DP079

57 8 0
                                    

DP079

~*~

Dwight's POV

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng mansion. Gaya ng inaasahan ko. Mukhang nasa ikalawang palapag sila.

Kinuha ko sa bag ko ang dala kong flashlight. Napakaluma na ng lugar at sobrang maalikabok. Ang mga bintana dito ay basag-basag na rin. Madami rin ang lumang painting ang nakasabit at walang ibang daan kundi ang front door.

Nagtungo ako sa nakita kong unang kwarto. Dahan-dahan ko itong binuksan, I was about to enter when I felt something hard at back of my head.

"Don't you dare to move or else I'm gonna pull the trigger." Shit. It's Alex.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko.

"Dude what are you doing? Kaibigan mo kami." I said. Hindi sya nagsalita pero narinig ko ang mahinang tawa nya.

"Not anymore." He said. "Move"

"San moko dadalhin?"

"Sumunod ka nalang kung ayaw mong dito na pagpyestahan ng langgam ang katawan mo." Damn! He's not the Alex I know.

Nagtungo kami sa ikalawang palapag ng mansion at doon nga ay bumungad sakin sila Ezikiel at Marcus na puno ang sugat sa mukha.

"Oh your here too?" Napatingin ako sa babaeng prenteng nakaupo sa gitna habang tila may kinukwento kila Jasmine. "What are you doing here Dwight? Wala ka sa listahan ko kaya bakit ka pa nandito?"

"Listahan?" Ulit ko sa sinabi nya.

"Oh well. Listahan ng mga papatayin ko. But since you were here, it'll nicer if you join them to death right?"

"Baliw kana talaga Ysabelle" May diin na sabi ko.

"Masyadong matalim yang bibig mo 'tol gusto mo putulin natin?" It's Alex. He push me down kaya napasubsob ako sa sahig.

"D-Dwight." Dinig kong sambit ni Jasmine. I tried to look to Ezikiel pero wala syang reaksyon. Sinubukan kong makipag-usap sakanya sa mata pero ayaw nya akong tignan.

I tried to get up when I get a punch from Alex. Shit. I felt dizzy. Napahiga din ako sa malamig na semento.

"Let me guess, nandito ka para kay Jasmine tama?" Ysabelle's said kaya napatingin ako sakanya. Tumayo sya at naglakad palapit sakin. "Why? You like her?" Sabi nya na parang naaawa.

"Tumahimik ka." Madiin na sambit ko.

"Poor Dwight, pero si Ezikiel ang gusto nya."

"Ano ba Ysabelle tama na yan!" Nanghihina ngunit madiing sambit ni Marcus.

I closed my eyes and take a deep breath.

Tumayo ako ng dahan-dahan at humarap kay Alex. Nakatutok parin ang baril nya sakin pero wala na akong pakialam. I step closer to him.

"Kapag humakbang ka pa, tutuluyan kita." Banta ny sakin ngunit hindi ako nakinig patuloy parin akong lumapit sakanya.

"I think, gusto ng mamatay ni Dwight Love, why don't you pull the trigger then. Para naman matigil na ang pagiging super hero nya." Ysabelle.

"Dwight ano bang ginagawa mo?" Dinig kong sambit ni Jasmine. Shit. Tama sila gusto ko si Jasmine pero alam kong si Ezikiel ang mahal nya at mahal din sya ni Ezikiel. Ang magagawa ko nalang ngayon ay ang tulungan sila para makaalis na sa lintik na isla na 'to!

"Bakit hindi mo iputok? Nagdadalawang isip kaba Alex?" Tila wala sa sariling sambit ko. Lumapit ako sakanya hanggang sa nakatutok na sa noo ang baril na hawak nya. "Hindi mo kaya?"

Death Page (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon