Chapter 30: Meet the King

98 4 0
                                    

Hera's POV

Naghanda lang kami saglit bago lumabas ng building para pumunta sa King's mansion. It's already half past nine and we are currently on our way to that mansion.

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang isipin kung gaano na ako katagal na nandito. Ilang linggo na ba ang lumipas? O ilang buwan? Feeling ko ang tagal tagal ko na dito.

Naalala ko naman bigla 'yung time na nanalo ako sa Underground Battle. Iyon ang unang beses na kinausap ako ni King pero hindi ko nakita ang mukha niya. But now, I will finally see his face. Iyong boses niya at presence niya pa lang noon, nagawa na akong pakabahin. He has this scary and powerful aura that even if you're meters away from him, he can still send shivers to your body. Oh well, he's the leader of the most powerful and strongest mafia in the world after all. Hindi siya basta-basta lang.

Napatingin ako sa labas ng bintana. All I can see are trees. Sobrang daming puno. Nasaan ba kami? Parang ang layo na nito sa apartment. Pero kahit gano'n, maganda pa din. Parang ang fresh ng paligid. Ang sarap siguro maglakad lakad dito. Wala din akong makitang ibang mga sasakyan na dumadaan dito. No air pollution.

"Meg...."

Saglit akong napalingon nang marinig ang boses ni Senji. Dahil nasa pagitan namin si Abby habang nakaupo kami sa backseat, hindi ko siya masyadong makita. Sa huli, sumandal na lang ako sa upuan. Siya nagtatawag edi siya mag-adjust.

"Why?"

"Tanong ko lang. Bakit may telang nakabalot sa may handle ng katana mo?"

Saglit akong natigilan at napakunot noo sa tanong niya. Hindi naman namin dala ang weapons namin ngayon pero mukhang naalala niya iyon.

I looked outside. "Design lang," mahinang sabi ko na alam kong narinig naman niya. Honestly, I also don't know why I needed to wrap that cloth around my katana's hilt. Si Tita Carol kasi ang nagsabi sa aking gawin iyon at no'ng tinanong ko kung bakit, hindi naman niya ako sinagot. But I know she has a reason. And whatever her reason is, I know it's for my own good.

"Design? Wala bang design 'yung handle mismo? Ang weird naman," natatawang sabi ni Senji. Ramdam ko namang nasa akin ang atensyon nila. Ramdam kong nakatingin si Owen mula sa rearview mirror habang nagda-drive at si Abby, talagang nakatingin. Magkatabi lang naman kami eh. And Gray? He's only looking outside the window but I can feel that he's listening.

I gulped. "Meron naman."

"Eh bakit may tela pa?" tanong ulit ni Senji. Mahina akong napahinga ng malalim. Bakit ba ang dami nitong tanong?

"Gusto ko lang," sabi ko at lumingon na kay Senji. Mukhang magsasalita pa sana siya pero inunahan na siya ni Gray.

"We're almost there."

Napatingin ako sa labas ng bintana. Kung kanina puro puno ang nakikita ko, ngayon may mga bahay na. Nakahilera ang mga ito sa gilid ng daanan habang sa likuran nila, mukhang gubat na. Kaninong mga bahay naman kaya 'to?

Naramdaman kong tumigil 'yung sasakyan kaya napatingin ako sa harapan. I frowned when I saw that we are still in the middle of the way. May lumapit naman na dalawang armadong lalaki sa amin na siyang nagbabantay sa gilid ng daan.

Binaba ni Senji ang bintana sa gilid niya kaya parang nanigas iyong mga humarang sa amin kanina. "Hey! Kami 'to!"

"S-Sorry po! Sige, tuloy na po kayo," said one and they both bowed before giving way to us. Sinara naman ni Senji ang bintana kaya nagsimulang mag-drive ulit ni Owen.

"Nirerespeto ka pala dito?" tanong bigla ni Abby kay Senji kaya napatingin kami sa kanya.

Ngumisi naman si Senji. "Syempre!"

Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon