DP047
~*~
6:30 pm
Lorie's POV
Huminga ako ng malalim bago pinindot ang bell ng condo ni Marcus. Sinadya ko talagang hapon ang punta ko dito para hindi ko maabutan si Mikaela.
Habang nakatayo ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Tama ba 'tong gagawin ko? Tinignan ko ang dala kong pizza, alam kong favorite nya 'to kaya dinalhan ko na din sya.
"Lorie?" Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang matipunong katawan nya. Shit. Dali-dali akong tumalikod. He's half naked, calm down Lorie.
"The hell. I'm sorry." He said. "Magbibihis lang ako." Dagdag pa nya. Rinig kong pumasok ulit sya sa loob at pagbalik nya ay nakabihis na sya.
.
.
.
.
.
.
.
Sa kabilang banda.
Olivia's POV
Flashback: (eto yung nasa airport sila at nakita sila ni Jasmine.)
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mag-alala sa ipagtatapat ko ngayon kay Lorie. Paano ko sasabihing si Fritsy ang pumatay kay Kim. Sobrang gulo na ng isipan ko.
"Liv nandito na tayo, ano na yung sasabihin mo?" Tanong nya.
"A-ah. Tanda mo pa nung nagtext satin si Fritsy na gusto na nyang makasama si Kiel?" I ask.
"Oo. Yun din yung gabing nandun tayo sa burol ni Kim diba."
"Oo"
"Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala Liv, apat na kaibigan natin ang namatay ng hindi natin alam kung ano ba talaga ang nangyare. Sinabi nila na nagpakamatay daw si Fritsy pero hindi ako naniniwala dun."
"Ako din Lorie. Pero yung tungkol kay Kim, kilala ko kung sino ang pumatay sakanya." Saad ko. Gaya ng inaasahan ko ay nagulat sya sa sinabi ko.
"Ano? Seryoso kaba dyan Olivia?" She said kaya tumango nalang ako. "Sino? Sino ang pumatay sakanya?"
"S-si F-fritsy. Si Fritsy ang pumatay sakanya, pero maniwala ka sakin Lorie, hindi nya yun sinasadya. Someone using Kim's account at nilinlang nya si Fritsy, nagpanggap ang taong yun na sya si Kim at sinabi nyang sya ang pumatay kay Kiel."
"What? This is crazy." Hindi makapaniwalang sambit nya.
"Dahil sa labis na galit ay naitulak ni Fritsy si Kim sa taas ng rooftop that night." Napaupo sya dahil sa panghihina.
"Alam na ba ito ni Kevin?" Tanong nya.
"No. Wala syang kaalam-alam sa nangyayare. Pero alam din nyang may gumagamit na iba sa account ni Kim that time." I said.
"Bakit ngayon mo lang ito sinabi sakin? Bakit hindi kayo humingi ng tulong sa mga pulis?"
"Huli na din ng malaman ko ang totoo. Wala na si Kim at pati si Fritsy ay wala na din."
"Sa pagkamatay ni Fritsy. Alam mo ba kung papaano sya namatay o kung sino ang pumatay din kanya?" Tanong nya. Napatungo ako at napailing. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang totoong nangyare sakanya. Basta ang alam ko lang ay hindi lahat ay kaibigan ko at hindi dapat ako magtiwala ng basta-basta yan gustong ipahayang ng huling mensahe sakin ni Fritsy.
End of Flashback:
~*~
1 Notification Received
Open | No
"Shit what's this? I didn't open that f*cking page! Bat may ganito?"
BINABASA MO ANG
Death Page (Epistolary)
Mystery / Thriller[Completed✓] EPISTOLARY: Their friendships fell into death! (Short Story) More on Chat, Text, Call and Diary.