Chapter 25: Korea

91 3 0
                                    

Hera's POV

"Welcome to Korea!" masiglang sabi ni Abby pagkalabas namin ng airport. Natawa na lang kami dahil excited siya masyado.

"Oy, ang ingay mo!" saway naman ni Senji sa kanya. Inirapan na lang siya ni Abby.

Napabuntong hininga na lang ako at nilibot ang paningin ko sa paligid. This is my first time in Korea so I admit, medyo excited din ako. Ang kaso lang, kailangan naming madaliin ang pagtulong sa kanila para makabalik kaagad ng Pilipinas. Kaya wala kaming time para mamasyal dito. Pure work lang talaga.

A limousine stopped in front of us. A chauffer went out from the limousine and walked towards us. He looks like he has the same age as ours.

He welcomed us to Korea and bowed. Binukyan niya 'yung pintuan atsaka kami pumasok. Hindi ko na kailangang tanungin kung kaninong sasakyan 'to. No'ng hinawakan ng lalaki kanina 'yung pintuan nitong sasakyan, nakita kong may tattoo siya sa wrist niya. He's a knight of EG.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Abby habang nilalagay ng knight na iyon ang mga gamit namin sa likuran ng sasakyan.

"Alangan! Edi sa tutuluyan natin!" sagot naman ni Senji.

"Ikaw ba tinatanong ko? Ha?!"

"Pasalamat ka nga at sinagot pa kita!"

"Welcome!"

"Aba't ikaw na babae ka! Bwisit ka talaga!"

"Mas bwisit ka! Unggoy!"

Nagkatinginan naman kami ni Owen at sabay na lang na napailing sa kanilang dalawa. Nanatili namang tahimik si Gray at nakatingin lang sa labas. The knight started the engine and drove away from the airport. But Senji and Abby didn't stop from arguing.

"Titigil kayo o pagbubuhulin ko mga intestines niyo?" tanong ko kaya napatahimik naman sila. Malambing naman akong niyakap ni Abby habang nag-peace sign naman si Senji. I just laughed because of their cuteness.

Ilang minuto lang ang nagdaan at huminto ang sasakyan sa harap ng isang hotel. Pinagbuksan kami ng pintuan ng knight na kasama namin at kaagad na kinuha ang mga gamit namin sa likuran ng sasakyan. Owen also helped him even if our baggage are not that heavy and many. After that, the knight just bowed and left without uttering any word.

Pumasok kami sa loob at hindi maiwasang mamangha sa sobrang laki ng hotel na ito. I wonder if EG also owns this place.

"Go to the information desk and tell them that we have a hotel reservation, room 361 and 362," biglang sabi ni Gray. Nakita ko namang nag-iwas ng tingin si Senji. Napakamot naman sa ulo si Owen at nagtaka naman kami ni Abby. Sino ba sinasabihan ni Gray? May sinasabi pero hindi naman tumitingin sa kinakausap. "You'll do it or not?"

Narinig naman naming napabuntong hininga si Owen at kakamot-kamot na lumapit sa information desk. Sumunod naman kami sa likod niya habang nagtataka ako. Bakit parang problemado siya?

"H-Hu! We have–" Napatigil sa pagsasalita si Owen nang mapansin niyang mukhang hindi nakakaintindi ng English 'yung dalawang babae na nasa information desk.

"Mukhang hindi sila nakakaintindi ng English," sabi ni Senji. Napatingin naman ako kay Gray na busy sa phone niya. Mukhang may binabasa siya doon kaya kami ang inutusan niya.

"Edi mag-Korean na lang!" sabi naman ni Abby kaya napatingin kami sa kanya.

"Marunong ka?" tanong ni Owen. Natahimik naman si Abby at umiling. So, hindi sila marunong mag-Korean? Now I know kung bakit parang problemado sila kanina.

Lumapit ako at ngumiti sa dalawang koreanang hindi nakakaintindi ng English. Resign na kaya kayo? I mentally laughed inside of my head.

"Ioh-eun achim," (Good morning) sabi ko. Nagliwanag naman ang mukha nila at narinig ko pang nagulat 'tong mga kasama ko.

Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon