Birthday

98 7 0
                                    

A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!

-
Chapter 16.

Zake's Point Of View

" Ay kuya! Nag punta nga pala si zoe dito kahapon. " ani sweety na ikinalaki ng mga mata ko. Bakit ngayon niya lang sinabi? Tch! Makakalimutin talaga itong babae na 'to eh! Totoo yun mabilis siyang makalimot.

" Ano bang ginawa niya dito kahapon? "

" Wala hinanap ka "

Halaaaa hinanap daw ako ni zoe? Totoo ba yun? Sana nga totoo pero himala talaga ang mga nangyayari ngayon dahil iba na ang tingin ko kay zoe dahil hindi na siya masungit sa akin.

" Talaga? "

" joke. Close na kami kuya! "

" Naku sweety, baka naman sinabi mo sa kanya yung surprise ko sa kanya mamaya ah? "

" Hindi kuya. Promise kaya nga surprise eh "

" mabuti naman kung ganun. Mamayang 12 PM umalis na kayo tapos before 6 PM i-uwi ninyo na si zoe sa bahay nila. "

" Okay kuya. Clear tayo diyan "

Nag punta muna ako sa kwarto ko para i-check kung tama na ang mga binili kong gamit para mamaya sa surprise. May mga heart balloons, may gold foil letter balloons na H A P P Y B I R T H D A Y , may bouquet of chocolates and bouquet of roses, and syempre may mini speaker para habang nag sasalita ako, may background music.

Mamaya didikitan ko yung dingding ng kwarto niya ng mga pulang puso ng colored papers. Gusto kong maging masaya ang birthday niya. Gusto kong maging unforgettable ang birthday niya.

Tatawagan ko muna sina Tito vellion para ipaalam ang gagawin ko. Hindi pa kasi ako nakakapag paalam sa kanila eh.

" Hello tito vellion "

" Yes zake? "

" Mamaya po pupunta ako diyan. I have a surprise for your daughter. "

" Sure no problem. Gusto mo ba tulungan na kita? "

" N-no tito, i can do this "

" Okay. "

" Thank you tito vellion "

" You're welcome "

Binaba ko na ang tawag at pinalobo ko na ang mga gold foils para mamaya ididikit ko na lang ang lahat ng mga kailangan Kong i-dikit sa dingding ng kwarto niya.

<----------------------->

" Kuya! Kumain ka na! 11:30 na oh malapit na mag 12 PM. " sigaw ni sweety galing sa baba. Agad akong napa tingin sa wall clock ng kwarto ko at nakita kong malapit na ngang mag 12 PM kaya bumaba na ako agad para maka kain na

" Jasmine! Nandyan ka pala. " wika ko habang naka ngiti. Umupo na ako sa hapag kainan. Wala ngayon si mommy dahil nasa jewelry empire na naman siya.

" Wala ah. Multo lang ako dito "

Nag umpisa na kaming kumain para mamaya aalis na lang. Napag-usapan na namin to kaya siguro naman alam na nila ang gagawin nila.

" Kami na ang bahala kay zoe mamaya " wika ni jasmine habang kumakain

" Yeah. Basta dalian mo lang sa pag dedesign sa kwarto niya. " ani sweety

I Fell Inlove with Ms. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon