Chapter 21: Missing Student (Second Case)

92 4 0
                                    

Hera's POV

Nandito kami ngayon sa damuhan sa harap ng school building kasama si Jenny. Dito kasi nila napiling kausapin siya tungkol sa pagkawala ni Ellaine. Mahaba ang buhok niya at medyo chubby ang pisngi. At habang nakatingin sa kanya, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. There is something about her that I can't just point out. Mukhang nararamdaman din naman iyon ng iba base sa kung paano nila siya tignan.

"What happened before she went missing?" Owen asked. I stayed silent, same with the others.

"Sabay dapat kasi kaming uuwi pero ang sabi niya, mauna na daw ako dahil may practice ang volleyball team. Volleyball player kasi si Ellaine at malapit na ang laro nila kaya kailangan na nilang mag-practice. Umuwi ako ng mga bandang five o'clock ng hapon. Hinintay ko siya pero hindi na siya umuwi. Nireport ko 'yun kaagad sa police station pero kailangan daw na may 24 hours muna kaya umuwi na lang ako. Hindi ko nga namalayan na nakapasok pala ako sa kwarto ni Ellaine galing kusina sa sobrang pag-aalala at pagmamadali kaya damit niya ang naisuot ko," she answered. May pag-aalala sa tono niya pero hindi ko iyon nakikita sa mga mata niya. Nagkatinginan pa kami ni Abby at sabay din na napatingin kay Senji at Gray na nanatiling tahimik. But I noticed how their eyes observe Jenny.

"Hanggang Wednesday na, hindi pa rin siya umuwi kaya nagsimula na din siyang hanapin ng mga pulis. Nalaman ko din mula sa mga teammates niya na hindi pala natuloy 'yung practice nila. Mas lalo akong nag-alala kay Ellaine. Pero ang hinala ko, nandito lang siya sa school," sabi ni Jenny. Kumunot naman ang noo ko. Paano niya kaya nasabing baka nandito pa si Ellaine sa school?

"How about the CCTV in the entrance? Na-check niyo na ba iyon?" tanong ko kahit pa alam kong nagawa na niya iyon. I'm just asking dahil baka hindi naman talaga iyong mga CCTV footages ang kinunan niya ng litrato at pinadala sa amin.

"Naisip ko na din 'yan. Noong tuesday kasi, may activity ang section namin at sa monitor room namin 'yun ginawa. Since mga IT student kami at tungkol sa computer ang ginawa namin. Noong Wednesday, binisita ko 'yung mga staff na nagmo-monitor ng CCTV footages at sinabi ko na kailangan kong makita 'yung CCTV footage no'ng Tuesday. Pumayag naman sila dahil madalas din naman ang section namin doon. Pinanood ko 'yung footage mga bandang 5:00 ng hapon hanggang 6:00 pero ni anino ni Ellaine, hindi ko nakita," sabi niya. Sinabi niya din sa amin na na-check na din daw iyon ng mga pulis at maging sila, walang nakitang Ellaine. We just nodded by that.

"How about the CCTV's in your dorm?" tanong naman ni Gray dahilan para mapatingin kami sa kanya.

"Walang CCTV ang dorm namin pero meron sa tapat ng entrance gaya dito sa school. Pero sa pagkakaalam ko kasi sira na 'yon."

"Eh iyong guard sa entrance no'ng Tuesday? Tinanong mo na ba siya? Baka nakita niya si Ellaine noong Tuesday," sabi ni Abby.

"Tinanong ko na din siya. Pero ang sabi niya hindi niya daw ito nakita. Pinakita ko rin pati pictures ni Ellaine pero hindi niya daw talaga nakita. Pati iyong guard sa dorm namin tinanong ko din pero gaya ng iba, hindi niya din daw nakita."

Halos sabay-sabay kaming napabuntong hininga nila Owen at Abby, frustrated because we can't get any info's that can lead to Ellaine's whereabouts. Nanahimik na lang tuloy kami habang nag-iisip ng pwede pang itanong. At pati si Senji! Himala nga at hindi dumaldal. Pero medyo nagtataka lang ako. Bakit parang lahat ng tanong namin nasagot niya? At lahat ng sagot niya hindi nakatulong para magkaroon kami ng clue kung nasaan si Ellaine.

"You may now go," sabi ni Gray

"Teka! Iyon lang ba ang kailangan niyo?"

"Yeah. Thank you," Owen said and smiled. Jenny just smiled at us and bid her goodbye before leaving us. Hindi ko naman maiwasang pagmasdan ang likod niya habang naglalakad siya palayo. Hindi ko alam kung tamang paghilaan ko siya dahil wala pa naman kaming ebidensya.

Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon