DP072

53 9 0
                                    

DP072

~*~

Justin's POV

Nag-spray pa muna ako nang favorite perfume ko na Sauvage Cologne, bago kumatok sa pintuan ni Olivia. Inayos ko pa ang suot kong tie. Anak ng tokwa feeling ko ikakasal ako sa pormahan kong 'to e.

"Oh magnininong ka ba at ganyan ang itsura mo?" Napatayo ako ng tuwid ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si Olivia.

"Shit" Bulalas ko. Agad akong napatakip ng bibig ng samaan nya ako ng tingin. Oh men bakit ba ang ganda nya ngayon? eh tomboy naman 'to dati ah.

"Hoy ano bang problema mo Justin Lloyd Reyes, naka high kaba at napapatulala ka nalang dyan?" Napahilamos ako ng mukha dahil hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

"ah-ahhahaha. Wala, tara na?" Aya ko nalang at nauna na akong naglakad papunta sa kotse ko. Hooo! Huminahon ka nga Justin, anak ng tatlong baka kaylan kapa tinablan ng kagandahan ni Olivia? Nababaliw na ata ako, nung huli kong tira ng ragbi hindi naman ako ganito ah. Pero lintik, nagraragbi ba ako? hindi naman ah. Aish. Nababaliw na nga talaga ako.

"Justin okay ka lang? kanina ka pa napapasabunot sa sarili mo eh, nababaliw kana ba?"

"Aish, hindi." Sabi ko at pinagbuksan sya ng pinto. "Thanks" Sabi nya feeling ko namumula na ako. Lintik ambakla yak!

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa driver sit. "You look paranoid, is there something bothering you?" Sabi nya ng makapasok ako. Hindi ko nalamang sya pinansin at sinumulan ko ng paandarin ang kotse.

Habang nasa daan kami ay wala ni isa ang gustong magsalita. Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya saglit. "Maayos ba yang seat belt mo?" Tanong ko.

"Yeah, why?"

"Wala, may check point kasi baka mahuli tayo" Saad ko. Tumango-tango naman sya at chineck ng mabuti ang seat belt nya. Napangiti naman ako.

.

.

.

.

.

.

.

"Nga pala, about sa chat mo, seryoso ka ba dun?"

"Ang alin?"

"Dun sa sinabi mong narinig mo yung boses ni Melissa." Sabi nya. Napatingin ako sakanya at itinigil ang kotse.

"Hindi ka naniniwala sakin?" Sabi ko.

"Hindi naman sa hindi ako naniniwala sayo Justin, pero napakaimposible kasi nang sinasabi mo e. Alam nating lahat na matagal ng patay si Melissa kaya papaanong narinig mo sya?" Seryosong sambit nya. Hindi ko sya masisisi pero iba kasi ang pakiramdamn ko, parang may mali.

Napatingin ako sa labas. "Nasa loob ng apartment na yan ang kasagutan Olivia." Sabi ko ng nakatingin sa dating apartment ni Melissa. Isa itong lumang bahay kaya medyo nakakatakot ang itsura, meron ding mga nagtataasang mga punong-kahoy sa likod nito kaya malilim.

Bumaba ako ng kotse at ganon din naman ang ginawa ni Olivia.

"Hindi ko alam na ganito na pala ito kaluma. The last time na pumunta ako dito hindi pa naman ganito ang itsura neto." Saad nya. Maging ang maliit na gate nito ay kumakalawang na din.

Lumapit kaming dalawa dito at muling pinagmasdan.

"Ang creepy naman" Saad nya kaya natawa ako.

Death Page (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon