kasalanan mo 'yan dahil ang ingay ingay mo!"

"Eh si Gray nga nagsabing gisingin ko kayo eh! Gray oh!"

"Sumbungero!"

"Reklamadora!"

"Better shut your mouths or I'll do it myself," Gray seriously said while playing a gun in his right hand. Mukhang favorite line niya iyon at hilig niya ding paglaruan ang baril sa kamay niya bilang panakot. Pero effective naman dahil mabilis na tumahimik iyong dalawa at umayos ng upo. They are still glaring at each other though.

Tumikhim naman si Owen. "We have a new case."

Mahina akong napabuntong hininga sa sinabi niya. I really can't believe that instead of brutally killing people, EG orders the generals to solve cases. Pero sa tuwing iniisip ko na tungkol lang ito sa pera, nakakatulong naman iyon para mapanatag ang kalooban ko. Hindi ko nga alam kung bakit parang apektadong-apektado ako. Siguro dahil nagmumukha silang mabait kahit na kabaliktaran naman sa totoong buhay?

"Can you stop spacing out for once?"

My thoughts were cut off when I heard Gray's very cold voice. Napatingin ako sa kanya at napalunok nang makitang seryoso siyang nakatingin sa akin pero mukhang malapit na siyang mairita. Doon ko lang din napansin na nakatingin sa akin iyong tatlo. Owen's lips is slightly parted na para bang napatigil ito sa pagsasalita.

Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon