A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
Chapter 6.Zake's Point Of View
Kahit na anong klaseng pag tataboy pa talaga ang gawin sa akin ni zoe, hinding hindi ko siya titigilan. Ano bang pakialam niya kung ligawan ko siya sa ayaw at sa gusto niya? Wala siyang magagawa kung mahal ko siya. At kung wala man siyang feelings para sa akin, tatanggapin ko dahil alam ko naman na darating din yung panahon na magugustuhan niya rin ako.
" Jasmine! " tawag ko sa tapat ng bahay nila. Mag kakalapit lang naman kami ng bahay kaya madali lang hagilapin itong babae na ito.
" Oh zake?? " aniya nang makita niya akong nasa tapat ng gate.
" Saan ba yung bahay nila zoe? Saan banda malapit sa club house? "
" Yung bahay na kulay gray. Yung tiles yung dingding. Tapos kulay brown yung gate. "
" What? Doon ba? Doon lang pala!? "
" Oo. Mag kalapit lang kayo ng bahay. "
Ngumiti ako dahil halos limang hakbang ko lang nandun na pala ako sa bahay nila zoe. Gusto ko kasing puntahan si zoe ngayon na walang pasok. Syempre, liligawan ko na talaga siya literally.. Mag papakilala na ako sa parents niya as the suitor of their daughter.
" Nandon kaya si Zoe? " tanong ko habang naka nguso.
" Oo. Wala naman silang family outing noh! Nag sasabi naman 'yun sa akin kapag aalis sila "
" Ah, mag bestfriend talaga. Naku! "
" Bakit? Pupuntahan mo ba siya? " aniya habang naka ngiti
" Oo. Literal na manliligaw na ako sa bestfriend mo. " wika ko habang naka ngiti
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tinignan niya ang mga kamay ko
She smirked " Eh bakit hindi ka manlang naka pambihis na bilang manliligaw? At isa pa, wala ka man lang bang ibibigay na regalo sa kanya? "
" Syempre, tinanong ko muna sayo kung saan ang bahay nila. Para kapag nag punta ako duon pormal attire ako at may dala dala akong rosa- "
" Wag! " pigil niya sa akin. Bakit naman kaya? Nag seselos siguro ang luka hahahahaha!
" Bakit naman? Selos ka ba? "
" Gaga hinde! Ayaw niya kasi sa mga bulaklak. "
Ngumuso ako " Bakit naman? "
" Ewan ko. Basta ayaw niya dun. " aniya at nag kibit siya ng balikat
" Eh bakit kaya? Pero ano naman yung gusto niya kung ayaw niya ng mga bulaklak? "
" Chocolates then yogurt " Alam ko namang totoo 'tong mga sinasabi ni jasmine dahil sa tagal niya ng nakakasama si zoe hindi niya pa ba makikilala ng lubusan yung babae na yun?
" Iba siya ah? Siya lang yata ang babaeng hindi mahilig sa mga bulaklak. "
" Oo nga eh "
" Ikaw ba? Mahilig ka ba sa mga bulaklak? "
" Oo naman! ROSAS talaga pinaka FAVORITE KO " madiin niyang sambit habang naka tingin sa paligid. Nag paparinig ba 'tong babae na 'to? Ano bang gusto niya? Bigyan ko siya ng bulaklak? Naku po!
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Ms. Sungit
Ficção AdolescenteNORDEN SERIES #1 : I fell inlove with Ms. Sungit.. Zake Norden, isang lalaking torpe noon na nag karoon na ng lakas ng loob para ligawan si Samantha Zoe Perez. Tatlong taon na niya itong minamahal ngunit ngayon lang siya gumawa ng way para mapa-ibig...