Hera's POV
I slowly opened my eyes and immediately felt a throbbing pain all over my body. Huminga na lang ako ng malalim dahil kung iisipin, wala pa ito sa mga pinagdaanan ko sa Thailand tuwing pagkatapos ng training.
I roamed my eyes around my room and saw no one. Dahan-dahan akong umupo at napapakagat labi na lang sa tuwing kikirot ang mga sugat ko. Sumandal ako sa headboard ng kama at napatingin sa orasan. It's only nine o'clock in the evening. Ilang oras lang pala akong nakatulog. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang phone ko.
Nagtaka naman ako nang makita na Saturday na ng gabi ngayon. If I can remember it right, Thursday ng hapon nangyari ang laban. But when I realized that I was asleep for more than two days, napabuntong hininga na lang ako.
I called Tita Carol's number and put the phone against my right ear. Napasulyap ako sa paa ko na may bandage ngayon at pati na din sa kaliwang balikat ko. I just sighed again.
Kumunot naman ang noo ko dahil hindi sinasagot ni Tita ang tawag ko. Her phone just keeps on ringing. After three missed calls, I decided to call Rome instead. Baka kasi busy si Tita kay Gino kaya hindi niya masagot ang phone. Pero nagtaka ako ulit dahil hindi ko naman matawagan si Rome. He's out of reach.
Nilapag ko na lang ang phone sa table sa gilid ng kama. I sighed for the nth time. Bakit kung kailan kailangan ko ng makakausap, mukhang ngayon pa sila hindi pwede?
I just bitterly chuckled and rested my head on the headboard. Wala naman sa sariling nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko. I looked at every thing inside my room, observed every details and can't help but to shed a tear.
Ang kwarto na 'to, ang unit na 'to at ang building na 'to ang naging tahanan ko habang nandito ako sa Pilipinas. I stayed here for months but now that I found out that I'm in a wrong place, I think I need to leave now and find the real killer. Hindi na kalaban ang tingin ko sa EG pero hindi na din ako pwedeng manatili dito.
I don't want to leave but how can I find my real enemy if I will be stuck here while doing missions and being a general? Alam kong mas mahihirapan ako sa oras na umalis ako pero wala akong choice. I don't have any plans in dragging my team in my personal problem so I can't ask for their help.
They have their own lives and so do I.
I wiped my tears and just stayed inside my room for almost an hour. Nang maramdaman ko ang matinding gutom, nagdesisyon akong lumabas na at pumuntang kusina.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at kaagad na humawak sa pader. Hindi naman masyadong masakit ang kanang paa ko pero mahirap maglakad. Mukhang aabutin din ng ilang araw pa bago tuluyang maghilom ang mga sugat ko.
Lumabas ako ng kwarto at kaagad na napahawak sa lamesa na nasa tabi lang ng pinto ng kwarto ko. I was about to walk towards the kitchen when our unit's door suddenly opened and the four of them entered.
Pare-pareho kaming natigilan nang makita ang isa't isa. I don't know pero parang nag-iba ang atmosphere sa pagitan namin at parang may ilangan na.
I just averted my gaze. Maglalakad na sana ako pero biglang dumulas ang kamay ko mula sa lamesa kaya nawalan ako ng balanse. Gray immediately went near me and caught my arms before I totally fall on the floor.
"If you can't still walk, you should've stayed in your room," he said, scolding me. Napaiwas na lang ako ng tingin at binawi ang braso ko atsaka hinawakan ulit ang lamesa. "Bakit ka ba lumabas?"
Napatingin din naman ako kaagad sa kanya dahil nagsalita na naman siya ng Tagalog. Our eyes met and he doesn't look angry. Napaiwas na lang ako ng tingin. "P-Pupunta lang sana ako sa CR."
BINABASA MO ANG
Last Wish
ActionShe's strong... She's smart... She's fearless... She's like a princess protected by a king... Pero anong mangyayari sa oras na mamatay ang hari? Makayanan niya kayang mag-isa? At anong gagawin niya kung may hiniling ang kanyang ama sa kanya pero ala...