DP059
~*~
Justin's POV
*BLAAAG*
"Anak ng tokwa. Huminahon na muna pre." Awat ko sa kaibigan ko. Kakarating lang namin dito sa condo ni Marcus at gaya nga ng text ni Olivia nandito silang lahat maliban kay Lorie.
"Kevs ano bang problema mo?" Inis na tanong ni Mikaela.
"Problema ko. Ha! Bakit hindi mo tanungin yang magaling mong boyfriend kung ano ang problema ko."Ani Kevin habang galit na galit na nakatingin sa bumagsak na si Marcus dahil sa pagkakasuntok nito.
Pumagitna naman si Dwight at Ezikiel para pigilan silang dalawa.
"Alam mo kasalanan mo lahat ng ito. Ikaw ang dahilan kung bakit nangyare 'to kay Lorie.!" Dagdag pa ni Kevin.
"Kevs please tama na." Jasmine.
"Hindi Jasmine. Gago lang talaga ang tarantadong yan. Kung hindi mo ba naman pinagsabay si Lorie at Mikaela hindi sana nag-aagaw buhay si Lorie ngayon!" Sabi nya at akmang susuntukin nya ulit si Marcus ng pigilan ko sya.
"Hindi ko sila pinagsabay" walang emosyon na sagot ni Marcus.
"E gago ka pala e, aasa ba ng ganon si Lorie kung wala kang pinakitang motibo sakanya?"
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil maging ako ay naiinis din kay Marcus. Tama si Kevin, sya ang dahilan ng lahat ng ito.
"Ano Marcus? Nakadetalye naba kung papaano mo kami papatayin?" Kevin
"Kevin ano bang pinagsasabi mo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Mikaela.
"Aminin na natin, lahat ng mga nangyayare ay kagagawan ng lalaking yan."
"Kevin tumahimik kana." Kalmadong sambit ni Marcus na may diin. "Wala akong ginagawang masama."
Natawa ng sarkastiko si Kevin.
"Talaga ba? Wag na tayong maglokohan dito pre. Ikaw, ikaw ang pumatay sa kanilang lahat-..."
"SABI NG TUMAHIMIK KANA!"
*BLAG*
Napahiga sa sahig si Kevin dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Marcus sakanya. Pinigilan ko syang makalapit kay Kevin pero maski ako ay tumilapon sa sahig dahil sa pagkakatulak nya sakin.
Umawat din sila Dwight at Ezikiel pero maging sila ay hindi rin napigil si Marcus sa paglapit kay Kevin, kwinelyuhan nya ito at inilapit ang mukha nya sa mukha ni Kevin.
"Mag-iingat ka sa sinasabi mo dahil kung hindi---" Marcus.
"Dahil kung hindi ano? Papatayin mo rin ako? Gaya ng pagpatay mo kay Kim?" Ani Kevin at tinulak ito patayo.
"Kevin anong sinasabi mong pinatay ni Marcus si Kim? The hell hindi natin alam ang totoong nangyare sakanya." Ani Mikaela. Tahimik lang din sa tabi si Olivia at Ysel.
"Totoo yan. Pinatay ng lalaking yan si Kim."
"Bro huminahon ka muna." Awat naman ni Alex. Napahilamos nalang ako sa mukha. Wengya naman komprontahan na ba 'to?
"Hindi." Dagdag pa ni Kevin at hinawi ang kamay ni Alex. "Totoo ang sinasabi ko pinatay nya si Kim at nakakasiguro akong may kinalaman din sya sa pagkamatay ng mga iba pa nating mga kaibigan." Matatalim na tingin ang binato ni Kevin kay Marcus. Hindi naman makapaniwalang napahilamos ng mukha si Dwight.
"How can you prove that he is the killer?" Saad ni Ezikiel. Napatingin ako sakanya. Seryoso din sya.
"Oo nga Kevs, paano mo mapapatunayan na si Marcus nga ang pumapatay." Saad naman ni Ysel.
BINABASA MO ANG
Death Page (Epistolary)
Mystery / Thriller[Completed✓] EPISTOLARY: Their friendships fell into death! (Short Story) More on Chat, Text, Call and Diary.