DP015
~*~
Kim's POV
Tahimik akong naglakad patungo sa rooftop ng science building namin dito sa Duels University.
Napaka-tahimik ng lugar. Siguro ay dahil alas nuebe na rin ng gabi. Inilabas ko ang cellphone ko at tinignan ang latest chat ng account ko kay Fritsy.
Napatakip ako ng bibig nang mabasa ang mensahe mula rito.
~*~
Kim:
I did. Pinatay ko si Kiel.Fritsy:
Seen.
~*~
No, hindi ako ang pumatay kay Kiel. Kumabog ng malakas ang aking dibdib. Wala akong sapat na dahilan para gawin yun sa kanya. Napailing ako kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
'Someone is playing'
BINABASA MO ANG
Death Page (Epistolary)
Mystery / Thriller[Completed✓] EPISTOLARY: Their friendships fell into death! (Short Story) More on Chat, Text, Call and Diary.