Chapter 29: Phone

95 6 0
                                    

Hera's POV

Nababaliw na yata ako. Patay na si Jun Bin pero wala pa ring kalinawan lahat ng tanong ko. Feeling ko talaga may alam siya. Kilala niya rin ang mga magulang ko na sinasabi niyang pumatay sa anak at asawa niya. Alam kong hindi gagawin 'yun ng mga magulang ko.

But what if it's true? What if my parents really did that? Kasi kung iisipin, wala akong masyadong alam tungkol sa mga magulang ko. I was only being trained all my life. Hindi ko alam kung anong nakaraan ni Mama, kung sinong pamilya niya at sino ang mga taong nakasama niya noong kabataan niya. Same with Papa. I only know little things about my parents.

And now, because of Jun Bin, I am now doubting if they are my real parents.

Kay Mama sigurado ako dahil pareho kami ng kulay ng mga mata. Pero kay Papa? Hindi na. Different thoughts came inside of my head after Jun Bin said that I don't know my real father. Gaya ng, kaya ba ako palaging pinapahirapan ni Papa dahil hindi naman talaga niya ako anak? Kaya lang ba niya sinabi noong anak niya ako dahil asset ako ng mafia? I only met him few months after Mama died. So if you will think about it, malaki ang chance.

Winaksi ko na lang lahat ng pagdududa ko at nagpahinga sa hotel. Nagtagal lang naman kami ng isang araw pa sa Korea pero ang ginawa ko lang maghapon ay humilata sa kama at matulog.

Kinabukasan,umuwi na kami ng Pilipinas. Wala namang nagtanong kay nila Abby tungkol doon sa nangyari. Mukhang ang tattoo din ni Jun Bin ang mas nakaagaw ng pansin nila at hindi ang mga narinig nila. And I'm very thankful for that. But I know that a day will come and I will need to tell them the truth about me. I just hope that they will understand me and until the end, mananatili pa din sila sa tabi ko.

Pero kahit na pinagkakatiwalaan ko silang apat dahil purong kabutihan ang pinapakita nila, nangangamba pa din ako na baka sa oras na malaman nila ang totoong pakay ko sa pagsali ko sa EG, sila din mismo ang tumalikod sa akin at iwan akong mag-isa.

---

Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang alam ko lang, tumatakbo ako dito sa isang lugar na napakadilim. Hindi ko alam ang lugar na ito pero sobrang pamilyar ng nararamdaman ko na para bang nakarating na ako dito dati pa.

"Hold on tight, Hera."

Napatingin ako sa babaeng nakahawak sa kamay ko habang tumatakbo kami. Pawisan na siya at hinihingal na. May ilang sugat din siya sa katawan at madumi na din ang damit niyang may ilang punit na.

"Mama!" napasigaw ako ng makilala siya. Humigpit naman ang hawak niya sa kamay ko habang nagpapatuloy kami sa pagtakbo. Pero bakit nga ba kami tumatakbo?

Napatingin ako sa paligid. Madilim talaga pero may nakikita akong ilang street lights. Nang mapatingin naman ako sa gilid, natanaw ko ang dagat. Mukhang malapit lang kami sa tabing dagat pero kahit anong isip ko, hindi ko maalala kung bakit kami nandito.

"Shit!"

Nagulat ako ng may biglang sumulpot na mga lalaki sa harap namin ni Mama. Tinago ako ni Mama sa likod niya at nakipaglaban sa mga lalaking iyon. Napahawak na lang ako ng mahigpit sa kamay ko dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon. Pero nang mapatingin ako sa mga kamay ko, nagtaka ako dahil ang liliit nito.

Hinawakan ko ang mukha ko at napatingin sa katawan ko. Natulala ako nang may mapagtanto.

I-Isa akong bata...

"Mama!" napasigaw ako nang makitang napuruhan ng mga kalaban si mama. Pero agad siyang tumayo at bumawi. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa pagiging bata ulit nang maramdaman ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.

Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon