A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
Chapter 3.Umagang ka'y ganda. Bumangon ako sa higaan ko at tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Matangos ang ilong ko, mapungay ang mga mata, mapula ang mga labi at matangkad na nilalang ako. At mayroon din akong magandang pangangatawan kaya siguro nahuhumaliw sa akin ang mga estudyante ng S.Dynasty. Pero iisang babae lang talaga ang hinahangad kong mapa sa akin, siya si Samantha Zoe Perez. Isang babae na hinahangad ng lahat pero ubod naman ng kamalditahan at kasungitan.
Ngayong nalaman ko na may pag tingin si larry sa kanya, gagawa na talaga ako ng way para mapa-ibig si zoe. Ayaw kong umuwi ng luhaan gusto ko manalo ako sa laban na 'to. Katawan pa nga lang talo na siya eh, ka'y payat na tao ni larry jusko. Siguro isang sapak ko lang dun sa lalaki na yun taob na siya agad.
" Mommy, bakit hindi ka pa pumpasok? " tanong ko sa kanya habang nag hihilamos ako sa mukha. Naka bihis na siya pero nag cecellphone pa siya habang naka hilata sa sofa.
Tinanggal niya ang salamin niya sa mata at tinignan ako " Wait lang, i have a call excuse me. " aniya at umalis na sa sofa. Umupo na ako sa hapag kainan at nag simula na akong kumain.
" Ya, will you please get me one glass of water? " Utos ko sa maid namin na agad naman akong sinunod.
" Sir, ito na po " Sambit ng maid at iniabot sa akin ang isang baso ng tubig.
" Mom, sino yung tumawag? " tanong ko habang kumakain.
" Si Mr. Perez. May job interview kami right after the meeting "
" Ah sige mom. kamusta ang Jewel Empire? "
" Okay naman anak, mag kakaroon kami ng meeting mamaya for Business purposes "
" Okay mom. So aalis ka na niyan? "
" Yes. Ingat ka mamaya sa pag pasok " aniya habang bitbit niya na ang shoulder bag niyang gucci
" Okay be careful din mom. Bye! "
Umalis na si Mommy at tahimik na akong kumakain.
" Kuya! " narinig ko na naman ang boses ni sweety! Akala ko ba naman naka pasok na tong babae na 'to!?
" Bakit ba? "
" Ay, ang init ng ulo ah? " tinabihan niya ako at nag sandok na din siya ng mga kakainin niya
" Bakit ka late gumising? Akala ko ba naman naka pasok ka na! Maaga ang pasok mo ah? "
" Tinanghali na ako ng gising eh " sambit niya habang umiinom ng kape.
" Ano ba kasing ginawa mo kagabi? Bakit ka ba kasi nag puyat? "
" Nanood kasi ako ng Kpop videos! Takte! Ang ga-gwapo ng BTS! " patili niyang sambit.
" Mas gwapo pa ako sa mga yun "
Tinignan ako ni sweety ng mabuti at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa
" Hmm- Mula ulo mukhang paa. "
Binatukan ko siya at humagalpak siya. Sira ulo talaga 'tong babae na 'to. Malakas mang-asar eh! Hindi niya ba alam? Popular ako sa S.Dynasty?
" Nakuu! Ikaw lang ang bukod tanging nag sabi sa akin niyan. Hindi mo man lang nakikita ang ka-gwapuhan ko. " sa buong buhay ko, ngayon lang ako nag sabi ng ganito. Hindi 'ba ang sabi ko hindi ako GGSS o gwapong gwapo sa sarili? Pero ngayon lang naman to kaya pag bigyan niyo na ako.
" Oo na kuya. Gwapo ka naman talaga eh. Kaso lang talaga, hindi ka pa rin pasado para kay Zoe. " sambit niya habang umi-iling iling.
Hindi na lang ako sumagot para mabilisan ko na ang pag kain ko. Ma-le-late ako nito eh! Ubod kasi ng kadaldalan itong babae na 'to.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Ms. Sungit
Teen FictionNORDEN SERIES #1 : I fell inlove with Ms. Sungit.. Zake Norden, isang lalaking torpe noon na nag karoon na ng lakas ng loob para ligawan si Samantha Zoe Perez. Tatlong taon na niya itong minamahal ngunit ngayon lang siya gumawa ng way para mapa-ibig...