DP053

55 10 1
                                    

DP053

~*~


Lorie's POV

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ko habang pinagmamasdan syang kumain.

"Paano mo nalang 'tong bago kong condo?" Tanong nya.

"A-ah yun ba, s-sinabi sakin ni Ysel."

"Sinabi sayo ni Ysel?"

"Oo, hindi ko kasi alam itong bagong place mo kaya nagtanong ako sakanya." Saad ko.

"Pero hindi naman nya alam itong bagong address ko ah, bukod kay Mikaela at Ezikiel, wala ng nakakaalam na lumipat ako dito." Kunot noong sabi nya. Nagtaka naman ako. Hindi ako pwedeng magkamali si Ysel talaga ang nagsabi sakin ng bago nyang address.

"Forget that. Ano nga palang sadya mo dito?" Tanong nya. Napaayos naman ako ng upo.

"A-ah. Wala lang gusto lang kitang kamustahin."

"Malapit na ang finals diba dapat ay naghahanda kana para doon?" Napatungo ako.

"Ayaw mo bang nandito ako?" Malungkot na saad ko. Napatitig lang ako sa sahig habang naghihintay ng mga susunod nyang sasabihin pero wala akong natanggap na salita mula sakanya. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng lungkot.

"Hindi. Masaya ako dahil nandito ka."

Hindi ko inaasahan na sasabihin nya yun kaya napatunghay ako mula sa pagkakatungo.

"T-talaga?"

"Isa ka rin sa mga kaibigan ko Lorie kaya welcome ka parin sa tirahan ko" seryosong sabi nya.

'kaibigan'

Sinubukan kong ngumiti dahil sa sinabi nya ngunit kahit na anong gawin kong ngiti ay alam kong ramdam nya ang pait ng pagkakangiti ko.

"Sandali ikukuha lang kita ng maiinom." Paalam nya. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Habang naghihintay ay biglang tumunog ang messenger app ko tanda na merong unread messages.

~*~

Olivia:
Asan ka ngayon?

Olivia:
Lorie kung nandyan ka man ngayon sa condo ni Marcus. Please umalis ka na.

Olivia:
Nakikiusap ako sayo, umalis kana.

Lorie:
Ano bang pinagsasabi mo Liv?

Lorie:
Hindi kita maiintindihan.

Lorie:
Bakit moko pinapaalis dito?

Olivia:
Hindi mo pa ba nababasa ang status galing sa page?

Lorie:
Huh?

Olivia:
Get the hell out there before it's too late.

Seen.

You disconnect the chat.

~*~

"Oh ayos ka lang? Bat parang kinabahan ka nung makita moko?"

"Ah wala. Uh Marcus, may na-recieved kabang notif galing sa page?" Tanong ko. Biglang nanginig ang kamay ko ng hindi ko alam ang rason.

Death Page (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon