Hera's POV
So, this is Pearl Academy. Walang dudang elite school nga ito dahil gate pa lang, malaki na. Ang laki ng school nila at halatang puro mayayaman ang nag-aaral dito.
Napatingin naman ako kay nila Gray at Senji. I was about to ask them kung bakit hindi pa kami pumapasok pero nagsalita na si Gray.
"Senji, gather some info's about that John Marco. After class, go to the crime scene and you know what to do. Megami will gather some informations about the victim and the suspect. Let's meet at the entrance after class." Sabi ni Gray. That's how he plays his role as the leader, huh?
"Aye aye!" Sabi ni Senji at sumaludo pa.
"Okay." Tipid kong sabi.
Nagsimula na kaming maglakad papasok at hindi nga kami hinarang ng guards dahil naka-uniform kami. Habang naglalakad naman kami, pinagtitinginan kami ng mga studyante. Tumitili pa ang ibang babae habang nakatingin sa mga lalaking kasama ko. Nasa likod naman kami ni Senji habang nasa harapan namin si Gray.
"Kyaaa~ ang gwapo!"
"Mukhang tranferees sila, ang swerte naman ng mga kaklase nila."
"Nakita mo "yun? Gray 'yong mata no'ng babae! Ang ganda niya, also her eyes!"
"Oo nga! Gosh! Ang ganda at ang gagwapo."
Nginingitian ko na lang sila. Pero si Senji, nagawa pang lumandi. Kung hindi ko pa siguro hinatak, naiwan na doon. Samantalang si Gray, diretso lang ang tingin with his usual expression, serious and emotionless.
Nang makapasok kami sa loob ng building, may nakasalubong kaming isang teacher. And it turns out na siya din ang homeroom adviser namin. Sumabay na lang kami sa kanya dahil hindi din naman namin alam kung saan ang classroom namin. We went on the third floor at huminto sa tapat ng isang pinto. Pumasok kami sa loob at kaagad na napatingin sa amin ang mga estudyante sa loob.
Nasa harap kami ngayon ng buong klase para magpakilala. Napansin ko namang may anim na upuan ang bakante. Malamang ay kay Sofie, Mandy, at John ang tatlo at para sa amin naman ang tatlo pa. Nakita ko din ang isang bintana na malapit sa locker nila na nakalock at may tape. Mukhang doon tumalon si Sofie.
"Hi everyone! I am Sean and I'm single." Sabi ni Senji sabay kindat. Tumili naman ang ilang babae sa kalandian niya habang napailing na lang ako. Kilig na kilig naman itong mga babae dito.
Sinenyasan naman ako ng adviser namin kaya ngumiti ako. "Good morning! I am Megan and nice to meet you all." Sabi ko naman. Nang mapansin ko ang pagtitig nila sa mga mata ko, saglit akong napangiwi. Mukhang alam ko na kung anong susunod na mangyayari.
"Totoo bang gray ang mga mata mo?" Tanong ng isang babae na nakaupo dito sa bandang harapan.
I forced a smile. "Yes."
"I am Aiden." Sabat naman bigla ni Gray bago pa ulit sila makapagtanong tungkol sa mga mata ko. Then, he walked and sat on the chair at the last row. Umupo naman ako sa tabi ng isang babae sa second to the last row sa right side. At si Senji naman, umupo sa tabi ng isang babae na nagtanong sa akin kanina sa left side.
Pagkaupo ko pa lang, binati na ako kaagad ng babaeng katabi ko. She looks nice and carries a positive aura, she's Shana. Naging ka-close ko din naman kaagad siya. Nagsimula naman ang klase at madali lang ang lesson nila. Sinabi naman ni Shana na kapag may tanong ako, huwag akong mahihiyang magtanong sa kanya. I wonder, kung ganito kabait ang mga kaklase nila Sofie, posible kayang pati sila, binu-bully din ni Mandy?
Abala lang kaming tatlo sa tahimik na pag-obserba sa paligid hanggang natapos ang klase. Tumunog na ang bell at iyon daw ang hudyat ng lunch time. Magkasama naman kami ni Shana at ng kaibigan niyang si Sandra na pumunta sa canteen para kumain ng lunch. Nang makaupo kami pagkabili ng pagkain, I immediately made my move.
BINABASA MO ANG
Last Wish
ActionShe's strong... She's smart... She's fearless... She's like a princess protected by a king... Pero anong mangyayari sa oras na mamatay ang hari? Makayanan niya kayang mag-isa? At anong gagawin niya kung may hiniling ang kanyang ama sa kanya pero ala...